Weird Feelings

6.1K 208 10
                                    

A/n: short chap lang ito, kaya pagpasensyahan niyo na.. sana magustuhan niyo pa din! ^___^

Ps. Typo errors √√√

Lovelots :*

************************************************************************************************

Cassandra's POV

Matapos nila akong iwan ritong nakatayo pa rin ay napagdesisyonan ko na lang pumasok ng classroom namin.

Hindi naman ako pinansin nong teacher namin ng pumasok ako. Malamang, takot lang niyang mapaalis siya rito sa school at baka siya mapagdiskitahan ko sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon. 

Diba dapat masaya ako sa nakita ko at nangyari sa kanya kanina? Pero eto ako ngayon, naiinis at nagagalit! Peste!

And yes! Naiinis ako! Naiinis ako! Nagagalit ako! Naiinis at nagagalit ako sa sarili ko, dahil sa nararamdaman ko ngayon!

Lungkot..

Ewan ko ba kung bakit nararamdaman ko ngayon iyan! Simula nong sinabi ng monkey guy na iyon ,na hindi ako importante sa kanya , yan na nararamdaman ko! Peste talaga!

Pakialam ko ba kung hindi ako importante sa kanya? Eh, mas lalo naman ako noh! Hindi din siya importante sakin. Bwesit siya! Pero bakit ba ako nalulungkot ng ganito? Ugh! Nakakainis na talaga! >_______<

'Yong monkey guy na iyon, siya may kasalanan kung bakit ang weird ng nararamdaman ko ngayon! Bakit ba palagi na lang niya akong iniinis at ginagalit?!

Arrrrgh! Siguradong magsisisi siya!

Mapapalayas rin kita rito sa school monkey guy!

Padabog akong umupo sa sarili kong upuan katabi yong dalawa. Nagsitinginan naman ang ibang pesteng kaklase ko matapos kong makagawa ng ingay, pero pinanlakihan ko lamang sila ng mata.
Wala na naman ako sa mood magsalita ngayon. Kainis!

Agad naman nilang iniwas ang mga tingin nila sakin at nakinig na lang sa nagtuturo sa harapan.

"Whoa girl! Mukhang wala ka sa mood ngayon ah!? Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni dianne.

Sinamaan ko siya ng tingin..

Alam pala niyang wala ako sa mood, nagtatanong pa kung anong nangyari kanina! Nambwebwesit na naman ba to?! Peste! >___<

"Tumahimik ka dianne, kung ayaw mong masipa kita palabas rito sa classroom!" Pagpipigil ko ng galit sa kanya.

"Grabe ka naman girl! Ang init masyado ng ulo mo!" Gulat niyang sabi sakin.

"Isa!" Sabi ko at pananlakihan ko na siya ng mata.

"Oo na girl! Tatahimik na! Geez! Nakakatakot ka! Makikinig na nga oh! Makikinig na ako kahit boring! Tch." Simangot niyang sabi sakin. Narinig ko namang tumawa ng mahina si grace sa tabi niya kaya sinamaan din niya ito ng tingin.

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

——

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*
(Lunch time..)

Andito na kami ngayon sa cafeteria.. Tahimik pa rin akong kumakain, dahil wala pa rin ako sa mood magsalita.
Narinig ko namang nagsalita si dianne kaya hininto ko muna ang ginagawa ko.

"Girl, look oh! Si cute guy andito na." Turo ni dianne sa entrance ng cafeteria. Tiningnan ko naman agad ito, tama nga siya. Andito na din siya..

Papasok siya kasama 'yong limang kaibigan niyang saging. Naghahanap ata sila ng puno—i mean.. mauupuan pala at nang makahanap na sila ng bakante ay umupo na kaagad sila roon.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now