Guilt

6.3K 221 5
                                    


A/n: hi guys! I'm back. ^_^ by the way, i have another girl to girl story nga pala.. and i need your approval kung pwede ko po ba siyang ituloy..

Title: TWISTED SPELL & The Sexy Girl Next Door. (GXG)
doon na lang po kayo magComment! ^__^

Ps. Prologue pa po ang nagawa ko do'n.

   THANKS! ^__^ lovelots! :*
************************************************************************************************

Cassandra's POV

Matapos ang nangyari kanina sa cafeteria ay naisip kong sundan si monkey guy. Paglabas ko ng cafeteria ay nakita ko pa siya sa gitna ng hallway habang paika ikang naglalakad. Nasa likod lang niya ako habang pinagmamasdan siya. Napansin ko ring may mangilan ngilang student ang tumitingin sa kanya, pero wala lang siyang pakialam at patuloy lang ang paglalakad nito hanggang makarating nga kami sa parking lot.

So, uuwi pala siya?

Sumandal ito sa isang sports car at mukhang nagpapahinga ito dahil sa ginagawa niyang paglalakad kanina.

Wala na akong inaksayang oras at nilapitan ko na siya.

May kailangan lang akong sabihin sa kanya..

Pinagmasdan ko muna ang kanang paa niya at kahit hindi ko ito nakikita dahil sa suot nitong sapatos ay feel kong namamaga na ito ngayon. May something na naman akong naramdaman dito.

I don't know pero.. naaawa ako and at the time may guilt din akong naramdaman sa kanya ngayon. Umiling iling na lang ako para mawala ang nararamdaman kong ito. Hindi ako pwedeng maawa at maguilty sa kanya!

"Siguro naman natuto ka na?" 'Yan ang unang lumabas sa bibig ko.

Nilingon naman niya ako at kitang kita ko ang pagdilim ng mukha niyang makita ako.

"Yeah, masaya ka na siguro.. masaya ka ng nakaganti ka na sakin dahil sigurado naman akong, ikaw nang utos sa mga ipis na iyon." Sabi pa niya sakin.

Nginitian ko na lamang siya, habang tinitigan pa rin niya ako ng masama.

"Kilalanin mo muna kasi kung sino ang tinanggihan at pinahiya mo kahapon delima." Sabi ko na naman sa kanya.

Gusto ko lang kasing malaman niya na mali ang binabangga niya. Na ang isang katulad ko ay hindi pwedeng tanggihan at pahiyain.

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at tinalikuran ako. Napakunot ang noo ko ng buksan niya ang pinto ng sports car.

Wait? Magmamaneho ba siya sa lagay niyang 'yan?

"W-wait! Magmamaneho ka?" Biglang tanong ko sa kanya.

Hinarap niya ako at nagsalita ulit siya.
"Oo, ano naman pakialam mo?"

What the! Magmamaneho nga talaga siya?! Paano na lang kung maaksidente siya sa kalagayan niya ngayon? Tapos, ako pa ang sisihin.. shit!

Pipigilan ko pa sana siya ngunit.. pumasok na ito sa loob at pinaharurot agad ang sasakyan niya.

Shit! Nataranta naman ako kung ano ang gagawin ko!

Baliw talaga! Paano na lang kung maaksidente talaga siya? Konsensya ko pa! Kainis! >___<

Wala na akong ibang maisip kundi sundan na lang din siya. Dali dali kong pinuntahan ang kotse ko at pinaharurot agad agad ito.

Nakasunod lang ako sa kanya sa likuran niya. Minsan naman, humihinto ito sa gitna ng daan at ilang segundo rin ay aabante na naman.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now