A/n: Panigurado, mabibitin kayo sa chap nato 😅sorry pero short chap lang to. Maraming Salamat ❤️
Cassandra's POV
Hindi pa din ako makapaniwala, nakatunganga lang ako matapos ang mga pangyayari at mga narinig ko mula sa kanya. Ganon padin ang posisyon namin at tila ba mas lalo pa niyang hinigpitan yong hawak niya sakin.
Unti unting tumutulo na ang luha sa mga mata ko, anong ginagawa niya? ano ba tong kinikilos niya? Kahit nahihirapan akong kumilos ay pinilit kong tanggalin yong yakap niya sakin.
Baka mamaya sasabihin niyang lumayo na ulit ako, tas magsasalita na naman siya ng masasakit sakin, ayoko ng marinig yon.
"delima pwede bang bitawan mo muna ako? ano ba tong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya, pinunasan ko na din yong luha na pumapatak sa pisngi ko.
Mas lalo niyang hinigpitan pa lalo yong yakap niya.
"wag ka muna kumilos, please hayaan mo muna ako." sabi niya sa seryoso niyang boses, hindi ko lang masyadong narinig yong tono ng boses niya parang nag iba?
hays, bahala na nga! hinayaan ko na lang muna siya. Kahit sa totoo lang, di ako masyadong makahinga.
Ilang saglit lang at naramdaman kong unti unti na siya kumalas sa pagkakayap niya sakin. Hays, sa wakas at nakahinga na ako. Muli ko na siyang hinarap, imbes na tarayan at awayin ko siya sa ginawa niya ay napahinto ako nang makita ko ang mukha niya.
Parang napakaseryoso niya... at tila nakikita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya at naguguluhan?
pero bakit naman siya mahihirapan at maguguluhan? dahil ba sakin? dahil ba sa mga nangyayari samin ngayon?
Pwede naman siguro niya akong hayaan diba? pwede niya akong ipagtabuyan ulit kung gusto niya. Pero bakit niya ako niyakap? bakit niya ako pinigilan? bakit ginagawa niya lahat 'to? anong ibig sabihin non?
Tang ina! ginugulo niya utak ko!
Ano bang klaseng laro to delima?
o baka naman, pinagloloko lang talaga niya ako? kasi naman, sa lahat lahat ba naman ng ginawa ko sa kanya noon diba?
Hindi na muna ako nagsalita, hinayaan ko muna siyang titigan ako.
Ilang minuto na at wala pa rin akong narinig na salita galing sa kanya, nakatitig lang siya sakin na parang may iniisip.
That's it! enough is enough, kung pinagloloko lang niya ako, pwes! tigilan na niya! oo malaki kasalanan ko sa kanya noon pero tama bang paglaroan niya feelings ko? tama bang gamitin niya kahinaan ko para lang maghigante sa ginawa ko noon sa kanya dahil alam niyang gusto ko siya?
"ano? tatayo na lang ba tayo dito? tell me delima, pinagloloko mo ba ako? yes! aaminin ko, gusto pa din kita hanggang ngayon, p-pero pinagtaboyan muna ako dba? kaya iniiwasan na nga kita eh. Pero bakit ngayon? p-pinaglalaroan mo lang ba yong feelings ko? eto ba yong paghihigante mo sakin dahil sa ginawa ko sayo dati? pwes! congrats! nanalo ka na, ginugulo muna utak ko!"
Dahil sa inis ko, di ko maiwasang maiyak. Ewan ko ba, ganito talaga ako pag nasobrahan sa inis at mas lalo nang alam kong pinaglalaroan lang ang feelings ko.
Muli ko na naman ulit pinunasan ang mga traydor kong luha, dapat di ako umiiyak ng ganito eh! ayokong may nakakakita sakin na ganito, ayokong sabihin nilang mahina ako.
Tiningnan ko ulit siya, wala man lang ba siyang sasabihin? ano to? nabingi na ba siya o napipe?
"ano na delima? sumagot ka! pinagloloko mo lang ako di ba? ano? sagot!" napasigaw na ako dahil na rin sa inis at galit. Nagagawa lang niya akong tingnan ng ganito, na nahihirapan na!
Di pa din siya nagsalita.. titig na titig pa din siya sakin.
Nag aaksaya lang ako ng oras at luha ko kung wala naman siyang sasabihin.
"kung ganyan ka lang naman, umuwi na tayo, ihatid mo na ako. At kung ayaw mo naman, ako na ang uuwi mag————"
O______O
Di ko na natapos yong huli kong sasabihin.. Di na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Napakabilis ng pangyayari, biglang nanlaki na lamang ang mga mata ko sa ginawa niya. Yong inis at galit na naramdaman ko sa kanya, bigla na lang naglaho.
Ramdam na ramdam ko ang malambot na bagay na dumampi sa mga labi ko..
shit! yes, tama ang nasa isip niyo. He kiss me! hinalikan niya ako sa labi!
Naramdaman ko yong nanlalambot kong tuhod dahil sa ginawa niya, imbes na matumba ako ay niyakap pa niya ako habang di pa din kumakawala ang mga labi niya sa labi ko.
Napakalambot, napakatamis, shit!
Naramdaman kong iginalaw niya ng dahan dahan ang mga labi niya.
Di ko na magawang pumalag, nanghihina na ako dahil sa halik niya. Ipinikit ko na lamang ang mata ko sanhi para tumulo muli ang huling luha ko. Wala na akong pakealam kung anong susunod na mangyayari.. ang alam ko lang, gustong gusto ko ang mga halik niya.
Wala sa sariling pinulupot ko na ang mga kamay ko sa leeg niya at sinabayan ang labi niya.
Bahala na..
__
Danica's POV
Pilit kong pinigilan.
Pilit kong di magsalita.
Tinry ko talaga...
pero eto ako ngayon, nakayakap at hinahalikan ang babaeng kinaiinisan ko.
Ginawa ko na lahat pero kusa na yong nararamdaman ko ang nagdidikta sa mga ikinikilos ko.
shit! mali ito! mali itong ginagawa mo danica! babae ka!
pero nagkagusto ka sa isang babae!
isang babaeng inakalang lalake ka!
imbes na kumawala na ako sa pagkakayakap at paghalik ko sa kanya, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko dahil naramdaman kong ikinilos na din niya ang mga labi niya at sinabayan ang mga halik ko.
Nanlalambot ako....
Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya at pati na din sakin. Napakabilis nito..
*Gusto mo siya, pinipigilan mo lang. Sge ka, baka magsisi ka at mapunta siya sa iba*
*For keeps po siya*
Mga salitang binitawan nong bata sakin, yon yong ibinulong niya sakin na hindi mawala wala sa isip ko. Hindi nga ako makapaniwala na sabihin ng isang bata ang mga salitang 'yon.
Kaya nong tumayo si del rio at papasok na sana sa sasakyan, para bang nawala na ako sa sarili ko, nong nakita ko siyang umiiyak ulit nang dahil sakin, parang natatakot na ako..
natatakot na akong mapunta siya sa iba.
Shit! gusto ko na nga talaga siya!
Ngunit pano? pano to? oo gusto niya ako, pero gusto lang naman niya ako dahil ang alam lang niya lalaki ako.
Nang matauhan ako sa naisip ko bigla na akong kumawala sa pagyakap at paghalik ko sa kanya, dumistansya na ako ng konti.
Mali tlaga to danica!
"d-dani.." tawag niya sakin.
"sorry del rio, mali to, mali tong ginagawa ko" nakayuko kong sabi.
"mali? anong mali? tama nga ako, alam kong gusto mo din ako pero pinipigilan mo lang." sabi niya sakin.
Inangat ko na ang ulo para tumingin sa kanya.
"di mo pa ako kilala del rio, wala ka pang alam."
"I don't care kung sino ka, kung ano ka dani! basta ang alam ko, gusto kita"
Tinitigan ko siya mata sa mata tsaka ako bumuntong hininga..
Pwede naman sigurong hayaan ko na muna tong nararamdaman ko di ba? pwede naman sigurong....
maging madamot muna ako.
Muli niya akong nilapitan at niyakap ako.
"dani, hayaan mo munang gustohin kita"
Nang sabihin niya iyon, napagpasyahan kong hayaan na siya.
Napapikit ako at niyakap ko din siya. Napansin kong may tumulong luha sa magkabilang pisngi ko.
Bahala na..
Bahala na kung anong mangyayari, basta ang alam ko.. gusto ko siya, gusto ko si del rio.
TO BE CONTINUED...
PEACE TAYO DIYAN!! ✌️✌️
YOURNOTMYTYPE14 ❤️