He knows

6.6K 254 12
                                    

====> this is it! Pansit! ^__^
Sorry kung pinaghintay ko kayo guys! Busy na naman sa school eh! At thank you sa lahat ng bumoto at nagcomment, pati na rin sa nagfollow sakin! Mwah :*
****************************************************************

Danica's POV

Kriiiing!
Kriiiiiiing!
Kriiii-

Pinatay ko na agad ang alarm clock ng marinig ko ang malakas na tunog nito. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko habang nakahiga pa rin ako sa kama.

Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog ngunit naalala kong friday pala ngayon at may pasok pa pala.

Matagal kasi akong nakatulog kagabi dahil sa malaanghel na mukha ng isang babae na basta basta na lang pumapasok sa isip ko. Simula kasi ng matitigan ko ang mukha niya kagabi habang natutulog ito ay hindi na ito nawala sa isipan ko.

Yong perpektong hugis at kinis ng mukha niya, ang mga asul niyang mata, ang matangos niyang ilong, pati ang... mapupula niyang labi -

"Aaaaaurrrgh! Kainis naman! Bakit di ko malimutan ang mukha ng babaeng 'yon sa isip ko!?" Inis kong sigaw. Hindi ko na rin napigilang mapaupo mula sa pagkakahiga sa kama. Parang nawala na rin ang antok ko ng marealize kong naiisip ko na naman ang mukha niya.

Grabe! Hindi ko na talaga naiintindihan kung ano itong nangyayari sakin! Nakakainis na!

Ano bang meron, bakit ako nagkakaganito? Argh! Bwesit talaga! >___<

Huminga ako ng malalim tsaka ko ipinikit ang mga mata ko at umiling iling.
"Umayos ka danica! Wa'g mong isipin ang babaeng 'yon, ang dapat mong isipin ay ang pagpapanggap mong ito!" Sabi ko na lang sa sarili ko at iwinaksi sa isip ko ang imahe ng mukha ng babaeng kanina pa nasa isip ko.

Nang iminulat ko na ulit ang mga mata ko ay agad akong tumingin sa alarm clock.

"Shit!" I curse ng makita ko kung anong oras na pala ngayon.

Its 7:27am..

Hindi ko na pala namalayan ang oras... at dahil 'yon sa babaeng bruha na iyon!

"Arrghh! I'm freakin' late!" Sabi ko at mabilis kong tinungo ang banyo at tuluyang pumasok. Nagmamadali kong ginawa ang dapat kong gawin, tsaka ako lumabas at nagbihis.

Matapos ang lahat lahat ay chineck ko na muna ang hitsura ko sa salamin at ng makuntento na ako sa hitsura ko ay kinuha ko na ang susi ng sports car ko sa study table, tsaka ako lumabas.

Hindi na din ako nagabalang magBreakfast pa dahil sa pagmamadali at baka malate na rin ako sa unang klase ko.

Nasa loob na ako ng elevator pababa patungong parking area ng marinig kong tumunog ang pink phone ko na nasa loob ng bag ko.

Itinatago ko lang kasi ito sa loob para di makita ng tropa ni dani at baka din makahalata pa sila.

Matapos kong kunin ito sa loob ay tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag.

*Momskie calling...*

I cleared my throat first.. bago ko ito sinagot.

"Hello mom.." bungad kong sabi sa kanya.

"Hello dear.. how are you?" Masiglang tanong ni mom.

"I'm always okay mom. Eh kayo ni daddy diyan?" Sagot-tanong ko din sa kanya.

*Ding!*

Narinig ko naman ang tunog ng elevator tsaka ito bumukas. Lumabas agad ako at naglakad patungo sa sports car ko.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now