Beach Please!(Part2)

4K 193 26
                                    

Dani/Danica's POV

"okay guys,may sasabihin ako sa inyo." pambungad na sabi ni grace saming lahat

"ano naman yan?" kunot noong tanong ni kiko.

"Yong ibang rooms dito sa resort ay puno na, 2 rooms na lang ang natitira, so ang ibig sabihin.. paghahatian natin yong 2 rooms na yon." pag eexplain niyang sabi sa lahat.

"what!? sino bang gumamit ng ibang rooms niyo grace? so you mean na may katabi tayong boys? no way! alam niyo naman na hindi pwede yan! tsaka, si cassandra, baka ayaw niya din. tama ako girl dba? ayaw mo? " pagrereklamo ni dianne sa kanya tsaka niya tiningnan si del rio na nakacross arms lang sa tabi.

Bumuntong hininga si grace tsaka siya nagsalita ulit..

"alam mo dianne, hindi lang naman tayo ang mga bisita rito eh, madami tayo! kaya kung ayaw mong may katabing lalaki, matulog ka na lang sa labas kung kaya mo. Arte arte mo talaga! tsaka, alam kung okay lang sayo to girl dba?" pokerface na sagot ni grace tsaka din niya nilingon si del rio para kunin yong sagot niya.

"i'm okay with that" kibit balikat niyang sagot dito.

"urgh! whatever, fine!" inis namang sabi ni dianne dito bago siya nagcross arms.

"eh sino-sino ba yong magkakasama sa mga rooms?" tanong ni alfred.

"ah yeah, napag usapan na namin ni dad yan kanina.. at syempre, kasama ko na sina dianne at cassandra sa iisang room , so dalawang lalaki lang kailangan naming isama.. at napili ko na kung sino ang mga yon" poker face na namang sagot ni grace dito.

"sino naman?" tanong ni nico.

Napatingin kaagad si grace kung saan nakatayo si matmat.

"Si matteo at yong isa naman.." dahan dahan namang inikot ni grace ang paningin niya papunta sa.....

kin? 😐 teka? sakin!? 😨😨😨😨

"ikaw dani.. ikaw yong kasama namin, kayong dalawa ni matteo" pagpapatuloy niyang sabi.

"h-ha? t-teka? b-bakit ako?" gulat kong  tanong.

bakit ako pa? di pwede to! 😣😣😣

"kasi ikaw nga, tsaka okay lang naman siguro sa inyo guys na sa kabilang room kayo dba?" tanong kaagad ni grace sa tropa ni kambal.

"ahm.. yeah, okay samin yon, dba guys?" si james na sumagot sa tanong ni grace.

Tumango naman yong mga gago.

lagot na! 😥😥😥

Napatingin ako kay kiko na seryoso lang na nakikinig, lumingon naman kaagad ito sakin.

Hindi pa pala niya alam yong mga nangyayari, about kay matmat pati kay del rio.
Bumuntong hininga ako, kailangan gumawa ako ng paraan! 😲😲😲

"ah ehem! g-grace.." tinawag ko ang kaibigan ni del rio sanhi para mapunta lahat ng atensyon nila sakin.

"hm?" tanging tugon niya.

"ahmm.. pwede bang sa kanila na lang  ako sasama, mga tropa ko naman kasi sila eh" pakiusap ko sa kanya.

"no, hindi pwede.. limang tao lang ang pwede sa isang room, am i right grace?" singit naman nitong si bruha.

teka nga, siya ba tinatanong ko? nangingialam eh 😑😑😑

di ko na lamang siya pinansin samantalang inaabangan ko ang sagot ni grace.

"she's right dani, hindi nga pwede..tsaka, magkatabi lang naman yong 2 rooms na tutulugan natin. Wag kang mag aalala, di kayo maghihiwalay ng mga tropa mo." walang ganang sagot nito sakin pero feeling ko may halong pagkasarkastik yong huling sinabi niya 😒😒😒😒

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now