Revival Of The Dead Heart (Co...

By anxiouschip

1.2K 601 60

Shane Smith, a depressed woman who still cannot move on from her fiancé who died. After two years, Andrei Wil... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Dull
Chapter 2: Drunk
Chapter 3: Birthday Celebrant
Chapter 4: Carried
Chapter 5: Suspicious
Chapter 6: Strange
Chapter 7: Blurry
Chapter 8: It's You
Chapter 9: Catch Up
Chapter 10: Kiddie
Chapter 11: Bug
Chapter 12: Last Wish
Chapter 14: Joke
Chapter 15: High Smoke
Chapter 16: Sketch
Chapter 17: Doubled Fear
Chapter 18: Hallucinate
Chapter 19: Fever
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Journal
Chapter 22: Ticket
Chapter 23: Court
Chapter 24: Unexpected Return
Chapter 25: Hatred
Chapter 26: Father's Love
Chapter 27: In-Law
Chapter 28: Another
Chapter 29: Reunite
Chapter 30: Conceal
Chapter 31: Disturbed
Chapter 32: Find Him
Chapter 33: Kisses
Chapter 34: Red Alert
Chapter 35: No More Conflicts
Chapter 36: Stars Of The Night
Epilogue
Help!

Chapter 13: Unfair

41 25 1
By anxiouschip

SHANE'S POINT OF VIEW

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa pinto. Nang iminulat ko ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Napilitan akong bumangon mula sa kama dahil sa patuloy na pagkatok.

"Miss Shane, nandito na po ang sundo ninyo," wika ni Yaya na nasa labas.

Napatingin ako sa phone ko. Automatic na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na – alas siyete na!

"Pakisabi pong hintayin nila ako! Late po akong nagising!"

Dumiretso agad ako sa banyo para maligo at magbihis. Kinuha ko ang converse shoes na nasa ilalim ng kama at isinuot. Sinuklay ko rin ang buhok ko bago kinuha ang mga gamit kong nakaimpake na. Pagkatapos, tumakbo ako pababa ng stairs. Luckily, my preparation only took more or less than five minutes.

"Hey!"

Napatingin ako sa sala. Nandito na talaga silang lahat. Ako na lang talaga ang hinihintay.

"Sa wakas, gising na si Sleeping Beauty," pangangantiyaw ni Ben na pumalakpak pa.

"Bes, late ka na," wika naman ni May.

"Hayaan mo na. Napasarap siguro ang tulog," ani Andrei sabay pasimpleng kindat sa akin.

"Dami ninyong alam. Pasensiya na, ah—"

"Oo na! Huwag ka nang magsalita at bilisan mo na lang ang pagbaba riyan!" putol ni Ben na pakunwaring naiinip ngunit ang totoo ay hindi.

"Ah, baka gusto kasi ng grand entrance," hirit ni Andrei.

Dali-dali ko silang tinignan nang masama. "Ang aga-aga, biro ninyo agad ang narinig ko. Tara na nga," aya ko sa kanila.

"Siyempre, ah—" hihirit pa sana si Ben nang pingutin siya sa tainga ni May, "—a-aray! Masakit! Aray! May! Aray! Bumitiw ka na, ah! Masakit! Ouch!"

"Manahimik ka nga!" sigaw naman ni May.

Nauna na silang lumabas kasama si Zy na sumunod sa kanila. Si Andrei naman, lumapit siya sa akin at binuhat ang dala-dala kong bag bago lumabas.

Bago kami umalis, sinabihan ko muna si Yaya. "Mawawala ako ng five days. Bantayan po ninyo itong bahay, okay?"

"Yes, Miss Shane. Ako na po ang bahala. Enjoy po kayo, ah," nakangiti niyang sabi.

Nginitian ko rin siya. "Of course. Hayaan n'yo po, may pasalubong po kayo mula sa akin pagdating ko."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Thank you po."

Nakaparada na ang van ni Ben sa harap ng bahay. Nilagay ni Andrei ang mga gamit ko sa likuran nito. "Shane, ano ba ang mga dala mo? Napakabigat, eh. Dinala mo na yata ang lahat ng laman ng kuwarto mo," komento ng loko-lokong Andrei.

"Mga damit at iba pang personal things," seryosong sagot ko.

"Tara, guys! Selfie muna tayo!" pag-anyaya ni May sabay ngiti sa front camera ng phone niya. Lumapit ang tatlo sa kaniya at ngumiti rin sa camera. "Isa pa."

Napailing-iling na lang ako. Nauna na lang akong pumasok sa van. Umupo ako sa bandang likuran malapit sa bintana para makita ko ang view sa labas maya-maya.

Sumunod din silang pumasok matapos ang ilang minutong pag-selfie.

Si Ben ang magdra-drive, kasama niya si May sa harap. Katabi ni Bes si Ben.

"May, umamin ka na," sabi ko habang nakangiti nang todo. Napalingon siya sa direksiyon ko ngunit agad akong yumuko para hindi ko makita ang matalim niyang tingin.

"Mag-move-on ka na nga muna bago mo ako asarin," rinig kong wika naman niya, halatang nainis.

Oh, ako naman ang tinamaan.

"Alam ko." Isinandal ko na lang ang aking likod sa malambot na upuan.

Si Zy naman, umupo siya sa upuan sa harap ko. Lumingon siya sa akin. "Shane, okay ka lang diyan?" tanong niya.

Tumango ako. "Okay naman ako kahit saan."

"Serious again?" sambit naman ni Andrei na walang sabi-sabing kinurot ang pisngi ko.

"Ano ba?! Masakit! Will you stop doing that?" reklamo ko habang hinihimas ang pisngi kong kinurot niya.

"Ayaw ko nga," tugon niya matapos umupo sa tabi ko.

"Maawa ka naman sa pisngi ko." Dali-dali ko siyang inirapan noong tumawa siya. Napakasaya naman ng taong ito.

"Cute mo kasi—"

"Pisngi mo na lang kaya ang kurotin mo," pagputol ko sa sinasabi niya. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Dito ako uupo, ah," paalam niya. Magpapaalam pa, nakaupo na nga.

"Sa iba na lang, sa tabi na lang ni Zy. Matutulog ako mamaya riyan." Nanatili pa rin ang tingin ko sa labas.

"Puwede ka namang matulog kahit dito ako umupo."

"Whatever. Ben, ilang hours bago tayo makarating doon?" tanong ko.

"From Manila to La Union? Five to six hours sa pagkakaalam ko," sagot niya.

"Let's go." Matapos kong sabihin iyon, saktong nagsimula nang umandar ang van. "Saan tayo eksaktong pupunta, guys?" wala sa sariling tanong ko.

"Sa isang beach resort sa San Fernando City, La Union," sagot ni Andrei.

Napalingon ako sa kaniya. Nandoon na naman ang ngisi. "Nagpa-reserve ka?"

"Yes, I did. Pang-limang-tao ang room."

Ibinalik ko na lang ang aking tingin sa labas ng bintana. Unti-unti akong nakaramdam ng antok kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko hanggang sa makatulog.

~*~

Nagising ako dahil sa mga maingay na boses. Nagulat ako nang maramdaman ko na nakapatong ang ulo ko sa balikat ng kung sino. Nang iangat ko nang kaunti ang ulo ko para tignan kung sino iyon, agad akong lumayo nang mapagtantong si Andrei iyon, nakatingin din pala sa akin habang ngingiti-ngiti.

"Gising na ulit si Sleeping Beauty. Napasarap ba ang tulog mo?" aniya.

Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay tumingin ako sa harap.

Sakto namang napalingon sa akin si May. "Shane, gising ka na pala. Malapit na tayo," nakangiting wika niya.

"Shane, kamusta ang panaginip mo? Mala-fairytale ba?" hirit naman ni Ben na pasimpleng tumingin sa pamamagitan ng salamin sa harap habang patuloy sa pagdra-drive.

Dahil doon, nagtawanan silang lahat maliban sa akin.

"Oh, shut up!" Automatic silang natahimik. "Marunong naman pala kayong manahimik." Tumingin na lang ako ulit sa labas ng bintana.

Wala sa sariling napangiti ako nang makita ang magandang view. Kitang-kita ang asul na dagat, puting buhangin, mangilan-ngilang puno, at higit sa lahat, ang sunset.

Inilabas ko ang phone mula sa pocket ng jeans ko. Binuksan ko ang bintana ng van pero agad ko ring isinara nang makuhanan ko na ng picture ang sunset. Napangiti ulit ako nang makita ang magandang pagkakakuha ng photo.

"Nice. Magaling ka rin pala sa photography," komento ng katabi ko.

"I know," sambit ko naman. Siyempre, bakit ko pa ide-deny if it's the truth, 'di ba?

"Bakit hindi ka bumili ng camera mo?"

"Mas gusto ko ngang gamitin ang phone ko."

"Why didn't you take a course na may kinalaman sa photography? Fine Arts, I think?"

"It doesn't concern you."

"But it concerns you. Paano kung photography talaga ang gusto mo at hindi ang pagiging lawyer—"

"Hobby ko lang ang pagkuha ng pictures, Andrei. Iyon lang 'yon."

"Talaga? Sige, give me a valid reason kung bakit mo napili ang pagiging lawyer."

Tuluyan na akong napalingon sa kaniya. And hell, I really hate that smirk of his. "To be fair ang lahat. Walang mandaraya. Marami kasi akong nakikitang always nabibiktima pero hindi nakakukuha ng hustisya. Pinili ko ang pagiging lawyer hindi dahil sa pera, kundi ang pagtulong sa iba." Naramdaman kong nakatingin na rin ang iba naming mga kasama. "Mabuti sana kung kaya kong gawing always fair ang mundo," dagdag ko pa ngunit pabulong na lang iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.5K 314 48
•LEAGA FANFICTION• Being someone's first love may be great, being someone's last love may be priceless but being someone's first and last love is bey...
991K 28.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
254K 21.5K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...