Prologo 2

11.6K 355 11
                                    

Danica's POV

"What?! Oh hell no kambal! Never kong gagawin iyan! Are you crazy!?" Sigaw ko mula sa pagkakaupo ko sa sofa dito sa condo ng kapatid kong kambal.

"Sige na kambal! Please please please?! Pumayag ka na.. kailangan ko lang talagang gawin to. Please kambal? You love me right? Pumayag ka na!?" Pagmamakaawang sabi ni Dani Ray Delima.. ang kapatid ko, at ang kambal kong lalaki.

"No way! A-Y-O-K-O! at sino bang baliw ang papayag sa gusto mo kambal? me? Magpapanggap bilang ikaw?! What the- seriously? Kung ganyan lang pala ang gagawin ko dito sa pilipinas, e di sana hindi na lang ako pumunta rito para magbakasyon at nag stay na lang ako sa new york together with mom and dad!" Maarteng sigaw ko sa kanya.

And Yes! Tama ang pagkakabasa niyo. Nakiusap ang kambal kong ito para magpanggap bilang siya. At higit sa lahat, pumasok sa skwelahang pinapasukan niya dito sa pilipinas. Ang Jose Del Rio university.. ang pinakasikat na skwelahan sa buong pilipinas.

Pero ang kambal ko lang ang nag aaral dito, at ako? Nah! Sa new york ako nag aaral.. mas gusto ko kasi sa ibang bansa mag aral kesa dito sa pilipinas, ang kambal ko lang naman ang gustong mag aral rito.
Vacation na din kasi doon kaya nagdecide akong magbakasyon na muna rito sa pilipinas at bisitahin ang kambal ko. Pero di ko namang inaasahang ganito pala ang bubungad sakin pagdating ko rito. The eff lang! -____-

"Sige na kambal! Pumayag ka na! Kahit 1month lang.. at saka, kailangan mo lang naman pumasok sa school ko bilang ako, para hindi ako bumagsak, para din malaman nina dad at mom na pumapasok pa rin ako sa school.. At kailangan ko lang ding pumunta ng singgapore para sa battle of the band, please?! Hindi kasi pwedeng hindi ako sumama, Ako ang vocalist ng banda e! Please!" Pagmamakaawa na naman ulit ng kambal ko habang nakaluhod na ito sa harapan ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kambal? Ayoko nga! At bakit hindi ka na lang mag excuse sa school mo na aalis ka? Tapos, idadamay mo pa ako sa kalokohan mo!" Inis kong sigaw sa kanya.

"Hindi pwede kambal eh! 1 month akong absent ganun? E di bagsak ang grade ko! Tsaka, mananagot ako kay mom and dad pag nagkataon!"

"E di wag ka na lang umalis! Mag aral ka na nga lang kambal! Letse! Wag mo akong isasama diyan sa mga kalokohan mo!"
Bwesit talaga e! Nakakabeast mode lang itong ginagawa ng kambal ko.
Alam kong importante sa kanya ang banda niya, at mahal niya ang pagiging vocalist niya.

And yes! May banda nga ang kambal kong ito dito sa pilipinas at sumasali sila sa mga pacontest pero hindi ko talaga ineexpect na, sasali sila ng battle of the band sa singgapore.

"Kambal naman eh! Maawa ka naman sakin. Hindi mo ba ako tutulungan? Kambal mo ako di ba? Sige na!" Pamimilit na naman niya sakin.

"Bakit ba kasi kailangan ko pang magpanggap kambal, ha?" Inis kong tanong sa kanya.

"kasi kambal tayo." Sagot niya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin ako sa kanyang nakaluhod pa rin sa harapan ko.

Ano bang klaseng sagot yon? -___-

"kambal tayo? Yon lang?! Mag isip ka nga kambal, mag didisguise ako bilang ikaw, bilang isang lalaki.. e ni hindi ko nga alam pano magkilos lalaki eh. Girl ako kambal. Hindi ako pwede! Alam mong delikado iyan kambal, pano na lang kung malaman ng mga tao doon sa skwelahan niyo? Sino ang mananagot? Ako? At ikaw?! Tsk! No way highway! Basta ayoko talaga!" Sigaw ko na naman sa kanya.

"Kambal naman! Pumayag ka na kasi! Ano bang gusto mo para pumayag ka lang? Gagawin ko talaga! Ano? Gusto mo ba ibigay ko sayo yong sports car ko? Diba matagal mo ng gusto yon?" Ngiti sabi niya sakin.

Napalingon naman ako sa kanya ng wala sa oras sa narinig ko.

Right! Gusto ko talaga yong sports car niya na ineregalo ni dad nong 16th birthday namin, at yong sakin naman ay isang mamahaling bag na binili pa nila sa paris. Pero what the hell lang! Unfair lang talaga yon! Sports car sa kanya at sakin isa lang bag? Tss. Nainis nga ako noong panahong yon eh!
At ayaw ko ng maalala yong birthday naming yon!

Nagreklamo pa nga ako sa parents namin at ang sinabi lang nila.." Baby, di pwede .. hindi ka namin pwedeng bigyan ng sasakyan. Ayaw naming maaksidente ka" yan yong sabi ni dad at mom sakin.

Pero kahit na! Kahit gusto ko yong sports car niya, hindi pa rin ako papayag! Magkamatayan man. Chos!

"Ayoko!" Deretsong sagot ko.

"Wow! Ayaw mo talaga? O sige! Sayo na rin tong condo ko kung gusto mo basta pumayag ka lang!" Sabi ulit niya.

"Seriuosly kambal? Dahil diyan sa pacontest na iyan, ibibigay mo tong mamahaling condo mo sakin?" di makapaniwalang sabi ko.

"Yup! Ano? Payag ka na?" sabi niya na nag niningning pa ang kanyang mga mata.

"Ayoko pa rin! Bahala ka!" Sigaw ko na naman sa kanya.
Aba! Hindi talaga ako papayag sa gusto niya noh! Sarili ko ang nakataya rito! Charot! Haha..

"So, ayaw mo talaga?! Seryoso?!"

"Ayaw nga! Ang kulit naman eh!" Nakakairita na talaga tong kambal kong ito. Sipain ko kaya to palabas? Psh!

"O e di wag! Bahala ka.. sayang naman yong inoffer ko sayo. Hm.. maghahanap na lang siguro ako ng iba. Tapos, ibibigay ko na lang din tong susi ng condo ko at sa sports car ko." Ngiti niyang sabi sakin.

"Wait kambal.. ibibigay mo talaga sa iba?!" Gulat ko tanong.

"Yup! Ayaw mo eh, sa iba na lang.."

"Arrrg! Okay! Sige sige! Payag na ako." Sabi ko sa kanya.
Hays! Wala akong magagawa kundi ang pumayag! Ayoko namang ibigay niya yong sports car sa iba at itong condo niya noh!

Sakin lang dapat niya ibigay.. tss!

Bahala na! Kung ano man kahihinatnan nito. Basta, mapasakin lang ang sports car niya at ang condong ito.

-EoP-

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now