Nice One Danica!

6.6K 256 12
                                    

A/n: sorry guys, maikli lang ang chapter na ito.. sana magustuhan niyo pa din

************************************************************************************************

Cassandra's POV

"So, ano na plano mo ngayon Girl? Maghihigante ka ba talaga sa kanya?" Maarteng tanong ni grace sakin.

Andito pa rin kami ngayon sa bench at nakaupo lang. Matapos ang pagwawala ko kanina dito ay napag isip isip kong tumigil na dahil wala naman akong mapapala at mapapagod lang din ako. Sayang ang beauty ko pagnagkataon! Hmp. -____-

"A Big big YES! Hindi ko papalagpasin ang ginawa niya sakin noh!" Sagot ko sa kanya saka ako huminga ng malalim para kumalma na naman. Umiinit na naman kasi ang ulo ko pag naalala ko ang nangyari kanina.

Sisiguraduhin kong magsisisi siya sa ginawa niya sakin!

"Really girl? Mukhang kawawa pala si cute guy.." lungkot lungkotang sabi naman ni dianne kaya naman tiningnan ko siya ng nakataas ang isang kilay.

Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Naaawa siya sa pesteng guy na 'yon?! What the heck! Tapos, mismong ako na kaibigan niya ay hindi man lang siya naawa? Peste pala tong babaeng to eh! Samapalin ko kaya 'to?! >_____<

"Pwede ba dianne, wa'g ka na lang magsalita kung ayaw mong masampal ng kaliwa't kanan! Pinaiinit mo lalo ulo ko!" Inis kong sigaw sa kanya.

"Whoa girl! Chillax! Wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Sabi niya habang nakataas ang mga kamay sa ere na parang sumusuko.

Inirapan ko na lamang siya.. wala talagang kwenta ang babaeng ito! nasasayang lang ang beauty ko sa kanya! Tch. Dapat siguro magbeauty rest muna ako sa bahay. Para makapag isip isip na din ako ng revenge plan ko.

"Wait girl! Where are you going?" Tanong ni grace sa'kin ng tumayo ako.

"Uuwi.. i need some beauty rest.. stress na ang mukha ko sa kakatitig sa mga mukha ninyo." Sagot ko agad sa kanila saka ako tumalikod.
"And oh! by the way grace.. alamin mo pala kung sino ang pesteng guy na iyon ha. Lahat lahat sa kanya.." dagdag ko pa. Magsasalita pa sana siya ngunit naglakad na ako papalayo sa kanila.

I need some info. About that guy. Kailangan kong malaman kung sino siya at kung mayaman ba siya o hindi.. at kung ano ang trabaho ng mga parents niya bago ko isakatuparan ang Revenge Plan ko.

Ipapahiya ko rin siya!

Nobody mess with me like that! NOBODY!!!

Danica/Dani's POV

"Guys, mauna na akong umuwi sa inyo ha!" Sabi ko sa kanilang lima mula rito sa cafeteria. Kailangan ko kasing hubarin itong wig na suot ko dahil nangangati na ang ulo ko.

At kailangan ko na ring magpahinga. Kapagod kasi ang araw na'to para sakin.

"Okay bro!" Sabay sabay nilang sagot.

Lumabas na rin ako ng cafeteria para pumunta ng parking lot. Habang naglalakad ako ng hallway may babaeng biglang humarang sa'kin, kaya naman di ko na mapigilang mapahinto at tingnan siya ng nakakunot ang noo.

Sino naman kaya 'tong babaeng ito?

"Hi." Ngiting sabi niya sakin.

Aaminin kong sa simpleng ngiti niya ay lumalabas ang pagiging cute ng babaeng ito ngayon.
Yup! Cute nga siya.. maikli ang kanyang maitim na buhok na hanggang balikat lang niya at singkit ang kanyang mga mata. Mas matangkad nga lang ako sa kanya ng kaunti.

"Ehem! Yes? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm.. I saw you kasi kanina at the cafeteria.. and kung ano 'yong ginawa mo kay Cassandra Del Rio. And I like what you did to her. Marami kasing ayaw sa kanya dito pero wala ni isang gumawa sa kanya ng ganon. As in wala!" Maarteng sabi niya sakin.

"Ah ganun? T-thanks!" Sabi ko na lang sa kanya saka ako ngumiti.Wala din naman akong masabi eh.

So, marami pala talagang student ang ayaw sa kanya rito. Siguradong masama ang ugali ng babaeng 'yon bukod sa pagiging maarte niya.

"Ah. Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya sakin.

"Dani.." sagot ko naman.

Hindi naman siguro masama ang makipagkilala. Friendly naman kasi ako. Ayokong balewalain ang isang taong gustong makipag usap sakin.

".. oh nice! I'm Clarisse." pagpapakilala niya saka niya inilahad ang kanyang kamay sakin. Nakangiti kong tinanggap ito sabay shakehands.

Ngunit....

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Imbes na bitawan niya ang kamay ko ay basta niya na lang itong hinigpitan ng hawak at hinila niya agad ako papalapit sa kanya.

And..

*tsup!*

O_____O

What the-

S-she k-kiss me...
She kiss me on my pretty chick! Gosh!

O_____O

Napatulala na lamang ako matapos niyang gawin iyon. Nakakagulat kasi ang ginawa niya! Naman! >_____<

"You know what dani.. your cute." Ngiting sabi niya sakin.

Hindi naman ako makapagsalita, nanlalaki pa rin 'yong mga mata ko.

"Alis na ako ha..see you around!" Malambing na ngiti niya pa, tsaka siya umalis sa harapan ko.

OKAY! ano ba 'yong ginawa niya sakin kanina?!

Ng maalala ko ang ginawa niyang paghalik sa pisngi ko ay hindi mapigilang magtayoan ang balahibo ko sa katawan. Eeewness! Kadiri! >____<

Bakit ba basta basta na lang nanghahalik ang babaeng clarisse na 'yon!? Kakakilala lang kaya namin! Tch.

Oh well! Nevermind! Kailangan ko ng umalis rito at umuwi.. ang kati na ng ulo ko. Jusko!

Nagmamadali ko ng tinungo ang parking lot. Habang papalapit ako sa sports car KO ay may napansin akong babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko, kaya naman nilingon ko ito.

And oh! The one and only Cassandra Del Rio.

Ano naman ginagawa niya rito sa parking lot?

Nang makita niya din ako ay halata sa mukha niya ang pagkagulat pero agad ding nagdilim ang mukha niyang nakatingin sakin.

"What are you doing here?!" Mataray niyang tanong sakin.

Hindi ko siya sinagot sa tanong niyang iyon samantalang, ngumiti lang ako sa kanya ng nakakaloko. Gusto ko lang siyang inisin at galitin. Ang cute lang ka- i mean, ang pangit niya kasi pagnagagalit! Yon ang ibig kong sabihin!

Tumalikod ako sa kanya at pinuntuhan ang sports car KO, pero bago ko pa mabuksan ang pinto nito ay nagsalita na naman ulit siya.

"Hey monkey! I'm talking to you! Wa'g mo akong basta basta tatalikuran!" Inis niyang sigaw sa'kin.

Tiningnan ko na lamang siya, saka ko na naman siya nginitian.
"Sorry darling! Wala akong panahon makipag usap sa'yo." Ngiti ko sa kanya saka ko binuksan ang pinto ng sasakyan at pinaharurot na ito agad agad.

Hindi ko na nakita ang mukha niya matapos ang pangyayaring iyon at habang nagmamaneho ako sa gitna ng daan ay hindi maiwasang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

For sure mas lalong nainis at nagalit na 'yon sakin. Hahaha!

Nice one danica!

To be continued....

A/n: hahabaan ko na sa next chapter.

Next Chap: The Revenge Plan

She's My Man(girlxgirl) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora