School Anniversary 3

6.1K 253 39
                                    

Danica's POV

"Dani.. ayusin mo nga yong dalawang microphone tsaka na din yong isang gitara.. punasan mo na din yong nga yon." utos sa akin ng presidente ng classroom namin.

Andito nga pala kami sa booth namin at tumutulong na rin sa mga gawain. Matapos kasi ang kulitan na nangyari kanina sa tambayan ay napagdesisyonan na lang ng tropa na tumulong sa mga gawain dito sa booth namin. Baka din kasi magalit na naman yong babaeng si frenzy at sabihin na naman daw na wala daw kaming silbing anim.. -_____-

"Ok.." tipid kong sagot dito. Tinungo ko agad kung saan nakalagay ang dalawang microphone at ang katabi naman nito ay ang isang gitara.

Kinuha ko muna ang isang microphone at tiningnan ko muna ito kung wala bang sira o kaya maalikabok ito.

"Tulungan na kita?" Agad akong napatigil sa ginagawa ko nang marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko.

"Kiko.. ikaw pala. Sige" ngiti kong sabi.

Ngumiti naman siya sakin habang inaayos niya ang salamin sa mata niya.

"So... hindi pa ba tumatawag 'yong kambal mo sa'yo?" Biglang tanong niya sakin habang pinupunasan niya ang isang microphone.

"Hindi pa eh.." sagot ko sa kanya.

"Tawagan mo na lang kaya siya? Para sabihin sa kanya na may nakakaalam na sa sekreto niyong dalawa.."
Agad na naman akong napahinto ng marinig ko ang sinabi niya tsaka ko siya tiningnan.

"Hm. Di pwede eh, sabi kasi niya.. siya na lang daw ang tatawag." Sagot ko sa kanya.

"Ganun? Eh alam mo ba kung kailan ang contest ng battle of the band?"

Teka? Oo nga noh? Hindi ko nga alam kung kailan iyon. Hindi ko din kasi natanong kay kambal kung kailan.

"Hmmm. Hindi eh.. siguro itatanong ko na lang iyan kung sakaling tumawag siy-"

"Nagtatrabaho ba kayo o nag uusap lang?"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may babaeng bigla na lamang nagsalita.

Sabay kaming napalingon ni kiko sa babaeng iyon at nakita namin ang nakacross arms niyang mga kamay at ang nakataas niyang kilay.

"F-frenzy.." tawag sa kanya ni kiko.

"Andaming gawain dito sa booth, tapos kayo.. nag uusap lang diyan? Aba! Ang swerte niyong dalawa ah!" Mataray niyang sabi samin.

Nagkatinginan na lamang kami ni kiko matapos niyang sabihin iyon at hindi na muling nagsalita pa.

Grabe! Napakataray naman ng babaeng 'to! -____-

"Tsk! Tapusin niyo na yan! May marami pang tatrabahoin oh!" Dagdag niya pang sabi samin tsaka siya umalis sa harapan namin.
***

Lumipas ang oras at sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng gawain sa booth ng section namin. May ibang kaklase namin ay pagod at yong iba naman ay wala lang..

"Guys! Kitakits na lang tayo bukas ah!" Masiglang sabi ni nico sa tropa.

"Oo!" Sabay sabay naming sabi sa kanya.

Isa isa na sana kaming sasakay sa mga sasakyan namin para na rin makauwi ng may pahabol pa si nico..

"Wait lang guys! Dapat may mga partner na kayo bukas ah para sa party, kasi ako.. meron na!" Nakangising sabi niya samin.

"Tss! Tumahimik ka!" Nakasimangot na sabi sa kanya ni alfred.

"Hahaha! Tahimik mo mukha mo! Inggit ka lang kasi wala kang partner bukas!" Matawa tawang asar sa kanya ni nico.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now