Her POV 2

5.3K 232 49
                                    

Cassandra's POV

*Riiiiiiing! *Riiiiiiiing! *Riiiiiiing!

Nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog ng tumunog ang phone ko na nilagay ko sa study table.

P*ta! sino ba tong tumatawag sakin? keaga aga nambwebwesit! >___<

Inaantok ko itong kinuha tsaka ko ito sinagot.

"Hey girl! goodmorning!" masiglang bati ng nasa kabilang line.

Sa boses pa lang ng taong ito, kilala ko na kung sino siya.

"Peste! nakakaistorbo ka dianne, alam mo ba yon?! ang aga aga pa nambwebwesit ka na naman!" sigaw ko sa kanya. Parang nawala tuloy antok ko dahil sa inis.

"Ouch! my precious ear! girl, relax ka naman diyan! Ang ganda ng umaga, tapos ikaw diyan hindi!" sabi naman niya sakin.

"Gusto mo bang mawala sa mundong to dianne? tumahimik ka diyan ah! Mas maganda pa ako sa umaga! ano bang kailangan mo ha?"

"Tsk! okay okay! ang taray mo talaga! Pupunta kami diyan mamaya sa house niyo. Susunduin ka namin. At kung bakit? Baka kasi nakalimutan mo na naman na ililibre mo kami ngayon ni grace. Okay! yon lang girl. Bye!"

*Toot!*

Matapos niyang sabihin yon ay kaagad niyang binaba ang tawag.

Letse! Langya talaga babaeng yon! Lagot talaga siya sakin mamaya! >__<

Akalain niyong inunahan pa talaga niya akong babaan ng phone? dapat ako yong unang magbaba eh! grrrr!

"Ugh!" inis kong sigaw tsaka ko pinikit ulit ang mga mata ko upang makabalik na sa pagtulog ngunit... nainis ako dahil kahit anong gawin ko, nawala na talaga ang antok ko. 

"Aish! bwesit talaga!" sigaw ko ulit bago ako naupo sa pagkakahiga. Tiningnan ko kaagad ang alarm clock ko.

for goddamn sake! >___<
it's 5:56am. Ang aga aga pa talaga! ..and it's saturday! walang pasok ngayon kaya dapat natutulog ako buong araw pero dahil sa bwesit na call ng bruhang dianne na 'yon, hindi na ako makabalik sa pagtulog! tsk. Kainis!

Kulang pa naman ang tulog ko kahapon.. -_______-

At dahil hindi nga ako makabalik sa pagtulog naisip kong bumangon na lang at bumaba.

MagCocoffee na lang muna siguro ako.

Lumabas na nga ako ng room ko, tsaka ako bumaba ng hagdan. Tinungo ko ang kusina at pagpasok na pagpasok ko ay siyang paghinto ko naman dahil sa isang lalaking nakikita ko ngayon na nakaupo at umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. 

Teka? dumating na pala siya? O_____O

Lumingon naman ito sakin at tiningnan ako ng seryoso. Nakabusiness attire na din ito at mukhang papasok na ito sa trabaho.

"Oh. gising ka na pala." sabi niya sakin.

"dad." tawag ko sa kanya. "Kailan ka pa dumati-"

"umupo ka. May importante akong sasabihin sayo." pinutol na niya agad ang dapat ko sanang itanong sa kanya.

Bumuntong hininga na lamang ako tsaka ko sinunod ang utos niya.

*

"Po?!" biglang sigaw ko mula rito sa kusina ng marinig ko ang sinabi niya.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko cassandra. Sasamahan mo kong imemeet bukas ang kambal na anak ng mga delima." Ulit na sabi ni daddy sakin bago siya humigop uli ng kape.

She's My Man(girlxgirl) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt