The Favor

6.4K 280 40
                                    

A/n: ito muna ang pagtutuunan ko ng pansin bago 'yong ibang story ko. Hehe! Baka kasi mawala ako dito, pero kung may nagbabasa man ng ibang story ko ay sana makapaghintay kayo kagaya din ng paghihintay niyo sa UD nito. Salamat! ^__^

************************************************************************************************
Danica's POV

Ano na ang gagawin ko ngayon?!

Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway sa sinabi niya.

No! Kailangan kong gumawa ng paraan, kundi.. mananagot kami ni kambal nito.

"A-ahahahahahah! b-bro naman! B-bakit mo naman n-nasabing h-hindi ako si dani? N-nagpapatawa ka ba? Ha-hahaha!" Pinipilit ko na lang matawa kahit sa kaloob looban ko.. kaba ang nararamdaman ko.

Ngumiti lang siya matapos ko siyang pagtawanan, tsaka niya ininom ang choco coffee niya.

Huminto ako sa pagtawa tsaka ko siya nginitian. Ayokong mapansin niyang kinakabahan ako ngayon sa sinabi niya. Dahil baka mahalata niya ako..

Konting katahimikan ang namumutawi saming dalawa..

Matapos niyang uminom tsaka niya ako tiningnan at ngumiti ulit.

Mas lalo ata akong kinakabahan sa mga ngiting ipinupukol niya sakin ngayon..

"Hindi ko akalaing magsisinungaling ka pa sakin, ngayong alam ko na ang totoo." Sabi niya sakin habang titig na titig pa ito sakin.

Grabe! Nakakatakot talaga siya! >____<

Relax ka lang danica! Magdeny ka lang ng magdeny sa kanya!
Enhale.exhale.enhale. exhale!

"Bro naman! H-hindi naman ako nagsisinungaling.. ano ba naman ang panagsasabi m—"

"Yang mga ngiti mo..." pinutol niya na ang sasabihin ko.

Huh? Ngiti? Anong problema sa mga ngiti ko?

"A-anong ibig mong sabihin bro?" Ngiti kong tanong sa kanya.

" ang mga dimples mo sa magkabilang pisngi.... walang ganyan si dani." Ngiti muli niyang sagot sakin at halos gusto ko na lang umalis rito sa harapan niya at tumakbo papalayo.

Kung ganun... n-napansin niya pala? O___O

Unti unti namang naglaho ang mga ngiti sa labi ko.

Dapat ko na bang tanggapin na nabuking na ako? Dapat na ba akong umamin sa kanya? Hanggang dito na lang ba ang pagpapanggap ko? Kasi.. sa mga ngiti niya sakin ngayon, alam kong madami pa siyang napansin saking mali.

Hindi ko mapigilang mapayuko na lamang.. wala na akong magagawa kundi ang sabihin ang totoo..

Hindi ko na pala alam na may nakapansin na pala sa mga ngiti kong ito..

Pero Paano nato? Eto na ba ang katapusan ng pagpapanggap kong ito?

"Hindi talaga ako makapaniwalang tinuloy ni dani ang pagpunta niya ng singgapore."

Sa sinabing iyon ni kiko ay agad kong inangat ang ulo ko at nagtatakang tiningnan siya.

Alam niyang nasa singgapore si dani ngayon? Pero bakit? Bakit niya alam?

'B-bakit mo—"
Hindi ko na naituloy ang pagtatanong ko ng magsalita muli siya.

"Alam ko, dahil ako lang ang sinabihan niya sa lahat ng tropa namin." Muli niyang sabi.

Hindi naman ako makapagsalita matapos kong marinig iyon. Napanganga na lamang ako habang nakatitig sa kanya.

"Pero.. hindi talaga ako makapaniwalang nagawa niyang utusan ang kambal niyang kapatid na isang babae para lang magpanggap na maging siya... alam niyo bang delikado iyang ginagawa niyo?" Tuloy tuloy niyang sabi sakin.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now