School Anniversary 1

6.7K 242 21
                                    

Danica's POV

Matapos ang nangyari sa loob ng girls cr ay lumabas na rin ako para bumalik ng private room.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nadatnan kong kumakain si mr. Del rio at napansin kong wala sa tabi nito ang kanyang anak.

Hm? Nasaan na kaya 'yong babaeng iyon? Di ba dapat andito na siya dahil siya yong naunang lumabas kanina ng cr?

Pero teka nga?! Bakit ko ba siya hinahanap? Paki ko ba kung nasaan siya? Tss! Mabuti na ngang wala siya para mawala ang kabang nararamdaman ko eh! -_____-

"Ahm.. sorry sir-este tito pala,sorry at natagalan ako." Ngiting paumanhin ko sa kanya tsaka ako naupo.

"No, its okay iha.. ang sasarap talaga ng korean food niyo dito." Ngiti namang sagot nito sakin.

"Salamat po tito.." sabi ko naman sa kanya.

"And oh! By the way, kung napapansin mo.. wala na yong anak ko. Nauna na siyang umalis iha.. may gagawin lang daw siyang importante. Ako na 'yong humihingi ng sorry sa hindi pagpapaalam niya sayo."

Nang sinabi niya iyon sakin, ewan ko ba.. biglang nag iba ang nararamdaman ko, parang may halong pagkadismaya at lungkot.

Tch! Bakit ko ba nararamdaman ito?! Wala akong paki kung umalis siya noh! Bahala nga siya! >__<

"Ahm.. okay lang tito." Ngiting sagot ko lang sa kanya.

Marami pa kaming mga bagay na napag usapan ni mr. Del Rio at masasabi kong nag enjoy naman ako sa pag uusap namin.

Hapon na ng napagdesisyonan naming umuwi.

Paglabas namin ng restaurant ay muli na naman itong nagsalita.
"Gusto mong ihatid na kita iha?" Ngiting tanong nito sakin.

"Ahm. Thanks tito, pero may kotse po akong dala. Mauna na lang po kayo." Ngiting sagot ko sa kanya.

"OkAy.. sge iha, malapit ng dumilim kaya aalis na ako."

"Sge po tito.. salamat po.."

"Salamat din sa oras iha." Ngiti nitong sabi tsaka ito pumasok sa kotse.

Nakatayo pa rin ako habang tinitingnan ang kotseng tumatakbo papalayo.

"aahh. Excuse me po ma'am danica.."
Nilingon ko naman si manager Han ng lumapit ito sakin.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Sa inyo po ba ito?" Biglang tanong nito sakin at may ipinakita siyang isang maliit na bagay.

Kunot noo ko naman itong kinuha..at pinamasdang mabuti.

Isa itong silver necklace at letter C ang pendant nito.

"Hmm?? This is not mine. Saan mo ito nakuha?" Sagot-tanong ko sa kanya.

"Ah. Ganun po ba.. sige po, baka sa ibang customer po yan. Sa girls cr ko po kasi yan nakuha" Sabi nito sakin.

Kukunin na sana niya ito sakin ng may maalala akong pangyayari kanina sa loob ng girls cr kaya pinigilan ko siya.

Yong pangyayaring natapilok si del rio at nahawakan ko siya sa bewang nito..

Ang totoo niyan, may napansin na talaga ako noong pangyayaring 'yon... na may nahulog na bagay mula sa kanya ngunit di ko na lang pinansin iyon.

Mukhang itong kwintas na ito ay pagmamay ari niya.

"Ahm.. alam ko na kung kanino ito. Ako na lang ang magbibigay." Sabi ko kay manager Han.

"Talaga po ma'am? Ahm.. Sige po.." sabi nito sakin.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now