S.H.I.T Day( continuation)

6.3K 212 10
                                    

A/n: sorry guys! Di ko alam ba't naputol 'yong chap na'to! Kaya nabitin ang kaninang update ko. Nakakainis lang! Ang taas na non eh tapos naputol pa. Kaya eto na yong continuation ng S.H.I.T DAY! ^___^ sorry po uli!

Ps. Kay cassandra pa din ang POV na ito.

Sorry sa mga errors, hindi ko na din naedit 'to!

************************************************************************************************

Naglakad na ako papalapit ng boys cr at sumandal ako sa gilid ng pader saka nagcross arms.

Ilang segundo din akong naghintay ng mapansin kong may taong lumabas rito. Nilingon ko ito at gumuhit naman ang ngiti sa labi ko ng makita kong si monkey guy pala iyon pero halata sa mukha niya ang inis at galit.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at halos hindi ko na mapigilang hindi matawa sa hitsura niya ngayon.

Oh my god!

Ano bang ginawa nina gino sa kanya? Hahahaha! Basang basa kasi siya!

Nakita naman niya ako at agad niya akong tinitigan ng masama na halos matunaw na ako.
Pero ngumisi lang ako sa kanya..

Oh my! He is so....

Cute.

Oh wait- really cassandra? Tinawag mo talaga siyang cute? Tch. No! Duh! Kalimutan niyo na lang 'yon! -____-

"Hahaha.. oh my! Wala na bang tubig sa bahay niyo kaya naisipan mo na lang maligo dito sa isa sa mga cr ng school?" Matawa tawang sabi ko sa kanya.

Mas lalo lang sumama ang tingin niya sa sinabi ko. Pero hindi naman ako naapektuhan samantalang nagustuhan ko pa iyon kaya mas lalo akong napangisi.

"This is all your fault! Alam kong ikaw may kagagawan nito sakin Del Rio!" Galit niyang sigaw sakin habang tumutulo pa ang tubig sa katawan at buhok nito.

Nakaramdam naman ako ng inis sa tinawag niya sakin kaya tinaas ko ang isa kong kilay.

Del Rio? Whay the fvck!

First time na may tumawag sakin ng last name ko! And i hate it! >___<

"Anong tinawag mo sakin DELIMA?!" inis kong tanong sa kanya at inemphasize ko din talaga ang last name niya. Hmpf! Akala niya huh!
"At anong sinabi mo? Sinisisi mo ba ako sa nangyaring 'yan sayo ngayon?" inis ko pang dagdag.

"Bakit? Hindi ba totoo Del Rio? Alam kong may galit ka sakin dahil sa ginawa kong pagpapahiya sayo sa cafeteria kahapon! Inutusan mo siguro ang mga walang hiyang 'yon para gawin 'to sakin, para makapaghigante ka!" Sigaw na naman niya sakin.

"Excuse me? Hindi ko gagawin yan delima! I have my own plan and you have no proof! Kaya wa'g kang magbintang agad dyan!" sigaw ko rin sa kanya.

Tss! Kala niya papatalo ako? No way! >_____<

Ngunit di ko naman inaasahan ang sunod niyang ginawa...

O____O

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng agad siyang lumapit sakin, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at isinandal sa pader.

Napalunok ako ng laway ng mapagtanto ko kung gaano na kalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Hindi ko alam pero.. biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may isang milyong bultaheng nagrarambulan sa tiyan ko.

Tinitigan lang niya ako ng masama habang ako naman ay pinagmamasdan ang buo niyang mukha.

Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang brown niyang mata, matangos din ang ilong nito. At ang kinis din ng mukha niya na parang isang babae.. lumipat naman ang tingin ko sa mapupulang labi niya..

She's My Man(girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon