S.H.I.T Day!

5.4K 194 4
                                    

Cassandra's POV

*Kriiiiiiiing!*

Narinig na lang namin ang tunog ng bell hudyat para sa susunod na subject. Kaya wala kaming magawa kundi umakyat at bumalik na lamang ng classroom mula sa pagtambay sa isang bench.

Sabay kaming tatlong sumakay ng elevator at pinindot ang 5th button.

*Ding!*

Bumukas ang pinto ng elevator, saka kami lumabas. Habang naglalakad na kami patungong room ng class B para pumasok ay napahinto naman agad ako ng makita kong papalabas si gino kasama ang tatlo niyang puppet sa cr ng mga boys.

Tawa sila ng tawa habang papalabas..

Hm? Mukhang may ginawa na naman sigurong kalokohan ang mga 'to!

"Uy girl, si gino and his 3 puppet oh!" Pansin ni dianne habang itinuturo ito.

"I know dianne..Hindi ako bulag!" Sabi ko sa kanya, saka ko siya inirapan.
Sumimangot lang ito sa sinabi ko ngunit hindi ko na lamang ito pinansin.

Natigil naman ang pagtatawanan nila ng makita ata ako ni gino. Agad gumuhit ang ngiti nito sa labi at lumapit sakin.

'Hey my princess.." sabi niya sakin.

"Hi girls!" Sabay sabay naman na sabi nong mga puppet ni gino saming tatlo.

Ngumiti lang 'yong dalawa kong friends sa kanila, at hindi man lang nagsalita.

"So gin, nagsisimula ka na ba?" Ngiting tanong ko sa kanya.

"Yeah.. hahaha! Pumunta ka na lang ng cr. Paniguradong lalabas na siya maya maya lang. Sigurado akong matatawa ka sa hitsura niya." Tawang tawang sabi niya at halatang proud pa siya sa ginawa nila.

Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi niya.
Ano kaya ginawa niya sa monkey guy na 'yon?

"Kung curious ka talaga prinsesa ko, pumunta ka na lang doon at hintayin mo siyang lumabas." Ngiti pa niyang sabi. "Sige, aalis na muna kami.. maiwan na muna namin kayo. Saka, don't worry my princess.. simula pa lang 'yang ginawa namin sa kanya. Bye!" Mapang akit pa niyang dadag sakin.

Inikutan ko lamang ito ng mata. Tss! Ang landi talaga niya! Nakakakilabot! =_______=

Sumenyas na din siya sa mga puppet niya na umalis na. Nang makaalis na nga sila ay agad kong hinarap ang dalawang friends ko.

"Mauna na muna kayong pumasok sa room. Titingnan ko lang 'yong sinasabi niya." Sabi ko sa dalawa. Sumunod naman sila at naglakad na papalayo sakin.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now