Her Revenge

6.5K 216 8
                                    


************************************************************************************************

"What!? Seriously girl!?" Sigaw nitong si dianne.

Andito na naman kami ngayon sa bench, wala kasi ang Filipino teacher namin kaya lumabas na lang muna kaming tatlo ng classroom para magpahangin at makapag usap na din.

I mentally rolled my eyes.
"Ang OA mong makasigaw dyan dianne ah!" Sabi ko sa kanya.

"Eh kasi naman girl, gagamitin mo talaga 'yong Gino Fernandez na 'yon para lang sa revenge mo kay cute guy?! My God girl! Alam naman natin na kung gaano ka'Harsh mangBully 'yang si Gino." maarteng sabi niya.

"Yeah! Kaya nga siya ang gagamitin ko. At saka, ayokong madumihan ang kamay ko para lang sa revenge ko sa kanya, kaya iuutos ko na lang sa iba." Sagot ko naman.

"Wow girl huh?! Parang papatay lang?  Madudumihan talaga?" Singit naman ni grace.
Inirapan ko na lamang ang sinabi niya.

"So, 'yon lang talaga ang revenge mo sa kanya girl?" Tanong muli ni dianne sakin.

"Yes! Hmm. Hindi ko siya mapapalayas ng basta basta rito sa school eh! His family is rich. So, gagawin ko na lang ang lahat para siya mismo ang aalis sa school ko... at sabi ko nga, gagamitin ko si gino, siya na ang bahala sa monkey guy na 'yon at ako? Manonood na lang ako kung anong gagawin niya." Pangiti Ngiting sagot ko.

Iniisip ko tuloy kung anong mangyayari pagkatapos ng pambubully ni gino sa kanya.. everyday!

And Yes! 'Yon ang sinabi ko kay gino at ang revenge plan ko sa monkey guy na 'yon.....

Ang bullyhin siya ni gino araw araw ,hanggang hindi na niya kakayanin pa at maisip na lang niyang umalis at lumipat ng ibang school.

Nasabi ko na ba sa inyo na marami ng napaalis at napalipat na student ng wala sa oras 'yang si gino rito, dahil lang sa pangbubully niya. Kaya nga tinawag siyang the famous bully.

And bukod sakin, isa din si gino sa kinatatakutan dito sa school. Pero syempre, hindi ako kabilang sa kanila, dahil hindi ako takot sa kanya. Siya pa nga siguro ang takot sakin. Hahaha! 

And oh! Perfect revenge right? I know i know! Matalino talaga ako, wag na kayong humanga ng husto sakin guys! Baka mabaliw lang kayo! Bwahaha..

"Okay, push mo yan girl!" Maarteng sabi naman ni grace.

I flip my hair sabay ngiti ko sa kanya.

I'm so excited! ^____^

Danica/Dani's POV

After ng encounter namin ni Del Rio kanina sa parking lot, ay nakauwi na rin ako ng condo.

Agad ko namang hinubad ang panlalaking damit na suot ko at ang wig sa ulo ko. Grabe! Ang kati kati na talaga super! >___<

Naisipan ko na lang maligo para mawala ang kati ng ulo ko. Kaya tinungo ko ang banyo, saka pumasok.

Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis. Nakapanty lang ako at white t-shirt, total ako lang naman ang tao rito sa Condo KO kaya walang problema kung nakahubad man ako o ano.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong tinungo ang kusina para silipin ang ref kung ano ang pwedeng kainin. Nagutom na naman ata ako! -______-

Binuksan ko ito at nabungaran ko ang maraming stock ng iba't ibang pagkain.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now