Beach Please!

4.5K 203 38
                                    

Cassandra's POV

Hapon na ng makarating kami sa distinasyon namin, sa beach resort nina grace. Andami naming nadaanang bahay at malalaking puno sa byahe kanina, napakaganda ng lugar na ito kung tutuusin.

Nakacross arms pa rin ako dito sa inuupuan ko habang nakasimangot, nababadtrip na naman ako! 😡😡😡

Matapos kasi yong mga ginagawa ko kanina kay dani, eh lumipat nga siya ng inuupuan ng di ko inaasahan. tsk! nakipagpalit siya kay nico! kainis sobra 😤😤😤

Alam kong nakukuha ko na siya sa charms ko, at alam kong nagblublush siya matapos yong paglapit ko sa mukha ko sa kanya kanina pero nagdedeny pa siya!

humanda ka talaga sakin dani..

"Finally! nakadating na rin tayo!" masiglang sigaw ni dianne at nag inat pa siya ng katawan.

Nakababa na kaming lahat ng van at isa isa naming kinuha yong mga gamit namin. Kitang kita namin ang dagat mula dito sa parking lot ng resort, napakaganda din ng simoy ng hangin dito.

Yong kabuuan ng resort is parang gubat lang, andaming puno... pati yong mga rooms dito ay gawa lamang sa kahoy. Ito kasi ang gusto ng daddy ni grace, simple.

Madami ding mga mayayamang tao na pumupunta rito, at yong iba naman is kaibigan ng family nila.

Madami sigurong tao ngayon dito dahil nga dito iniheld yong birthday party ni tito franco, daddy ni grace.

"hello everyone" may bigla namang nagsalitang lalaki kaya napalingon kami dito.

"dad!" tawag ni grace sa daddy niya. Niyakap niya kaagad ito at kiniss niya ito sa cheeks.

Pilit naman akong napangiti sa nakita ko, ewan ko ba! nakakaselos sila. Kasi di ko pa nagagawa yan kay daddy eh ☺☺☺

haist! ba't ko ba iniisip yong ama ko? tsk. erase! erase! 😣😣😣

"happy birthday dad" bati ni grace dito.

"thank you anak" ngiti nitong sabi. Napalingon naman kaagad ito samin..

"oh? hi cassandra.." bati niya sakin.

"hello po tito franc, happy birthday" lumapit ako sa kanya tsaka ko siya kiniss sa cheeks.

"happy birthday po tito.." sabi naman ni dianne sa kanya.

"salamat, sino naman tong mga lalaking kasama niyo?" pansin niyang tanong.

"ahm.. mga kaibigan po namin dad, ininvite ko po sila." sagot ni grace.

"ganun ba? hello sa inyo, tito franc na lang din itawag niyo sakin total mga kaibigan na din kayo ng anak ko" sabi ni tito sa kanila.
Isa isa naman silang bumati kay tito.

"so.. paano? enjoy muna kayo dito sa resort, mamayang gabi pa kasi yong party, kaya ikotin niyo muna tong buong resort o kaya maligo kayo sa dagat.. kayo ng bahala kung anong gagawin niyo okay? ihahanda ko lang yong mga rooms niyo. Tsaka, yong mga gamit niyo ipapakuha ko na lang yan sa mga staff ko dito sa resort." ngiting sabi ni tito samin.

Umoo naman kaming lahat sa sinabi ni tito. Umalis si tito sa harapan namin kasama si grace, pupuntahan daw nila yong mommy niya.

Dani/Danica's POV

"so anong plano natin ngayon guys?" ngising sabi kaagad ni nico sa lahat.

"pasyal na lang tayo, ikotin natin tong buong resort" sagot ni matmat.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now