Marrying the Guy I Hate

By Teesh_the_Fish

572K 11.5K 395

Marrying the Guy I Hate is a about a girl named Katherine who has a boyfriend whose name is Charles. Unexpect... More

PROLOGUE
MGIH C-1: The Encounter
MGIH C-2: His Past
MGIH C-3: The Plan
MGIH C-4: Trouble
MGIH C-5: Date
MGIH C-6: Bonding [Part 1]
MGIH C-7: Bonding [Part 2]
MGIH C-8: Kiss
MGIH C-9: Hatred
MGIH C-10: Heartbreak [Part 1]
MGIH C-11: Heartbreak [Part 2]
MGIH C-12: Epic Fail
MGIH C-13: Arrangement
MGIH C-14: Pain
MGIH C-15: Living Under the Same Roof
MGIH C-16: Revelation
MGIH C-17: Confused
MGIH C-18: Miserable
MGIH C-19: Outing
MGIH C-20: His Personal Nurse
MGIH C-21: Avoiding Him
MGIH C-22: Insulting Each Other
MGIH C-23: War
MGIH C-24: Savior
MGIH C-25: Truth
MGIH C-26: Fuss and Fight
MGIH C-27: Ruined Date
MGIH C-28: Feelings
MGIH C-29: Movie Marathon
MGIH C-30: Being Together
MGIH C-31: Falling For Him
MGIH C-32: Catch Me, I'm Falling
MGIH C-33: Disappointment
MGIH C-34: Deal
MGIH C-35: Kiss in the Rain
MGIH C-36: Crush at First Sight
MGIH C-37: His Heartbreaking Plan
MGIH C-38: School Concert [Part 1]
MGIH C-39: School Concert [Part 2]
MGIH C-40: Serenade
MGIH C-41: A Night Together
MGIH C-42: First Date
MGIH C-43: Grocery
MGIH C-44: Expectations
MGIH C-45: Excruciation
MGIH C-46: Payback Time
MGIH C-47: Ironic
MGIH C-48: The Story Behind Her
MGIH C-49: Officially On
MGIH C-50: Engaged
MGIH C-51: Role Playing
MGIH C-52: Endless Argument
MGIH C-53: Complicated
MGIH C-54: Playful Fate
MGIH C-55: Good or Bad News
MGIH C-56: A Gap in Her Memory
MGIH C-57: The Come Back
MGIH C-58: Lost Memories
MGIH C-59: Acquaintance Party
MGIH C-60: Leaving for good
MGIH C-61: Friends
MGIH C-62: Textmate, Callmate
MGIH C-63: Hangout with Him
MGIH C-65: Special Someone
MGIH C-66: Torture
MGIH C-67: "Me" Time
MGIH C-68: Drunk
MGIH C-69: Invitation
MGIH C-70: Wedding
MGIH C-71: Runaway
MGIH C-72: Misconception
MGIH C-73: Bombshell Proposal
EPILOGUE

MGIH C-64: Fake Lovers

4.9K 98 2
By Teesh_the_Fish

We're born alone, we live alone, we die alone. Only through our love and friendship can we create the illusion for the moment that we're not alone.
-Orson Welles

Kath's POV

"Hello?" I answered the call with a husky voice.

"Did I bother your sleep?" Charles asked on the other line.

"Hmm sort of."

"Sorry, I didn't mean to. I thought you're awake already. It's already past noon there, right? Did you sleep late again?"

"Yeah, sort of."

He sighed.

"That's why I don't want to leave you. You're stubborn! I told you not to sleep late, right?"

Inalis ko sa tainga ko yung phone at dinoble check kung si Charles nga yung kausap ko. Parang daddy ko kasi kung makapagsermon. Ang aga-aga eh! Ay! Hapon na pala.

"Eh kasi eh... I can't sleep. I'm thinking of you kasi. I miss you already," wala sa puso kong sabi. Antok pa kasi ako.

Actually, ginabi lang talaga kami ni Tyler ng uwi kaya puyat ako. Napahaba rin ang tulog ko dahil sa pagod.

"I miss you, too, Kath," napasinghap siya.

"God knows how much I miss you," dagdag niya.

"*yawns*" ang tanging sagot ko sa kanya.

"Haha antok ka pa nga! Grabe namang pagpupuyat ang ginawa mo! Hindi mo naman ako masyadong mahal niyan ah? Don't worry, pagbalik ko dyan, magpapakasal agad tayo."

"Hmm."

"Kath, may nanggugulo ba sayo dyan?"

"Hmm, aside from Andrea, wala naman," sagot ko habang nakapikit pa rin.

"Uhm eh pumuporma?"

"Seriously Charles? Sa tingin mo may magbabalak pa saking lumapit? Alam naman nilang boyfriend, I mean, fiancé kita ah? Don't stress yourself thinking ridiculous things!"

"As in walang lumalapit sayong lalaki?"

Napaisip ako. Aside from Tyler, wala namang ibang lumalapit sakin. Oh well, lalaki nga rin pala siya.

"Actually, mayroon."

"WHAT?!"

Inilayo ko sa tainga yung phone. Makasigaw naman 'tong si Charles! Kala mo may naiwang sinaing eh!

"Who's the freakin' guy?" he said angrily. Protective much? Baka mamaya utusan niya si Manang Elisa na ikulong ako sa doghouse.

"Don't freak out, okay? Baka pumutok ang ugat mo niyan. Si Tyler lang naman yung nakakasama ko eh. No more, no less!"

"WHAAAAAT?!"

Ilang decibels kaya yun? Nabasag yata ang eardrums ko dun ah!

"STAY. AWAY. FROM. HIM," madiin niyang wika.

1%

6%

15%

38%

40%

57%

72%

89%

100%

Saka lang nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Sorry naman daw sabi ng brain cells ko, medyo mabagal ang loading.

Stay away from him? Who is he pertaining to? Kay Tyler? What's with Tyler? He's a nice person. There's nothing to worry about!

"But why?" saka lang ako nakapag-react.

But he didn't respond. Tiningnan ko yung phone. Call ended na pala.

**

"Kath, nasiraan tayo."

"Di nga?! Kuya Christian naman! Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Male-late na ako! Lagot na naman ako sa prof ko nito!"

"Seryoso ako, Kath! Bulok na kasi 'tong Porsche mo! Palitan mo na nga 'to!" reklamo niya.

"Aba! Ikaw kaya magsabi kayla mommy! Ayaw nila akong bilhan ng new car eh!" I retorted pouting.

"Haist! Maglakad ka na lang!"

"Kuya naman eh! Ano yun? Alay-lakad papuntang school? Saka male-late ako 'no!"

"Eh di tumakbo ka!"

"Hindi ako athlete!" sabi ko.

Bumaba muna ako ng kotse. Kainis naman oh! Wrong timing! Badtrip!

Sa sobrang inis, sinipa ko yung gulong ng Porsche ko.

"Bulok na nga, sisipain mo pa! Habang wala kang pamalit, magtiis ka muna. Palibhasa lumaki kang bratinela eh!" ani Kuya Christian.

"How can I go to school now?" I muttered.

"Try mo magdasal, baka biglang maghulog si Lord ng kotse... kaso baka mahulugan ka dyan haha!" said Kuya Christian.

I rolled my eyes on him then pouted again.

**After 30 minutes**

Wala na, wala na talaga, walang-wala na, patay na, patay na talaga, patay na patay na talaga ako! Late na akoooo! Huhuhu!

**Beep beep**

Napaangat ako ng ulo nang may bumusina sa kasagsagan ng aking pagdadalamhati.

Isang Mercedes Benz Silver Lightning lang naman ang naka-park sa aking harapan.

"Hop in."

**blink blink**

"I said, hop in. Mamaya ka na ma-mesmerize, late ka na oy!"

I came back to my senses.

"Kuya Christian! Una na ako! Tinupad na ni Lord yung dasal ko kaso medyo delayed nga lang ng thirty minutes pero okay lang! Byeeee!"

"S-sandali, T-Tyler?!"

His jaw dropped. His eyes widened.

Ano bang problema nila kay Tyler? Artista ba siya kaya palagi silang nagugulat kapag nalalaman nilang close kami?

Una, si Andrea, hindi makapaniwala. Pangalawa, si manang, nabilaukan. Pangatlo, biglang nagbago yung mood ni Charles nung nalaman niyang close kami at pinapalayo niya pa ako kay Tyler tapos ngayon, pati si Kuya Christian?! What's wrong with these people?

"Makanganga ka naman, kuya," sabi ko saka binatuhan siya ng 500 pesos.

"Oh! Pang almusal. Gutom ka na yata eh! I-close mo na yang bibig mo ah? Baka pasukan ng langaw. Sige na! Byeeee!"

Tapos pinaandar na ni Tyler yung kotse niya.

**

"B-bakit? P-paano? Anong ginagawa mo dun? Napadaan ka lang ba? Eh di ba m-may klase ka? Anong oras ba klase mo?"

Sorry naman daw, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"I ditched."

"HUWAAAAAT?! Nag-ditch ka? Bakiiiiiiiit?"

**Scrrrreeeeeeccccchhhh**

Bigla siyang nagpreno.

"Can you minimize your voice?"

"Ay sorry! Pero bakit nga?"

"I can't find you inside the campus so I decided to fetch you," sagot niya saka pinaandar ulit yung kotse.

"That's it? Bakit mo naman naisipang puntahan pa ako?"

"You're my responsibility," he said staring straight at me.

"Haha! Makasabi ka naman ng 'You're my responsibility'!" I said mimicking his voice.

"Parang tatay lang kita ah!" pagpapatuloy ko.

"Hindi mo ako tatay! Concerned best friend lang ako!" sabi niya habang nakatingin sa daan.

"Best friend? Best friends na tayo? Ano na next? Lovers? Ayiiieeehh!"

Nakita kong namula siya.

"Kung okay lang ba sayo eh! Why not?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Feeling ko, ako naman ang namumula ngayon.

"Haha kidding!"

Ewan ko ba, parang na-disappoint ako nung binawi niya.

Stay away from him.

Nag-playback na naman sa utak ko yung sinabi ni Charles nung kausap ko siya sa phone.

Bakit ba kasi pinapalayo niya ako kay Tyler? Ang possessive talaga nun ni Charles! Bahala siya sa buhay niya! Wala naman siya dito eh! Di niya naman malalaman na kasama ko na naman si Tyler. Ang sama ko ba?

Napatingin ako kay Tyler habang nagda-drive.

Ang gwapo niya pala talaga.

"Don't you know that staring is rude?" wika niya.

"Lalo na kapag naglalaway pa?" dagdag niya.

Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko. Wala naman eh!

He chuckled softly.

"Pero okay lang sakin na titigan ako, basta ikaw lang ang tititig sakin," aniya.

Tapos... tapos... tapos... ngumiti siyaaaaa!

Uhm, hindi naman siguro masamang magkaroon ng crush kahit may fiancé na 'no? Kasi crush ko na si Tyleeeeeer!

"Bakit ka nakangiti? Crush mo na ko 'no?"

Mind reader ba siya?

"O-oo, I-I mean, mag-drive ka na nga lang dyan! Dami mong napapansin!" sabi ko saka umiwas ng tingin.

**

"Nakakailang namang pumasok! Kasi ikaw, nag-ditch, tapos ako late," sabi ko nung malapit na kami sa school.

"Eh di wag na tayong pumasok! Mag-date na lang tayo!"

Nabilaukan naman ako ng laway ko.

"I mean FRIENDLY DATE."

"Ahh. Hehe! T-tama! Wag na tayong pumasok! Kumain na lang tayo!" I enthusiastically said.

"Seryoso ka?"

"Oo naman!"

"Pero paano yung school?"

"Bayaan mo na yan! Hindi naman aalis yan dyan!" sagot ko.

"Tara! McDo na lang tayooo! Drive thru!" sigaw ko.

Sometimes, it feels so right by doing the wrong thing.

Nag-drive thru nga kami. Bumili siya ng fries, burger, chicken sandwich, McFlurry, sundae, at spaghetti. Tapos sa kotse niya na rin kami kumain.

"Say aaah!"

Namula siya sa inasal ko. Hihihi ang cute niya.

"Sige na, Loko, please?"

Mas lalo siyang namula. Hahaha cute lalooo!

"Say aaaah—" pero imbis na siya ang susubuan ko, ako yung sinubuan niya.

"Handaya mo noman eh! Ikaw nga dwapat yung shushubuan ko eeeh!" sabi ko habang ngumunguya.

"Game na! Ikaw naman susubuan ko!" sabi ko pagkatapos kong nguyain yung pagkaing sinubo niya sakin kanina.

"Say aaaah! Daliiii! Arte naman!"

Hanggang sa hinahabol ko pa yung bunganga niya para masubuan siya. Ang arte-arte naman kasi. Hindi na lang ngumanga eh!

Hanggang sa kakalapit ko ng pagkain sa bunganga niya napahiga na siya at nasa ibabaw niya na ako.

One word to describe our position, AWKWARD.

Umayos agad ako ng upo. Napansin kong namumula na naman siya.

"K-Kath naman kasi. Ayaw mo pang tumigil eh!" sabi niya na lang.

"A-ang arte mo naman kasi! Susubo ka lang eh!" wika ko naman saka sumubo ng french fries.

"Timezone tayo pagkatapos!" out of the blue kong sabi.

"So, hindi na talaga tayo papasok? Sigurado ka ba dyan?"

"Ayaw mo?" tanong ko.

"Eh kasi baka pagalitan ka ni manang. Lagot ka pa sa parents mo pag nalaman ni—"

"Hindi nila malalaman kung walang magsusumbong. Bakit? Magsusumbong ka ba?" tanong ko ulit.

"H-hindi."

"Good," sabi ko saka ngumiti.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso nga kaming Timezone.

Naglaro lang kami ng kung anu-ano. Eventually, naisipan naming magkaroon ng bet.

Kapag ako nanalo, manlilibre siya, vice versa.

Kung sino ang may pinakamaraming ticket na nakuha sa loob ng isang oras, siya ang panalo!

**After 1 hour**

"Yes! I won! I won! You'll treat me hahaha!"

Okay, fine, I lost.

Lamang yung ticket niya ng dalawang piraso. Tss.

Napatingin na lang ako sa baba. At nagningning ang mata ko sa nakita ko! May tatlong magkakadikit na ticket sa paanan ko! And that means...

"I'm the winner!"

**

"Hon, bili naman tayo nun oh!" sabi nung babae sa boyfriend niya habang nakaturo dun sa couple shirt.

Nakakainggit naman sila. Feeling ko tuloy single ako ngayon.

"Why are you pouting? Nanalo ka na nga sakin eh! Badtrip! Isang ticket lang naman yung lamang mo!" sabi ni Tyler.

Naka-pout ba ako? Haaay!

"Gusto mo ng couple shirt?" tanong niya.

"How'd you know?"

"'Cause I'm brilliant."

Inirapan ko na lang siya. Yan na naman siya sa brilliant-brilliant niya!

"Gusto mo bili tayo?"

"Hindi naman tayo couple," sagot ko.

"Eh di tayo na!"

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya.

"I mean, let's be lovers just for this day, just for fun! FAKE LOVERS!"

I stared at him for a few seconds then shouted:

"That's brilliant! That'll be great!"

Tapos ayon, naging kami nga, fake nga lang. Pero kahit na fake lang 'to, feeling ko kami talaga at feeling ko two-timer ako.

ANG SAMA KONG TAO NGAYONG ARAW! Pero, swear, hindi ko pagsisisihan 'to!

Bumili kami ng couple shirt tapos sinuot na agad namin.

Grabe, para talaga kaming lovers kung titingnan.

Hinawakan niya yung kamay ko na siyang ikinagulat ko. Shit! Bakit may spark? In-intertwine niya pa yung fingers niya sakin. Diyos ko! Yung puso ko nagpa-palpitate!

Ganun lang kami the whole time. Tapos nag-grocery rin kami. Out of stock na raw kasi yung mga pangangailangan niya sa condo niya.

Kung kanina para kaming lovers, ngayon naman para na kaming mag-asawa.

Siya yung tagatulak ng push cart tapos ako yung namimili ng mga bibilhin niya. Take note, naka-holding hands pa kami habang namimili. Tapos minsan nakahawak naman siya sa baywang ko.

Pagkatapos naming mamili, umuwi na kami, I mean, dumiretso na kami sa condo niya.

Pagkarating namin sa unit niya, nanood kami ng movie habang kumakain ng snacks. Tapos nung inaantok na ako, pinasandal niya ko sa balikat niya tapos inakbayan niya pa ko at hinawakan niya yung kamay ko gamit yung isa niya pang kamay.

Nung sunset na, naisipan naman naming dumungaw sa may veranda. Kita rin kasi yung sunset dito. Hindi man ganoon kalapit, ang ganda pa rin ng view. Sabayan mo pa ng paghampas ng hangin na nakadaragdag romantic.

Nakapikit pa ako habang nilalanghap yung hangin. Hindi naman pala amoy polluted ang hangin kapag nandito ka sa taas.

Napamulat ako nang maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"Feel na feel mo yung hangin ah!" bulong niya sa tainga ko.

Pero sa halip na sumagot, hinawakan ko lang ang kamay niyang nakayakap sakin.

"Kung wala ba si Charles, may pag-asa bang mahulog ka sa akin?" bulong niya.

Nanigas ako sa sinabi niya.

"Uhm, don't take it seriously, I'm just uh you know... just asking. Uhm, gusto mo na bang umuwi?"

**

Hinatid niya na ako sa bahay.

"Bye Kath! I love you," sabi niya saka tumalikod.

"I love you, too, Tyler," sagot ko. Napatigil naman siya sa sinabi ko at lumingon ulit sakin.

Naglakad siya palapit sakin at niyakap ako.

"Best friends na lang ulit tayo bukas," wika niya.

Tinitigan ko lang siya sa mata.

Maya-maya, mas lumapit pa siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Good night, Moko," with that, he left.

Hinintay ko munang makaalis siya nang tuluyan bago pumasok sa loob.

**

Kung wala ba si Charles, may pag-asa bang mahulog ka sa akin?

Naalala ko na naman yung sinabi niya sakin.

Kung wala nga ba si Charles, may pag-asa ba akong mahulog sa kanya?

Paano pag sinabi kong OO? Anong gagawin mo, Tyler?

**Kriiing kriiiing**

Charles calling...

Accept/Reject

"Hello Charles!"

"Bakit hindi ka pumasok?"

"W-what?!" sambit ko.

"Absent ka sabi ni Kate," ang cold ng boses niya.

"M-masama y-yung pakiramdam ko Charles," pagdadahilan ko.

"I also called Manang Elisa in case you didn't know. Sabi niya, wala ka sa bahay, pumasok ka sa school."

"C-Charles," hindi ko alam ang sasabihin.

"Now, tell me honestly Katherine, who the hell are you with?"

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 593 83
Please do read first the book 1 & 2 po para makasunod po sa Story nina JARED&ALI Thankyou!โค
14.6K 296 36
''Proloque Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mong lalaki? Pero di mo maamin dahil ayaw mong masira ang pagiging magbestfriend niyo? Eh...
192K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
8.7K 151 45
Love is sweet. Lahat ng tao nangangarap nang pag ibig. Peru paanu kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Would you chose to stay in love or to...