Kabanata 35: Heneral Baxia

29.8K 2.3K 477
                                    



ISANG malaking pala-isipan pa rin sa akin kung bakit magkasama ngayon si Scion at ang kanyang ama. Kulang na lang ay magpatayan na sila noon nang magkita sila pero ngayon ay magkasama na sila?

Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip. Ngayong araw pa naman ang koronasyon ni Rushin at bukas, ikakasal na kami.

Kaya kayang hanapin ni Dria ang libro bago mangayari ang isa sa mga bangungot ko?

Sa oras na ikasal kami, malaki ang tyansang hindi na ako makabalik sa mundo ko. Iniisip ko pa lang, parang mamatay na ako. Hindi ito ang mundo ko, kahit nandito pa si Scion, pipiliin ko pa rin ang manirahan sa Earth.

Isa pa, gusto kong makita ang magiging pinsan ko at ang magiging inaanak ko kay Cooper at Fashia.

"Lady Jia, ipinapatawag po kayo ng Mahal na Hari," sambit ng isang katiwala.

Sa ngayon ay susundin ko muna ang mga inuutos ni Rushin. Kailangan kong masigurado ang kaligatasan ni Scion lalo na ngayon na halos nasakop na nila ang buong Hando. Naikulong na rin nila ang halos lahat ng tapat na kawal ng nasyon na ito. Ang iba ang sumanib sa Soka, para lang mailigtas ang buong pamilya nila.

Hinding hindi ko gugustuhin maging reyna sa isang nasyon na katulad nito.

"Kamusta ang tulog mo, Jia?" Ang laki pa ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Tingin niya ba talaga ay masaya ako sa piling niya? "Sana napatawad mo na ako sa nagawa ko kagabi."

Ngumiti lang ako at hindi nagsalita. Kakailangan kong humingi ng pabor sa kanya mamaya. Kailangan kong pumunta sa bundok ng Deri at makausap si Scion. Gusto kong malaman kung anong pinaplano niya at ng kanyang ama.

Gusto kong matapos na ang lahat ng ito.

"Nahanap niyo na ba ang Sequioa?" Singit ng ina ni Rushin. Suot niya ang korono na sinusuot niya sa Soka. "Kailangan maipakita mo ito mamaya sa koronasyon. Alam mo naman ang tradisyon, hindi ba?"

"Hindi pa ito nahahanap aking ina, ngunit hindi na ito kailangan mamaya. Tuloy ang koronasyon kahit wala iyon."

Nasa likod nila si Jun at matulis ang mga tingin sa akin. Posible pa rin na may kinalaman siya sa pagkawala ng Sequioa. Alam niya ang lakas na dulot nito sa taong kakain ng bawat dahon ng puno. Maaring patay malisya lang siya para hindi ko siya paghinalaan.

Dumiretso kami sa beranda na nakatapat sa Plaza ng palasyo. Dito rin noon kinoronahan si Scion.

Hindi pa ganoon katagal iyon pero ngayon, may ibang aangkin na sa puwesto niya bilang isang emperador. Nakaramdam ulit ako nang kalungkutan.

Siya lang ang nararapat maging Hari ng bayan na ito, hindi si Rushin.

"Kailangan kong maghanda para mamaya, mauuna na ako." Paalam ng kanyang ina. Sumama sa kanya si Jun pero masama pa rin ang tingin niya sa akin.

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para magpaalam kay Rushin.

"May gusto sana akong hilingin sa iyo," mahina kong sambit. Malakas ang pandinig ni Jun at ayokong marinig niya ito. "Gusto ko muna sanang mag lakad sa bundok ng Deri. Gusto kong mag-isip bago ang kasal natin bukas. Pwede mo bang ibigay 'yon sa'kin?"

May pag-aalinlangan sa mga tingin niya. Alam kong hindi na buo ang tiwala niya sa akin pero kailangan ko 'tong gawin. May naisip na akong paraan kung sakaling papasundan niya ako sa mga sundalo niya.

"Sige aking Reyna, basta ipangako mo na hindi ka aatras sa ating kasal bukas."

Lumapit siya at niyakap niya ako nang mahigpit.

Iba na ang nararamdaman ko ngayon sa yakap niya. Pagkamuhi na imbes na saya na nararamdaman ko noon sa kanya.

Hindi siya ang Rushin na nakilala ko noon.

Zithea (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now