AVOIDANCE

5K 213 153
                                    

Cassandra's POV

"Hey girl, are you okay? kanina ka pa nakasimangot diyan at tahimik?" takang tanong sakin ni grace dito sa cafeteria.

Tiningnan ko siya ng nakasimangot pa din at binalik ko ulit ang tingin ko sa spaghetti na inorder ko kanina, ni hindi ko na nga sinagot dahil sa inis ko.

argh! kainis talaga! bakit ba hindi pa dumadating yong si dani? kanina ko pa kaya siya hinihintay.. ilang oras ba siyang nag cr? tsk! parang babae ata yon kung kumilos eh, daig niya pa ako! siya kaya may dahilan kung bakit sumabay ako sa kanilang kumain >____< gusto ko lang namang patunayan sa kanya na totoo sinabi kong gusto ko siya. Bakit kaya ayaw niyang maniwala don? tsk!

Ang swerte na nga niya dahil nagkagusto ako sa kanya.. minsan lang kaya ako nagkakagusto at umamin sa nararamdaman ko tapos ayaw pa niyang maniwala? grabe lang!

Nakasimangot akong napatingin sa dalawa kong kaibigan at wow lang ha? mukhang masaya pa silang kausap yong nga kaibigan ni dani, habang ako dito parang ewan lang na nakasimangot! unfair naman! nasaan na kaya yong dani na yon? grrrrrrrr! >_____<

"Bro.. kanina pa si dani nagcr ah? bakit di pa rin siya dumadating?" rinig kong tanong ni james sa katabi niyang si kiko.
Kilala ko na silang lahat dahil nagpakilala sila sakin kanina lang..

Of course, gusto ko ding makipagclose sa mga kaibigan ni dani..di ba? malay mo, pagnaging close ko na sila.. tutulungan nila akong mapalapit sa kanya at syempre botong boto din sila sakin.

"Di ko rin alam bro eh, sandali lang.. pupuntahan ko na lang" ngiti nitong sabi sa kanya.

Napangiti naman ako sa narinig ko.. pupuntahan niya? sana naman pumunta yon dito para makatabi ko na siya ^______^

Yiiiiiiih! kinikilig na ako sa mangyayari kung katabi ko na siya! ^\\\\\^

Minsan lang ako kinikilig pero wagas eh!

"Girl, you sure your okay?" napatingin na naman ako kay grace ng magtanong ulit siya.

"Yeah, i'm okay." sagot ko sa kanya.

"Okay? talaga bang okay ka? nakangiti ka kasing mag isa tapos kanina lang nakasimangot ka.. weird mo ngayon." kunot noong sabi niya sakin.

Mas lalo lang akong napangiti sa kanya at hindi ko na siya sinagot pa.

Ilang minuto na ang nakakalipas at malapit ng matapos ang lunch at di pa rin dumadating si dani. Tsk! ba't ang tagal naman ata non? >_________<

naiinip na ako ah!!!

Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na busy sa pakikipagkwentuhan sa mga boys. Tsk! ang saya nila! -_______- bwesit!

"Oh andito na pala sila eh, daniiii!"

Biglang nabuhay ang katawang lupa ko ng marinig ko ang pagtawag ni france sa pangalan ni dani.

He's here! O______O

Agad akong lumingon sa entrance ng cafeteria at doon, nakita ko nga ang lalaking kanina ko pa hinihintay at ang gusto ko. Naramdaman ko na naman ang puso ko na alam kong di pangkaraniwan ang tibok para lang sa kanya.

Di ko mapigilang mapangiti at mapatayo para lang makita siya ng malinaw. Tanging sa kanya lang nakatitig ang mga mata ko habang papalapit ito sakin este.. sa table pala namin -________-

"Bro san ka ba galing? kala ko nagCr ka, ba't ang tagal mo? Malapit na tuloy matapos ang lunch." biglang sabi ni nico sa kanya ng tuluyan na silang makalapit sa table namin.

"May ginawa kasi tong si dani, kaya natagalan" si kiko na yong sumagot.

"ginawa? anong ginawa mo dani?" kunot noong tanong naman ni james dito.

"Tsk! andami niyong tanong guys eh, pwede bang paupuin niyo muna yong tao para makakain naman?" Biglang sabi ni alfred sa kanila.

"yeah right! big deal ata sa inyo kung saan pumupunta yang kaibigan niyo." singit naman nitong maarte kong kaibigan na si dianne.

"Ganito kasi kami.. kaibigan namin siya kaya dapat lang alam namin kung saan siya pupunta" poker face na sagot ni nico sa kanya.

"Whatever" dianne rolled her eyes bago niya ininom yong drinks niya.

"Ahmm. Guys, di na ako kakain. Ang totoo niyan, busog pa talaga ako." biglang sabi ni dani sa lahat.

"Hey! di ka dapat nagsiskip ng lunch, baka magkasakit ka nyan dani." alala ko namang sabi ko rito.

Napansin ko naman lahat sila tiningnan ako na may halong pagtataka sa mga mukha nila.

Ano bang problema ng mga to? -_____-

"okay na ako.." poker face nitong sagot sakin.

"But..." May sasabihin pa sana ako ngunit naputol ito ng magsalita muli siya.

"Mauna na ako sa inyo sa classroom guys ha? total busog pa naman ako at malapit na ang klase eh." ngiti nito sa mga kaibigan niya.

Bigla naman akong napasimangot dahil di niya pa ako pinatapos sa sasabihin ko! At the hell lang! aalis na siya? ni hindi nga siya sumabay saming magLunch. Kaya nga ako sumabay at nagtitiis na makasabay ang mga kaibigan niya para makasama siya at makausap, tapos ganun na lang? Parang wala lang nangyari eh! tsk! nakakaletse ah >_________<

iniiwasan niya talaga ako! kainis.

"Ganun ba bro? Oh sge..mauna ka na don. Tataposin lang namin tong kinakain namin." sabi ni alfred.

"Ako din, sasama na lang din ako kay dani" ngiti ni kiko sa kanila.

Sabay na nga silang dalawang tumalikod at tuluyang lumabas ng cafeteria.

Argh! bwesit talaga! nakakawalang gana talaga pinapakita niya sakin! gusto ko lang naman ipakita sa kanya at patunayan na gusto ko talaga siya at nagsasabi ako ng totoo tapos iiwasan niya pa ako?

"Oh? girl.. san ka pupunta?" Kunot noong tanong ni grace ng mapansin niyang napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"Labas muna ako sandali.." inis kong sagot at walang lingong likod na naglakad palabas ng cafeteria.

Paglabas na paglabas ko ay nakita ko agad sila sa di kalayuan na naglalakad sa gitna ng hallway, mukhang papunta sila ng elevator paakyat sa classroom nila. Napansin kong tumigil sila sa paglalakad, nag usap sila at biglang umalis si kiko.

Hmmm.. tamang tama! pagkakataon ko ng makausap ulit siya ^______^

Nagsimula na akong tumakbo papalapit sa kanya. Hindi niya ako makita kasi nga nakatalikod siya sakin.

Dani/Danica's POV

"dani" narinig kong tawag sakin mula sa likod ko matapos umalis ni kiko para daw magCr. Agad ko namang nilingon ang taong iyon at ang nakangiti kong mukha kanina ay naglaho muli ng mapagtanto kong si Del Rio ulit ito.

Kailan ba ako titigilan ng babaeng to?

"Del rio, ano na naman ba?" irita kong tanong sa kanya.

"Ahmm.. gusto lang kitang makausap Dani" Sagot naman nito sakin.

"makausap? ano? sasabihin mo na naman bang gusto mo ko? at sa tingin mo ba papaniwalaan ko yan?" sabi ko dito. Kainis kasi eh! imposible namang magustuhan niya ako, eh inis na inis nga ito sakin diba? tsk.

"bakit ba ayaw mong maniwala dani? sa tingin mo ba mag eeffort akong kausapin ka ngayon? Dani.. I Like you" mukhang inis na niya sabi sakin.

Napatigil naman ako sa kinatatayoan ko sa huli niyang sinabi.






To be continued...

A/N: SHORT CHAP LANG PO ITO, NAWALA PO YONG GAWA KO EH, SORRY PO TALAGA :( Bawi po ko sa next chapter :(

[Typo errors]

- YourNotMyType14 -

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now