First Time

7.5K 264 7
                                    

Danica/Dani's POV

"Hindi ako makapaniwala"

"Talagang hindi ako makapaniwala.."

"Talagang talagang hindi ako makapaniwala.."

"Talagang talagang talagang hindi ako makapaniwala.."

"Mas hindi ako makapaniwala.."

Yan ang naririnig kong sabi ng limang gago sakin. Andito pa rin kami sa cafeteria ngayon. Wala na din daw pasok dahil buong araw daw ang meeting ng mga teachers sabi nong ibang estudyante. Kaya nga yong iba ay nagsiuwian na.. at yong iba naman, nagtatambay na lang muna dito sa cafeteria.

"What?" Takang tanong ko sa kanila.

"Bakit mo ba ginawa yon bro?" Tanong agad ni nico sakin.

"Ginawa? Ang alin?" Maang maangan kong tanong.

"Yong ginawa mo kay cassandra? Tch. Sa inasta mo kanina bro, parang hindi mo siya kilala." Pailing iling na sabi niya sakin.

"Oh, tapos?" Tanong ko na naman sa kanila.

Talaga namang di ko kilala ang babaeng 'yon! At wala akong balak kilalanin siya.. -_____-

"Anong tapos? Bro naman! Anak ng nagmamay ari ng school ang pinahiya mo sa buong student dito sa cafeteria, baka nakakalimutan mo!" Singit naman ni alfred.

Huh? Anak ng.. ano? Nagmamay ari ng school?
Ah! ba't ngayon ko lang naisip yon? Na Del Rio pala si Cassandra. So siya pala ang anak ng isa sa sikat na negosyante dito sa pilipinas. Si Jose Del Rio.

Yes! Kilala ko ang nagmamay ari ng school na ito, syempre.. he's one of my dad's friend. At hindi ko alam na may anak pala ang Jose Del Rio na yon. Hmp! Isang maarteng anak! Tss! Kaya pala sikat din ang babaeng iyon.

"Kitang kita sa mukha niya kanina ang galit sa ginawa mo bro. Tsk tsk tsk! Alam kong maghihigante 'yon sayo." Singit din ni james sakin.

Edi maghigante siya! Pft. Pakialam ko?

"Okay.. then, Go! Don't Care" walang kagana gana kong sagot sa kanila.

"Hays! Ewan namin sayo bro!" Pailing iling ring sabi ni alfred sakin.

*Riiiiiing!
*Riiiiiing!
*Riiiiiiiing!

Natigil naman ang paguusap namin ng tumunog bigla ang phone mula sa kaliwa kong bulsa. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Twin Brother Calling....

Oh? Si kambal? Mukha atang andoon na ata siya sa singgapore ngayon.

Tumayo muna ako at lumayo sa kanila at sinagot agad ang phone ko.

"Hi Kambal? Kamusta? Hindi ka naman siguro nabuking agad?" Yan ang unang pambungad niya ng sinagot ko ang ang tawag niya.

"Ahm.. yeah kambal. Hindi naman. Muntik lang." Bulong na sagot ko sa kanya. Baka mamaya, kung lalakasan ko ang boses ko, may makarinig pa sakin.

"Huh? Muntik lang? Bakit?"

"Hay naku kambal. Sa boses mo pa lang, ang hirap na kayang gayahin. Buti na lang.. stupid 'yong mga friends mo at hindi na ata nila napansin na iba na 'yong boses ko sa boses mo." Sagot ko sa kanya in maarte tone.

"Ah ganun ba? Hehehe! Nakilala mo na pala ang mga tanga kong friends. Hahaha! hayaan mo na lang."

"Yeah right! Parang ikaw lang kambal. Nagmana ka ata sa kanila eh!"

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now