Poging Danica

9K 291 14
                                    

Danica's POV

"Akin na.." sabi ko kay kambal sabay lahad ng kaliwang palad ko sa kanya.

"Ang alin?" Inosenteng tanong niya.

"Duh! Nagtatanong ka pa! Yong susi nitong condo at sa sports car mo. Ibibigay mo na sakin yon di ba? Tsaka, lumayas ka na rin dito sa Condo KO!" maarte kong sigaw sa kanya. At inemphasize ko talaga ang salitang "KO" sa kanya. Syempre, pumayag na ako sa kagustuhan niya kaya akin na ang pinakamamahal niyang condo. Bwahaha!

"Wow! Harsh mo naman kambal. Kung makapanglayas naman to! Di ka pa nga nagsisimula eh!" Natatawang sabi naman niya.

"Tsk! Whatever.." i just rolled my eyes at him sabay cross arms.

"Taray nito! Oh eto na. Sayong sayo na yan!" Ibinigay naman niya ang dalawang susi sakin at kara karaka ko na itong kinuha.

Excited na akong ipagdrive yong sports car KO! Hihihi.. ^__^

"Syanga pala, pagkatapos kong mag empake rito, punta na tayo ng mall. Ibibili na kita ng kailangan mong mga damit at kung ano pa para sa pagdidisguise mo bilang ako." Biglang sabi niya sakin.

"Yeah yeah kambal!" Walang gana kong sagot sa kanya.

"Wait kambal, hindi ba magagalit sina mom at dad na ibinigay mo itong condo at sports car mo sakin?" Taka kong tanong sa kanya.

Nakalimutan ko palang tanungin yon sa kanya.

"Hmm.. ewan! Basta, ako na bahala doon kambal. Don't worry!" Ngiti niyang sagot bago niya sinarado ang zipper ng maletang nilagyan niya ng mga damit niya.
"I'm done.. let's go na kambal!"

at hinila na nga niya ako agad palabas ng condo KO!

Geez! Ang sakit ng pagkakahila niya! Nakaheels kaya ako! >___<

---

"Hoy kambal, ano bang bibilhin natin sa mall?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa unahan. Nagmamaneho kasi ako gamit ang sports car KO.

"Mga damit na kailangan mo. Tsaka, mga wig na rin" sagot niya sabay ngiti sakin.

Tinaasan ko nga siya ng kilay sa narinig ko.
"Wig? Seriously kambal? Ano naman gagawin ko sa wig?"

"Kakainin mo kambal.." sarkastikong sagot niya sakin.

"Duh! Whatever kambal!" I just rolled my eyes at him at nagfocus na lang sa pagmamaneho.
Walang kwenta kausap tong kambal ko. Letse! >____<

"Tsk, kung nagtatanong ka kung anong gagawin mo sa wig, susuotin mo yon sa ulo mo kambal! at saka, ayaw mo naman sigurong putulin yong buhok mo para magmukhang ako di ba?" Sabi niya sakin.

"Hell no kambal! ayoko noh! Ang ganda kaya ng buhok ko para putulin lang.." sigaw ko naman sa kanya.

"O edi bili na lang tayo ng wig.. at kambal, wag ka ng magbago ng isip ha.." ngiti niyang sabi.

"Tsk! Oo na!" Walang gana kong sagot sa kanya.

--

Ilang minuto din akong nagdrive nang makarating na kami sa mall. Sabay na rin kaming pumasok sa isang botique na nandoon.

Hinayaan ko na lang na ang kambal ko ang mamili ng mga damit. Siya lang din naman ang nakakaalam sa mga style niyang damit e.

After niyang mamili, ay isa isa ko na itong sinukat.

Nakasimangot lang ako habang sinusukat ito at pinapakita sa kanya ang mga damit na napili niya.

Nakakainis lang kasi! Ang sakit na ng paa ko sa ginagawa ng kambal ko sakin.
Mukhang nag eenjoy ata siyang nahihirapan ako! Psh! Letse!

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now