Jealous or Not?

7.1K 249 6
                                    

A/n: May nakalimutan akong 2 characters na di ko nailagay.

KRYSTAL JUNG as Dianne

SANDARA PARK as Grace

Oh ayan! Nailagay ko na! ^__^

Here's the update guys! Thanks for waiting. ENJOY!

-ciao
****************************************************************
Cassandra's POV

Dalawang araw na rin ang nakalipas simula ang nangyari kay delima doon sa locker room. Tinigilan ko na rin siya kagaya ng gusto niyang mangyari. At sa dalawang araw ring iyon ay hindi na rin ako nagpakita man lang sa kanya. Pinagalitan ko nga sina gino at sinabi ko na ring itigil na rin nila ang pambubully kay delima. Tinupad naman nila ang gusto ko.

Andito kami ngayon sa isa sa mga bench at nakaupo lang. Wala na naman kasing pasok dahil meeting na naman ng teachers para sa darating na anniversay ng university. At kung kailan iyon? Aba! Di ko alam! Pakialam ko ba!? -___-

"My god! I'm so bored! Inaantok pa ako, gusto ko talagang umuwi at matulog muna!" Matamlay na sabi ni dianne.

"Buti nga! Ayan ang napapala mo sa kakafacebook mo magdamag eh!" Sabi naman ni grace sa kanya.

"Tch! Paki mo?" Sagot naman nito.

"Shut up girls!" Inis kong Saway sa kanila. Alam ko kasing magsisimula na naman ang away ng dalawang 'to kaya pinatahimik ko na para hindi pa lumala.

Sabay naman silang sumimangot na dalawa. Inikotan ko na lang sila ng mata at napatigil ako ng mapansin kong mula sa di kalayuan, ay may pamilyar na lalaking naglalakad.

Ewan ko ba, pero biglang nawala ang inis ko dahil sa dalawang kasama ko ng makilala ko kung sino ang lalaking iyon.

Delima!

Tinitigan ko lamang siya habang naglalakad ito mula sa likod ng mga kasama niya at parang nakikita kong nakasimangot pa ito na halatang may inaalalang problema.

Dalawang araw na rin ang nakalipas na hindi ko siya nakikita dahil sa pag iwas ko sa kanya.. at ngayong nakita ko na naman ulit siya, bakit iba ang nararamdaman ko?

Saya..

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Pero bakit? Ang alam ko, nagagalit at naiinis pa rin ako sa kanya..pero bakit saya ang nararamdaman ko?

"Hey girl, are you ok? Nakangiti kang mag isa diyan!"
Napalingon naman ako kay grace ng magsalita siya.

"H-ha?" Taka kong tanong.

"Tch. Bakit ka nakangiti mag isa diyan? para kang baliw eh!" Tanong na naman niya.

Huh? Nakangiti na pala ako? Ba't hindi ko man lang namalayan?

"A-ah.. n-nothing." Sagot ko na lang. Hindi ko din kasi alam ba't nakangiti ako. Hays! -__-

Nagkibit balikat lang si grace sa sagot kong iyon at itinuon ang atensyon nito kay dianne na nakangiting nagtetext sa phone nito.

Hindi ko lang sila pinansin pa at ibinalik ang tingin kay delima. Ngunit..

Bumalik na naman ang pagkainis ko ng makita kong may kausap siyang girl.

At mukhang kilala ko ang girl na yon ah!

...Oh right! si chimpanzee na naman pala ang kausap niya?!
Kaano ano ba talaga niya ang babaeng yan? Bakit ba palagi ko na lang silang nakikitang magkasama o di kaya nagkakausap? Nakakainis na ah!

She's My Man(girlxgirl) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن