Oh No!

5.7K 287 111
                                    

Cassandra's POV

"Girl, totoo bang kayo na nong ungas na yon?" Biglang tanong ni dianne sakin.

Andito pa din kaming lahat sa cafeteria, nag order pa kasi  yong boyfriend ko ngang si gino para sakin at para sa kanya..

"Yes, what's wrong with that?" Taas kilay kong sagot sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito tsaka siya napatingin sa katabi niyang si grace..

"T-talaga!? K-kailan pa? Ba't di namin alam yan?" Di makapaniwalang tanong ulit niya.

"Kanina nong nag usap kami sa classroom, tsaka pwede ba.. Di lahat ng ginagawa ko at desisyon ko sinasabi ko sa inyo tsk!" Nagsisimula ulit akong mainis sa tanong ni dianne.

"Sabagay, kaibigan mo lang naman kami eh. Di mo na kailangan iinform samin lahat.." Sabi niya pa.

Teka? Galit ba siya?

"Wait, galit ka ba? Dahil di ko sinabi yong desisyon kong sagotin si gino?" Napataas lalo ang kilay ko, nagdadrama na naman kasi tong gaga nato eh 😑

"Hindi ako galit, naiinis lang ako sayo. Kasi alam naman natin dito na wala kang gusto dyan sa ginong yan! Pano na yong isa? Dba may gusto ka kay dani? Pero bakit ngayon naging jowa mo na si gino?" Mahaba niyang sabi sakin.

Hays.. Halata talagang ayaw ni dianne kay gino para sakin 😑

"Binigyan ko siya ng chance dianne, bawal ba yon?" Yon lang yong sinagot ko sa kanya.

"Eh pano yong taong gusto mo?" Tanong ulit niya.

"Wag mo na yang banggitin sakin, titigil na ako sa kanya.." Seryoso kong sagot.

"W-why?" Di makapaniwalang tanong niya.

Di pa kasi nila alam ang nangyari kahapon lang. Di ko sinabi sa kanila..

"Ayoko ipagpilitan sarili ko sa taong ayaw talaga sakin, nagmumukha lang akong kawawa." Bumuntong hininga ako matapos kong sabihin iyon, naalala ko na naman kasi ang mga sinabi sakin ni dani, at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako.

Magsasalita pa sana si dianne nang pigilan siya ni grace..

"Dianne, wag ka ng maraming tanong dyan. May dahilan siguro si cassandra kung bakit niya sinagot si gino kaya respetohin na lang natin ang desisyon niya."

Napatingin kaagad ako kay grace ng sabihin niya iyon, i know naiintindihan niya ang lahat kahit di niya alam reason ko.

"Hays! Sge na nga.. Basta girl, sabihin mo samin yong reason mo. Nag aalala lang naman ako sayo, alam naman natin kung gaano ka manyak yang si gino eh" nkapout na sabi ni dianne.

Tumango lang ako sa kanya tsaka ako napangiti.

"I know girl! but don't worry, kaya kong kontrolin si gino. Alam niyo naman na prinsesa turing niya sakin, kaya malabong mangyaring gawin niya sakin yang mga iniisip mo." Ngiti kong sabi sa kanya.

Tsaka, kaya ko din sinagot si gino dahil na rin ayokong maramdaman niya ang nararamdaman ko nong hinahabol habol ko si dani..

Ngayon ko lang kasi narealize, na mahirap at masakit ang maghabol sa isang taong ayaw sayo..

Kaya gusto kong bigyan ng chance si gino, malay niyo at malay ko.. Magugustohan ko rin siya.
Matagal na din akong gusto ni gino.. Pero di ko naisip na bigyan siya ng chance dahil ayoko nga sa kanya.

Matapos ang pag uusap naming iyon tsaka naman dumating si gino dala dala ang isang tray.

"Eto na order mo prinsesa ko oh, kainin mo yang mabuti ah! Ayokong nagugutom ka😁" sabi niya pa tsaka siya umupo sa tabi ko.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now