After He Said I love You

By unnieseren

2.2K 703 241

COMPLETED May mga tao talagang nakatakdang manatili sa tabi mo, mayroon ding nakatakdang ipakilala lang sa i... More

AFTER HE SAID I LOVE YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
WAKAS
NOTES

KABANATA 21

57 23 12
By unnieseren

A/N: Treat them with greatest respect and love!

💛💛💛 

KABANATA 21

MATAPOS nang eksena namin ni Lexi ay umalis na siya. Papasok na sana ako kaso natigilan ako sa isang bagay na nakita ko. Nagulat ako nang makakita ng bouquet sa mismong tapat ng gate namin.

Kunot noo ko 'yung kinuha at inamoy ang bulaklak, ang ganda. Sino namang nagbigay nito?

Nang tingnan ko ang bulaklak, may nakita akong message.

To: Yasmeen

Hi! Congratulations, you're so beautiful. Lagi naman eh, I want to hug you, very tight. Kaso mukhang nag eenjoy ka sa party. Sana makita mo 'to, be happy :)

Hindi ko alam kung ba't naluluha ako, siguro dahil nag aassume ako na galing 'to kay Levi.

PERO gano'n nalang ang pagkadismaya ko nang makita si Rustin na naglalakad. Nakapamulsa ito at sumisipol. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya binaling niya ang paningin niya ro'n. Nagtama ang paningin namin, ngumiti siya at lumapit sa'kin.

"Ey! Congratu-"

"Sa'yo ba galing 'to Rustin?" Hindi siya makatingin, ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang makitang parang may sinisilip siya na kung ano sa tabi ng puno.

"Rustin, ikaw ba ang nagbigay nito?"

Sana hindi, please.. Sana hindi... Iyan ang laman ng isipan ko ngayon. Na sana ay hindi siya ang nagbigay. Na sana.. Sana.. Sana si... Hayst.

Nakita ko siyang ngumisi bago bumaling sa'kin, kumunot naman ang noo ko. Para saan 'yun?

Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko, "Ahh!! Oo! Hahahah! Ito oh, sorry iniwan ko lang d'yan. Akala ko kasi matatagalan ka pang umuwi."

Bumagsak ang balikat ko, siya ang nagbigay.

Nginitian ko naman siya, "Gano'n ba.. Sige, maraming salamat!" Pilit kong pinapakitang masaya ako na siya ang nagbigay. Nginitian naman niya ako tsaka niyakap. Nagulat pa ako nun.

"You're always welcome milady, sige. I have to go. Baka maiwan na ako ng mga kasama ko, " Tumango naman ako at kumaway sa kaniya.

"Sweet dreams milady!" sabi pa niya at kinindatan ako bago umalis. Natawa pa ako, siraulo talaga 'to si Rustin. Makapagpahinga na nga lang.

Nagsalo salo pa kami, kahit na ala una na ng madaling araw. Gising pa pala sila mama. Inaantay nila ako, ayun. Party party sa bahay. Masaya kahit papaano. Nawala siya sa isip ko.

DALAWANG linggo na ang nakalipas matapos ang graduation namin. Ngayon na ang alis namin ni Yuki papuntang Maynila. Sinabihan ko na rin kasi siya nitong nakaraan na nagbago na ang isip ko, sasama na ako sa kaniya.

Kaya ito kami ngayon, tamang beso lang kila mama. May mga ilan pa siyang paalala. H'wag daw makulit kemerut. Hindi na rin kami makikitira sa unit ng kaibigan niya. Kukuha na kami ng sariling unit, para naman hindi kami makaabala. Nakapagipon din naman kaming pareha ni Yuki, kaya keri na naman ito ano!

Idagdag mo pa na ihahatid kami ni dada papunta sa Maynila, kaya libre. Wala kaming magagastos hahahaha! Hindi rin ako nakapagpaalam kila Luka ng personal, busy kasi ang dalawa eh. Sa work, naintindihan ko naman. Si Caleb naman ay dinaanan ko sa DOLcoffee, nagpaalam ako sa kaniya. Nakalibre pa nga kami ng kape, nice!

ILANG oras din ang byahe bago kami makarating sa Maynila. Ows! Namiss ko ang Maynila gwabeeee. Nagpaalam na rin si dada sa'min, matapos niya kaming ihatid sa unit namin. Syempre, nagpaalala rin si dada sa'min. Tapos, binigyan kami ng pera. Pangkain daw.

Nagpahinga lang kami agad ni Yuki nang makarating kami sa unit namin. Katabi lang namin ang unit ng kaibigan niya. Well, sa sumunod na araw ay bumili na kami ng mga gamit, tsaka nag ayos. Oy! Libre ni Tita Rita 'to hahahah!

Sa sumunod ulit na araw ay sinamahan kong mag enroll si Yuki, at mabuti nalang ay nakapasa siya sa ACS, Armoti Candians School isa sa mga pinapangarap naming school dati. Kilang kilala ang school na 'to. Lalo na ang Pamilyang Syde na may ari ng school. Gwapo nga raw ang mga anak nun eh. Napingon ko pa si Yuki, dapat dati pa naming naisip 'to. 'Yung nag aaral pa ako. Ang daya, edi sana nakita ko ng mga fafa ro'n. sayang. Tsk. Letche siya.

AYUN matapos naming mag enroll. Sa sumunod na araw ay gumala lang kami nila Kelly at iba pa naming kaibigan. Nagkwentuhan about sa mga plano nila. Si Kelly ay nakahanap na ng law firm na papasukan niya. Scorus Law Firm daw.

Ako, hindi ko alam kung saan ako mag aapply ng trabaho. Paano ba naman kasi, ibang iba ang tinuturo sa Cory kaysa rito sa Maynila ano.

Parang kada course rito ay tinuro lahat sa Cory. 'Yun nga lang ay unti unti lang. Hindi gaya rito sa Maynila na kukuha ka ng mismong major mo, at talagang ito ang ifo-focus sa'yo. Kaya nga major 'di ba? Doon kasi sa Cory, lahat ay itinuturo. Which is maganda naman. 'Yun nga lang ay mahihirapan kang maghanap ng work. Lalo na kung sa Maynila.

KAYA naman sa sumunod na araw, puro sumunod na araw HAHAHAH! Nag apply na ako sa isang kompanya, tindahan ng salamin mga bih hahahaha! Centeo Glass Company. Or CGC, gaya ng sa logo ng uniform namin. Peplum skirt na kulay blue ang sa pambaba ng mga babae. Cardigan naman sa pangtaas, color blue rin. Ang logo naman ay kulay yellow na CGC, sa right nakalagay. Sa lalaki naman ay Shawl Collar Cardigan ang pangtaas, color blue rin. tapos may logo rin ng CGC, sa right. Color yellow, habang sa pangbaba naman ay 5-pocket jeans.

Well, ang inapplayan ko naman na p'westo ay 'yung sa mga checker lang. Taga check ng papel, joke. Taga check ng mga papeles, at taga check sa mga lugar na naghahanap ng magkakabit ng mga salamin, like windows, doors or kahit ano pa. Minsan taga check din ng mga ilang salamin na nadideliver dito sa'min linggo linggo.

AYUN nakapasok naman ako, sa wakas ay may trabaho na rin. Ibinalita ko 'yun kila mudrakels, syempre. Tuwang tuwa si inahan at amahan. Gano'n na rin sila lola at lolo.

Ilang buwan na lang din ay pasukan na ni Yuki, habang ako ay sa susunod na lunes ay magsisimula na sa trabaho ko. Nagulat nga rin ako dahil kasama ko si Zabrina. 'Di ko inaasahan na makakasama ko siya rito. Gano'n din naman siya, well. Masaya ako at may dati akong kaklase na katrabaho ko ngayon. Medyo naiilang pa siya ng unti sa'kin, dahil alam niyo na. 'Yung about kay Levi noon hahahah!

Sinabi ko naman na wala na sa'kin 'yun, kung gusto pa rin niya. Edi go, pu-push ko siya. Matagal na rin namang walang kami.

SA SIMULA ay hindi gano'n kahirap, nage-easy easy pa kami ni Zab. Naka-assign siya sa front desk. Siya 'yung nagsusulat sa logbook kapag may mga gustong mag order, bumisita sa boss namin at kung ano ano pa.

Habang matagal nang patagal sa trabaho ay pahirap din ng pahirap. Ilang buwan na rin akong pumapasok dito sa CGC. At hindi wala namang problema sa sahod. Malaki ang sahod, lalo na kung workaholic ka talaga. 'Di naman suplado ang boss namin, 'di rin mabait. Chillax lang gano'n hahahahah!

Malaki ang CGC ano, may kainan na rin sa loob. I mean, halatang mamahalin ang mga pagkain. 'Di rin nakakaumay kaya madalas 'di na lumalabas ang empleyado nila. Dito na kumakain, kada araw kasi ay paiba iba ang niluluto ng tagaluto nila. Sarap pa, parang nasa Yakimix lang ang peg.

Sa tabi ng CGC ay mall din ng Centeo family, nice. Ang yaman talaga, kaya naman 'di rin kami nahihirapan kamay nagkecrave kami sa kung anong pagkain. May katabi namang mall eh. Na unting lakad lang eh, wais. Makakabili ka na.

Si Sir Noah Centeo ang acting CEO namin, chos. Pero syempre next year ay baka siya na raw ang CEO namin. Ewan ko kung totoo, wala kaming balita kay Mr. Centeo, 'yung daddy niya.

Busy daw kasi ito sa business trip nila sa Thailand eh. Nakalimutan ko rin palang ikwento. Si Juli ay nandito na rin sa Maynila, nitong nakaraang sabado ay nagkita kami, ayun. Nagchika ang loka. Pero saglit lang siyang pumunta rito. Bumili lang ng mga kakailanganin sa shop nila ni Luka.

HINDI ko na namamalayan ang panahon, final exam na nila Yuki, and then sa susunod na linggo ay last na pasok na namin. Sobrang hectic ng schedule ko ngayon. As in, ang dami naming dapat tapusin. Mga ilang papers na dapat isubmit kay Sir Noah. Within this week, kailangan daw ay tapos na.. Sa susunod na linggo rin ay marami pa kaming ipa-finalize na mga costumers. At mga ilang Glass na naideliver.

"Uy! Yas, 'di ka pa ba uuwi?" tanong ni Che, isa sa mga katrabaho ko.

Umiling naman ako tsaka pinagpatuloy ang pagtatype sa computer. Kailangan kong matapos ang data na 'to, submission na bukas.

"Sure ka Yas? Ipagpabukas mo na 'yan, anong oras na oh.." muling sabi ni Che.

Bumaling naman ako sa kaniya, "Naku Che, mauna ka na. Tsaka malapit ko na rin namang matapos 'to. Ipi-print nalang, sige na. Mauna ka na, ako nalang magsasara."

Kinuha niya ang bag niya tsaka isinukbit sa balikat.

"Okay sige, mag iingat ka. Nandyan pa si Sir Noah sa loob eh." Tumango nalang naman ako tsaka pinagpatuloy ang pagtatype. Chineck ko pa ang orasan. Malapit ng mag 12, shit. Nag overtime na naman ako!

NANG matapos kong i-type lahat ng infos ay dali dali ko 'yung prinint. Umupo ako at sinandal ang likuran ko sa upuan bago nag unat unat.

"Ahhhh! Natapos ko rin!" sabi ko, tumayo naman ako at kinuha ang datas na prinint ko. Inayos ang table ko at uminom muna ng tubig saglit. Pabalik na sana ako sa table ko para kunin ang bag ko nang biglang..

"It's late, bakit nandito ka pa?" Nang bumaling ako sa likuran ko ay nakita ko si Sir Noah! Shit!!

Napalunok naman ako, "A-Ahh sir, t-tinapos ko lang 'yung data.."

Tumango siya, "Great, aalis ka na ba? Sabay na tayo.." sabi niya tsaka ako nilagpasan papunta sa opisina niya.

Dali-dali ko namang kinuha ang bag ko, sa pagkuha ko ay siyang paglabas din ni Sir Noah sa opisina niya. Napalunok naman ako, ito ang first time na nakita ko siya ng malapitan. Madalas kasi ay sa loob ng opisina niya lang ko siya nakikita. Hindi 'yung gan'to, 'yung magkatabi kami sa elevator.

Muli akong napalunok, ang bango ni sir. Tapos shit, alam kong pagod siya pero bakit ang gwapo niya pa rin? Tae naman oh!

"Saan ang bahay mo?" seryosong tanong nito.

Napalunok ako, "S-Sir?"

"Saan ang bahay mo Ms. Wilber?" pag uulit nito sa tanong niya.

"A-Ahh, d'yan lang p-po.."

"Marami ang d'yan lang Ms. Wilber, be specific."

"Ahh.. Hehehe, bakit po ba?"

Bumaling siya sa'kin, kaya napalunok ulit ako, "Ihahatid kita."

"Ay! Naku Sir! H'wag na po, ayoko pong makaaba-"

"It's okay, delikado na rin kasi. Konsensya ko pa kapag may nangyareng masama sa'yo."

SA huli ay pumayag na rin ako. Sunod sunod ang paglunok ko nang makapasok ako sa kotse niya, ang bango. Amoy Sir Noah, init na init na ko. Kahit na alam kong may aircon na rito.

Nilakasan ni Sir Noah ang aircon.

"S-sir.."

Ngumiti siya, "Naiinitan ka kasi, hahahah!" Humalakhak ito. Nanlaki naman ako, shet! Alam kong gwapo siya. Pero kung lagi 'tong ngumingiti or tumatawa. Mas lalo siyang gumagwapo. Naramdaman ko namang umandar na ang sasakyan.

Tahimik lang buong byahe, ang kaninang pag uusap namin ay hindi na nasundan pa hanggat sa makaihatid niya na ako sa condo. Nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"A-Ahh, t-thank you sir.."

Nginitian niya naman ulit ako. Saglit pa kaming nagtitigan, tae. 'Di pa ba siya aalis?

"Ah, sir. Papasok na po ako.."

"Ah! Yeah, pumasok ka na."

"Hindi pa po ba kayo papasok sa sasakyan niyo?"

"Hindi pa, titingnan kitang pumasok."

"P-po?"

"Just go miss.." Napalunok ako, naiilang naman akong kumaway kay sir. Nang makapasok ako sa gate ay lumingon pa ako sa kaniya at muling kumaway, nginitian niya ako.

"I-Ingat po kayo sir.."

Muli siyang ngumiti at nagpamulsang pumasok sa kotse niya. Bumusina pa ito bago umalis. Napailing iling ako bago pumasok ng condo.

"Weird, masyadong mabait si sir ngayon.."

NATAPOS na naman ang isang linggo, madalas na akong hinahatid ni Sir Noah, hindi ko alam kung aksidente lang ba na nagkakasabay kami o sinasadya niya.

Ramdam kong nahahalata na rin ang ibang nga empleyado rito sa CGG dahil sa pagiging malapit namin ni Sir Noah, tinatanong na nga rin ako nila Che kung ano bang mayro' sa'min. Ang lagi ko lang sinasagot ay nagkakasabay lang talaga kami. Ayun lang at hanggang doon lang.

Pero 'di pa rin sila naniniwala. Tuesday ngayon, thursday, this week. ang last day namin. Sa friday kasi ay may pa party si Sir Noah. Nagulat pa ang lahat, sinabi ng iba na first time raw magpaparty si sir bago magbakasyon. Kadalasan ay tip lang binibigay ng binata sa kanila.

'Di naman ako makarelate, baguhan palang naman ako. This year lang naman ako naging empleyado ng CGC. Lunch break namin ngayon, naisipan namin ni Che na sa labas kami kumain.

"Cherielei! Hali ka na!!" tawag ni Zab sa kaniya, paano ba naman kasi ang tagal niyang mag ayos sa cr. Kanina pa namin siya inaantay.

"Ahez! Hali na kayo, gora na tayo!" sabi ni Che nang makalabas siya ng cr. Napailing at tumawa nalang namin kami ni Zab at naglakad na. Ngunit napahinto kami ng makita namin si Sir Noah sa may exit. Nakapamulsa ito. Nagtama ang paningin naming dalawa, ngumiti siya at naglakad. Shems? Dito ba siya pupunta?

"Hala 'tih! Mukhang dito pupunta si sir ah!" si Zab.

Kumapit naman sa'kin si Che at halatang kinikilig, "Owemji!! Dito nga siya pupunta! Haba talaga ng hair mo Yas!"

NAIILANG na ngumiti ako nang makarating si Sir Noah sa harapan namin.

"Where are you going?" tanong nito. Napalunok ako.

"A-ako p-po?"

Tumango siya, kaya naman nilingon ko sila Che, nagkibit balikat lang naman sila.

"A-ahh.. S-Sa CEE Mall lang po sir. D-doon po kami maglalunch."

"That's nice, papunta rin kasi ako ro'n. Sumabay na kayo sa'kin."

Naramdaman ko naman ang pagkurot ni Che sa tagiliran ko, kinikilig na ang loko.

"P-Pero s-sir.."

He smiled, "H'wag ka nang tumanggi Ms. Wilber, come with me.." Muli akong napalunok. Wala rin naman akong nagawa, sumabay kami sa sasakyan ni Sir Noah. Si Che at Zab ay kadaldalan si sir, halatang close na. Pero ako ay nananahimik lang. Hanggat sa pagkain ay kasama namin si sir, nilibre pa kami. Shems! Sobra sobra na 'to!!

Nang makabalik kami sa CGC ay nagkekwentuhan pa sila Zab at Che. Nag enjoy daw sila sa pakikipagbonding ni Sir Noah sa'min. Hanggat sa mag uwian na. Laking pasasalamat ko dahil natapos ko na ang ilang mga datas last week, unti nalang ang gagawin ko.

Kaya mabilis lang akong natapos at uuwi na ako. Nagpaalam na ako kay Che at kay Zab na nasa front desk. Ngunit nanlaki ang mata ko nang sa paglabas ko ay nakita ko si Sir Noah sa labas ng sasakyan niya, nakasandal. Suot suot ang rectangle rimless niya. Aaminin ko, mas lalo siyang kumisig sa suot suot niyang sunglasses ngayon. Gabi na, pero nakasunglasses pa rin siya. Natawa naman ako.

Ibinaba niya ng unti ang suot niyang rimless at tiningnan ako, napangisi ito at naglakad papalapit sa'kin

"S-Sir.."

"I guess you're free tonight," Hinubad niya ang rectangle rimless niya at sinukbit sa damit niya. Tsaka ko lang napansin ang suot niya ngayon. Naka suot siya ng t-shirt na puti at pinaresan ng jeans. Simpleng simple lang ang suot niya, pero nagmumukhang engrande kapag siya ang nagsuot.

Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at humalakhak.

"Naka half open ang bibig mo, inayos ko lang. Baka kasi 'di ko mapigilan ang sarili ko at bigla akong sumungab eh." Muli siyang humalakhak, napalunok naman ako. Anong ibig niyang sabihin?

"So, are you free tonight? Let's eat dinner outside."

"Ah s-sir.."

"Please, miss?" Napalunok ulit ako. At pumayag na nga ako. Dinala niya ako sa 'di pamilyar na lugar. Ewan, sa tinagal tagal kong nanirahan dito sa Maynila noon ay 'di ko pa 'to nararating, as in. Ngayong lang.

AT sa pagdala niya sa'kin dito, nalaman ko na nga pakay niya. 'Di man ako gano'n kasigurado, pero. May kutob na ako.

Dumating na nga ang pagkain, tahimik lang kaming kumakain. May time pa na bigla nalang ngingiti si Sir Noah at tumitingin sa'kin, isinasawalang bahala ko nalang naman 'yun.

"Miss.."

Nilingon ko siya, tapos na kaming kumain.

"I just wanna say I like you Yasmeen.."

Napalunok naman ako, habang siya at seryosong nakatingin sa akin. Halatang nag aabang sa sasabihin ko. Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko, 'di dahil sa kilig or what. Pero dahil sa kaba, hindi rin ako makapaniwala. Paano niya ako magugustuhan?

"P-Paano.."

Ngumiti siya.

"Hindi ko rin alam, 'di ba gano'n naman ang kadalasang nangyayare? 'Di mo alam kung ba't bigla ka nalang nagkagusto sa isang tao. Right? Miss?" Humalakhak pa siya, habang ako ay hindi alam kung anong sasabihin.

"Are you surprised?" Tumawa pa siya, inirapan ko naman siya. Natural magugulat ako! Loko loko siya!

Humalakhak na naman siya, "Hahahah! Pero naniwala ka naman ba sa sinabi ko?"

"Definitely Sir Noah, hindi. Pinaglalaruan mo ba ako?"

He giggled, "You're not a toy miss, so ba't kita paglalaruan? You're not a joke for me."

I took a deep breath, kailangan ko ng fresh air. Nababaliw na ata si sir.

"Sir, nababaliw ka na."

Ngumisi siya at umayos ng upo, "Oh yes miss, I'm crazy. How did you know?"

Napalunok naman ako, mali atang sinabihan ko siya ng baliw. Baka masisante ako, loka!

"Ah heheheh! Joke lang Sir Noah, ayokong mawalan ng trabaho."

Tumawa siya, "Bakit kita sisisantehen? Edi 'di na kita makikita araw araw n'yan? Ikaw pa naman lakas ko, pfft."

"Sir, ang lakas ng amats mo ngayon ah. Anong nakain mo?"

"Hmm, pagkain."

Umirap ako, pelosopo!

"Natural sir, may iba pa bang kinakain? Siraulo ka!"

"Hahahah, yep. Meron, unless you don't know miss? Do you want me to introduce it to you?" nakangising tanong niya, napalunok naman ako. Anong ibig niyang sabihin? Nakita niyang napalunok ako kaya umayos ulit siya ng upo at humalakhak.

PANAY lang ang asar ni Sir Noah sa'kin at seryoso nga talaga raw siya. Gusto niya raw ako. Pero 'di ko alam kung anong sasabihin ko kay 'di nalang ako nagsalita.

Wednesday at Thursday ay sobrang busy na namin, tinapos na ang dapat tapusin sa opisina. Ang mga papers na last week pa natapos ay sinubmit na sa head at sa mga ilang stockholders ng company. Busy na rin si Sir Noah, sunod sunod ang meeting niya with other clients. May mga gusto pa ngang mag invest sa company pero pinapahold lang ng papa ni Sir Noah, habang si Sir Noah ay gusto ng ireject pero pinipigilan lang ng ama. Hayaan nalang daw na mag intay.

Kahit na ang lahat ay busy, nagagawa pa rin akong ihatid pauwi ni Sir Noah. At kalat na kalat na nga ang tungkol sa paghatid niya sa buong building ng CGC. Kung ano ano ng pinagkalat, mga mai-issue sila.

Well, si Sir Noah ay nanliligaw na nga, wala naman akong sinabi na manligaw siya eh! Pero ang loko, tinatawanan lang ako. Ewan ko pa ro'n.

Thursday ngayon, nasa bahay na ako. Kakauwi lang galing trabaho, mabuti at settle down na ang lahat. Makakapagpahinga na ng maayos, wala pa si Yuki. Busy sa mga papers niya rin, gagraduate na next month eh.

Habang nakahiga ako ay sumagi naman sa isipan ko si Sir Noah, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nanlumo naman ako, wala akong nararamdaman sa kaniya.

Sa tingin ko ay si Levi pa rin talaga, kahit anong pilit kong kalimutan siya ay wala pa rin. Bumalik at bumalik pa rin ako sa kaniya. Ayaw ko rin namang paasahin si Sir Noah. Kaya bukas na bukas, papahintuin ko na siya.

Hindi pa rin ako ready na muling pumasok sa relasyon, ayoko pa.

ANG suot ko ay bodycon na dress at kulay light red. Simple lang ang suot ko, samantala ang iba ay bonggang bongga. Mga naka ball gown or 'di kaya nakamermaid skirt at pinaresan ng damit na may queen anne na neckline. Ang gaganda nila, lalo na si Che.

NAGING masaya naman ang party, syempre sa huli. Ang daming nalasing, isa na ko ro'n. Sinadya ko talaga, kasi baka pag 'di ako nalasing. Wala akong lakas ng loob para ireject si Sir Noah eh.

Ngayon ay inaalalayan niya ako.

"Tsk! You're drunk, dapat kasi 'di mo dinamihan!"

Bumungisngis naman ako.

"Sir Noah.."

Natigilan siya at bumaling sa'kin, "Yes miss?"

"Bitawan mo ako," Nagulat siya pero agad din naman akong binitawan. Napalunok pa ako bago magsalita.

"May sasabihin lang ako."

"What is it? Importante ba?"

"Uhm.. Sir Noah, I want you to stop courting me. You.. Need.. t-to stop this.." sabi ko sa kaniya, sumeryoso naman ang itsura niya.

"Give me a reason miss.. "

"Ayaw kitang masaktan sir.."

"Ngayon ba, hindi mo pa ako nasasaktan miss?"

Naluluha na ako, bakit ba kailangan kong maranasan ang ganito? Hindi pa ba ang sapat ang kay Levi?

"Sir Noah.."

Ngumisi siya, "I got it, nirerespeto ko ang desisyon mo. Sinubukan ko lang naman na baka maialis ko siya sa isipan mo, but I guess hindi ko kayang gawin. Because you're still love him, right, miss?"

Kumunot ang noo ko, "H-How did... you.. kno-"

"Zabrina told me, masakit, akala ko kasi matututunan mo nang magmahal ulit, akala ko lang pala."

"S-Sir Noah.. I didn't mea-"

"Shh.. It's okay, miss. I'm falling for you, every single day. I'm sorry miss, but I can't stop my self, I can't stop my feelings.. I'm still into you miss."

Umiyak na ako, ayoko ng ganito. Ayokong nakakasakit ako.

"Sir Noah... Please.."

"Yasmeen, just let me love and that's enough for me. Kahit na iba ang mahal mo, hayaan mo naman ako. Please? Hayaan mo ako hanggat sa mawala 'yung nararamdaman ko, kung mawawala."

"S-Sir Noah.."

"Let me love you miss, because I can't get you out of my mind.."

---

Hehehehe! Mwuah!

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 168K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
4.3K 88 18
Lover's Series #3 Azrail Kime Cruz, She wanted to be free from her parents grip, to pursue her dream being a successful doctor. And when someone she...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
38.1K 53 10
❌️ MATURE CONTENT ❌️ People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take to give in to temptation? Different lives and a sneak peek...