School Anniversary(The Party 2)

6.6K 310 79
                                    

Danica's POV
   
"Kuya Dani!" Habang naghihintay kami sa ibang tropa namin dito sa mesa ay may bigla na namang sumigaw mula sa likuran ko. Nilingon ko naman ito at nakita ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa 12 o 14 years old na tumatakbo papunta sakin.

Teka? Sino naman ang batang 'to?

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin. O____O

"Hoy hoy hoy nica! Wa'g mo ngang yakap yakapin yang si dani!" May bigla namang humila sa batang babae at inilayo ito mula sa pagkakayakap sakin.

"Kuya nico naman eh! Namiss ko lang si kuya dani!" Nakapout na maktol namang sabi nito sa katabi niyang si nico. Hindi ko pala namalayang andito na din itong si nico.

"Hoy! Tumigil ka diyan ah! At umayos ka rin, iuuwi talaga kita kung hindi ka tatahimik." Sabi ni nico sa kanya.

" sige! Iuwi mo nga ako. Akala mo matatakot ako? Nek nek mo kuya! Hindi ka kaya makakapasok rito sa loob kung hindi mo ako pinakiusapang ako maging partner mo!" Nakataas kilay nitong sagot.

Hm? Wait.. magkapatid pala silang dalawa? At itong batang ito ang partner ni nico?

Napansin ko namang tumayo si alfred mula sa kinuupuan niya tsaka siya lumapit kay nico.

*Poink!*

Ayon! Nakatanggap ng batok si nico kay alfred.

"Aray ko! Ano ba bro!? Nambabatok ka naman bigla diyan!" Nakahawak sa batok na sabi ni nico sa kanya.

"Tss! Bagay lang sayo 'yan! Ang yabang mo pa kahapon ha! Pinagmamalaki mo pa na may partner ka! Eh yang kapatid mo lang pala partner mo!" Sigaw ni.alfred sa kanya.

"Bakit ba? Atleast may partner ako noh!" Nakasimangot na sagot ni nico sa kanya.

Habang pinapanood ko silang dalawa ay lumapit na naman uli yong batang babae sakin.
"Kuya dani.. ang pogi niyo po talaga! Pwedeng payakap uli?" Nakangiti nito sabi.

"Hoooy! Nica, tumigil ka nga! di porket alam ni dani na may crush ka sa kanya, eh nagpapayakap na 'yan! Ang bata bata mo pa ang harot harot mo na! Mahiya ka nga!" Sigaw na naman ni nico sa kanya.

Huh? May gusto pala tong batang ito kay kambal? Kaya pala ang higpit ng yakap niya sakin kanina eh!

"Kuya naman eh! Minsan ko lang naman nakikita si kuya dani eh!" Nakapout nitong sabi kay nico.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni nico.

Sabay na lamang kaming nagsitawanan dahil sa kakulitan ng kapatid niya maliban na lang kay frenzy.

Magkapatid nga talaga silang dalawa. Ang kulit! :D

"Tsk! Ngayon danica, alam mo na kung gaano kagwapo ang kambal mo." Bigla namang bulong ni kiko sakin.

"Ano? Bakit mo nasabi 'yan?" Bulong ko ring tanong sa kanya.

"Eh kahit bata nagkakagusto sa kanya eh." Sagot niya sakin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman! Gwapo nga talaga ang kambal ko, parang ako lang din... MAGANDA! ^__^v

*

Sunod sunod na rin ang pagdating ng mga student.. maging sina france at james ay dumating na rin kasama ang mga partner nila. Napasimangot nga sina nico at alfred ng makita nila ang mga partners nilang dalawa dahil na rin.. magaganda ito.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.. nagtataka kasi ako kung bakit parang may kulang. Oo kumpleto na kaming mga tropa pero pakiramdam ko parang may kulang talaga. Parang may gusto akong makita ngayong gabi.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now