House Party

6.3K 218 14
                                    

A/n: Happy 1.36k reads  guys! thanks for voting and reading this story.. and here's the update!
Thanks for waiting! ^___^

Ps. Kaway kaway mga silent readers!

-Ciao
************************************************************************************************

Danica's POV

Matapos ang nakakamatay na larong basketball namin ng tropa ni dani ay sa wakas narinig na rin namin ang tunog ng bell, mukhang tapos na rin ang meeting ng mga teachers kaya naman nagsibalikan na rin kami ng classroom.

Grabe! Hindi ko kinaya ang pagod sa kakalaro, para akong nawalan ng hininga sa pagod at kakatakbo. At 'yong tipong ang bigat bigat ng bola pag nagshoshoot ka! Hindi ko nga alam bakit gustong gusto ng ibang taong maglaro ng basketball,eh nakakapagod naman no'n! -____-

Ng nakapasok na kami ng classroom ay pabagsak akong umupo sa upuan ko. Hinihingal pa rin ako hanggang ngayon at parang naliligo na ata ako ng pawis. Ang baho baho ko na siguro! >____<

"Hooo! Ang saya ng laro mga bro, sa uulitin ulit!" Ngiting ngiti na sabi ni James sa'min.

Naku! Hindi na talaga ako uulit! Bahala sila! Para akong mamamatay sa pagod noh! Masisira ata beauty ko nito eh. Geez! -____-

Nagsiayos na rin kami sa pag upo ng pumasok na ang teacher namin.

Natapos ang buong klase ng wala akong naiintindihan dahil na rin sa pagod at antok.

Nagsilabasan na rin kaming lahat..

"Guys, i need to go first... i have some important things to do." Biglang sabi ko sa kanila. Nang tuluyan na nga kaming nakalabas ng classroom. Kailangan ko na munang makauwi agad, gusto kong magpahinga na muna at syempre, matulog.

May sasabihin  pa sana si alfred sa'kin pero tumakbo na ako papalayo sa kanila at tinungo ang elevator. Nang bumukas na ito ay agad na akong pumasok.

Dumeretso na rin agad ako ng parking lot, sumakay na ako ng sports car tsaka umalis.

After a few minutes, nakarating na ako ng parking area ng condo building. Pinark ko lang ang sport car ko tsaka ako sumakay ng elevator.

*Ding!*

Bumukas ang pinto ng elevator tsaka ako lumabas. Tinungo ko na rin ang condo ko at pumasok. Inilagay ko ang dala kong bag sa mahabang sofa at pumasok agad ng kwarto para magbihis.

Una kong tinanggal ang wig na suot ko. Grabe! Ang kati kati lalo ng ulo ko dahil sa pawis nito. Hinubad ko na rin ang mga damit ko at tinungo ang closet. Naghanap na ako ng pwedeng suotin at kagaya nga ng nakasanayan ko, nakapanty lang ako at black t-shirt.

Gusto ko sanang maligo ngunit naisip kong mamaya na lang dahil magpapahinga muna ako at matutulog. Matapos kong magbihis ay pabagsak akong humiga ng kama.

Sa wakas at makakapagpahinga na rin ako. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa unti unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na din pala ako..

——

*Ding dong! Ding dong! Ding dong!*

Nagising ako sa narinig kong sunod sunod na tunog ng doorbell.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko tsaka humikab.

Inaantok pa rin talaga ako hanggang ngayon.

*Ding dong! Ding dong! Ding dong!*

Sunod sunod pa rin ang tunog ng doorbell.

Sino ba itong walangyang nangdistorbo ng tulog ko? Nakakainis naman!

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now