Kabanata 34: Pagsakop

53.9K 2.8K 1.6K
                                    



MATINDI ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Lahat ng tao sa silid ay sa kanila nakatingin... at sa akin.

"Ikaw?" Inis na sambit ni Scion. "Hindi ba ikaw ang dating kawal dito sa palasyo?"

"Hindi na ngayon dahil ako na ang bagong Emperador." Lumapit kay Scion at dalawang kawal at hinawakan niya sa magkabilang kamay niya. "Lumuhod ka sa iyong Hari."

Hindi gumalaw si Scion, "Hindi ako luluhod sa katulad mong isang traydor!"

"Lapastangan!" Sigaw ng punong ministro.

Itunulak siya ng mga kawal pababa kaya napilitin siyang lumuhod. Masakit na makita siyang ganito. Ang dating Emperador ay ginaganito na lamang ng sarili niyang mga kawal.

Tinignan ko si Weiming, hinintay ko kung may gagawin siya pero nakatingin lang siya kay Scion.

Hindi ba niya tutulungan ang sarili niyang asawa?

"Tama na, Rushin." tinignan ko siya at hinawakan. "Ang pangako mo, tuparin mo." Bulong ko.

Bago siya makapagsalita muli ay sumigaw si Dria, "Ang puno ng Sequoia, nawawala!"

Wala na ang nga ang maliit na puno sa sahig kung saan ito nahulog ni Scion.

Inikot ko agad ang paningin ko sa paligid para tignan kung may kahinahinalang tao ang gumagalaw. Tumakbo ako palabas ng silid para silipin kung may tao.

Naisip ko agad si Jun. Hinanap ko siya at nakita ko siya sa tabi ng Reyna ng Soka. Wala siyang hawak na kahit ano pero masama pa rin ang kutob ko sa kanya.

"Hanapin niyo ito, madali!" Sigaw ni Rushin. Tinignan niya nang masama si Scion. "Kapag nalaman ko na nasa iyo ang puno, sisiguraduhin kong mapaparusahan ka."

"Nakita mo naman na dumiretso si Scion sa akin," hinila ko si Rushin palayo. "Ibigay mo na sa akin ang sinabi mong hahayaan mo akong makausap siya."

"Tingin mo ba hahayaan kitang makasama ang lalaking ito?"

"Tuparin mo ang mga pinangako mo, katulad ng pagtupad ko sa'yo."

Huminga siya nang malalim. Nagpapalit ang kulay ng mga maya niya... sa pula.

Ilang segundo bago siya sumagot. Halata sa ekpresyon ng mukha niya na labag sa kalooban niya ang hinihingi ko.

"Bibigyan ko kayo ng kalahating oras," inutos niya sa mga kawal na dalhin kami sa isang maliit na silid.

Tahimik kaming dalawang hanggang sa makapasok kami sa loob ng maliit na silid.

Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik, bagay na matagal ko ng gustong gawin. Ramdam ko ang tibok ng puso niya at tingin ko ramdam din niya ang sa akin.

"Hindi ka ba niya sinaktan?" Tanong niya.

Humarap ako sa kanya at umiling, "Hindi, h'wag kang mag-alala para sa akin. Ang dapat mong alalahanin ay ang sarili mo."

Bakas sa mukha niya ang pagod at puyat. Namumugto rin ang mga mata niya. Ang sakit na makita siyang ganito, mas lalo pa dahil isa ako sa maaring dahilan kung bakit siya nagkakaganito ganito.

"Buhay si Jun, ang tatay ni Liam."

Nanlaki ang mga mata niya, hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Nandito rin siya sa mundong 'to?"

Kinuwento ko sa kanya ang lahat, mula sa pagpunta ko sa Soka, hanggang sa pagbabalik namin dito. Pati ang binabalak nila Rushin na sakupin ang buong Hando.

Sinabi ko rin sa kanya ang kasunduan namin ni Rushin.

"Hindi niya pwedeng gawin 'to! Madaming inosenteng tao ang masasaktan at isa pa, hindi ka niya pwedeng pilitin na mahalin mo siya!"

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now