Sea You Again [COMPLETED]

By LexInTheCity

12.5K 649 685

(R-18) May dahilan kung bakit gustong-gusto ni Sharla ang dagat kahit sa totoo naman takot na takot din siya... More

▪️Itineraria▪️
Hello
1. What's Up?
2. You Alright?
3. Not Too Bad
4. Happy Birthday!
5. Let's Go
6. Tata For Now
7. Where Is She?
7. Where Is She? (2)
8. Please Don't Fall
8. Please Don't Fall (2)
9. Get Lost
10. I'm Sorry
10. I'm Sorry (2)
11. Good Evening
12. Let's Have A Dip
12. Let's Have A Dip (2)
13. Let's Play!
13. Let's Play! (2)
14. Goodnight, Best Friend
14. Goodnight, Best Friend (2)
15. Sleep Tight (1)
15. Sleep Tight (2)
15. Sleep Tight (3)
16. No, I'm Not Sleepy
16. No, I'm Not Sleepy (2)
17. Call Me Maybe
17. Call Me Maybe (2)
18. Nice To See You Again
18. Nice To See You Again (2)
19. Back to the Future
19. Back to the Future (2)
20. The Past and the Precious
20. The Past and the Precious (2)
22. Against All Odds
22. Against All Odds (2)
A Friendly Reminder
23. Stay Strong
24. Goodbye To You
24. Goodbye To You (2)
▪️Save Our Ocean
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Epilogue (Part 3)
Epilogue (Part 4)
▪️Acknowledgment
▪️R-D 4 UR NXT ADVENTURE?
▪️Want More?

21. You Drive Me Crazy

181 10 9
By LexInTheCity

Habang kausap ni Sharla si Jarvis sa Kismet Cafe, kanina pa pala siyang pinapanood ng hinihintay na kliyente. Nasa bandang likuran ito ni Sharla malapit sa may pintuan. Narinig na rin nito ang asaran ng dalawa. Kaya naman lalong nadagdagan ang pag-aalinlangan niya na lumapit kay Sharla. Sinabi niya lang dito na baka ma-late siya ng mga 30 minutes kahit kanina pa siyang nasa labas ng cafe dahil sa kinakabahan pa at hindi pa rin sigurado kung kaya nang harapin ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalamang siya ang kliyenteng kikitain. Lalo siyang kinabahan nang mahuli na siya ni Jarvis na nakatingin kay Sharla. At dahil doon alam niyang hindi na siya maaaring mag-back out. Kailangan na niyang tuluyang harapin si Sharla.

"Hey. Ikaw si Ms. Leon?"

"Y-yes. Bindi Leon. It's been a while. Kumusta?"

Bakit nga ba niya hindi makikilala si Bindi? Sa tindi ng pinagdaanan nila sa Kota Kita at sa Isla Matambu, hinding-hindi niya ito malilimutan. Isama pa ang mga pinagdaanan nila noong highschool. Nagbago man ang haircut nito, nakilala niya agad ito kahit sa unang tingin pa lang. Kaya naman nang tuluyang magtagpo ang mga mata nila ni Bindi, hindi maaalis kay Sharla na magbalik-tanaw sa nakaraan, noong mga oras na magkakasama pa sila sa isla.

***

"Bakit sinabi ko bang lahat kayo ay kasama?" Nang sinabi ito ni Bindi, lumatag ang hilakbot sa mukha ni Beej kaya muli itong napakapit sa braso ni Manzo.

"Ano na naman Bindi?" untag ni Kren dito.

"What is it that you want?" segunda ni Sharla.

"Bakit, gusto mo bang magpaiwan? Gusto mong mag-volunteer?" mataray na usal ni Bindi. Natigilan si Sharla dahil sa naturan ni Bindi. Pero kahit nag-aalinlangan, lalakasan na sana niya ang loob na sumang-ayon dito ngunit nagpatuloy si Bindi sa pagsasalita," But I won't do that to an old friend. Forget about my condition. Nakapagdesisyon na ako."

Nag-angat din ng tingin si Kren at humarap sa dako ni Bindi. "Tama na, Bindi. Let's all go back to Kota Kita. Habang maaga pa at hindi pa ganoong kalakas ang alon. Please. Kung ano mang problema, dun natin pag-usapan."
"Sweet," sagot nito nang ikunot ang baba at ilabas ang lower lip habang nakatiklop ang mga mata. "Even Manzo can never change my decision," dugtong nito nang ibalik ang seryosong mukha.

"Please," subok ni Manzo.

"My decision is final. At si Alvin ang maiiwan dito."

Lahat ay nagulat dahil sa sinabi ni Bindi maliban kay Alvin. Hindi na talaga nila ma-expect ang mga pinaplano ni Bindi ngayon. Ang nag-iisang tao lang naman sa isla na marunong magmaneho ng bangka ang gusto niyang iwan.

"Why Bindi? So sinong mag-ooperate sa bangka? Kelan ka pa natutong...?"

"Well," putol nito kay Kren. "Anong maggagawa ko kung hindi na makakasama si Alvin. He has other plans here. 'Saka mas madaling patakbuhin ang pump boat, bubuhayin lang ang motor, ayos na. Right, Alvin?"

Tumango si Alvin at sinimulang buhayin ang motor ng bangka. Nang mahila ang rip cord, tuloy-tuloy na ang smooth na pagtakbo ng makina.

***

Kung hindi nagpresenta si Sharla na siya na lang ang mag-ooperate sa bangka, marahil ay nasa islang iyon pa rin sila. Kinausap muna nito si Alvin bago umalis ng isla.

Hindi man nagsasalita, alam ni Kren sa sarili na hindi niya hahayaang si Sharla lang ang mag-ooperate sa pambot. Babantayan niya ito at tutulungan sa inakong duty kahit mahirap sa kanya. Lingid sa kaalaman ng lahat na kaya may takot si Kren sa pag-ooperate ng bangka ay dahil sa isang traumatic na karanasan nito noong bata. Kaya kahit madalas itong magbakasyon sa isla at mahilig mag-surf, kinikilabutan pa rin ito sa tunog ng motor ng bangka.

First time din ni Sharla na mag-operate ng isang pambot (pump boat). Bilang ito naman ang pinaka-madalas gamitin sa bansa, sa pangingisda man o sa transportasyon, naging pamilyar na rin si Sharla sa parts nito. Doon siya pumuwesto sa harap ng motor na siyang nagpapatakbo sa bangka. Mas lumakas naman ang loob niya nang mapansin sa tabi niya ang dalawang binata na tila ba'y mga body guard niya. May pa-abs pa ang mga ito.

Mabuti na nga lang at sa madalas niyang pagsakay ng bangka noon madalas din niyang napapanood kung paano ito patakbuhin ng mga bangkero. 'Yun nga lang wala siyang ideya sa movements ng hangin at sa kung ano ang epekto nito sa pakikibaka nila sa lumalakas na alon ng dagat.

Si Bindi ay nakaupo sa unahan ng bangka at malapit sa kinauupuan ni Beej.
Kanina pang hindi nagsasalita si Bindi. Simula nang umalis sila sa isla hindi na ito muling nagsalita. Hindi tuloy matukoy ng mga kasama kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at kung kakayanin pa nilang magtiwala rito.

Napansin ni Sharla na paminsan-minsa'y napapatingin din si Manzo kay Bindi. Iniisip nito ang revelation nito kanina. Iniisip nito na sana kung hindi ito nalunod bago ang graduation day nila, baka asawa na niya ito ngayon. Pero ibang-iba na ito sa dating Maxi. Halos wala nang bakas ng pagiging Maxi sa buong katauhan nito. Bagaman malaki ang hawig sa features ng mukha ni Maxi, ibang-iba na ang nakikita niya sa tuwing mapapatitig sa mukha nito at pagkatapos maaalala pa niya ang nangyari sa kanila kagabi. Para bang hindi niya talaga kilala ang babaeng nasa harapan niya. Agad na ibinalik ni Manzo ang tingin sa dagat nang mahuli siya ni Bindi na nakatitig sa kanya.

Kahit matagal nang nakatira sa isla, kailanma'y hindi sinubukan ni Bindi na mag-operate ng bangka. Para saan pa't anak siya ng isang mayamang mayor at kayang-kaya naman niyang bumayad sa kahit sinong boat operator. Ibinaling niya ang tingin kay Kren na tulad niya'y hindi pa rin nakakapag-operate ng isang pambot. Alam niya ang dahilan kung bakit pero hinding-hindi niya iyon pipiliting ipaalala kay Kren. Alam niyang ilang linggo na lang at matatapos na ang bakasyon ni Kren sa isla at sa isang taon na ulit ang balik nito. Pero hindi na niya ngayon iniisip ang tumagal nilang LDR. Matagal na rin naman silang nagkakaproblema sa relasyon. Sa ngayon, alam niyang tapos na ang kung ano ang meron sa kanila noon, at alam niya ring nagugustuhan na nito si Sharla. Si Sharla na naman, ang dakilang epal sa buhay niya. Naiinis siya rito at ayaw niyang mawala ang galit dito.

Totoong ayaw na niyang makita ang mukha ng mga dating kaibigan. Akala niya'y magiging okay siya kapag nakaganti na sa mga ito, pero lalo lang siyang naaawa sa sarili. Akala niya, kaya niyang iwan ang mga ito sa isla. Iyon naman sadya ang una niyang plano para makaganti sa mga dating kaibigan, hahayaan niyang magdusa ang mga ito ng ilang araw sa isla. Balak naman sadya niyang balikan ang mga ito pagkatapos ng ilang araw. Pero kinukulit talaga siya ng konsiyensya niya kaya hindi na siya nakatiis kahapon. Sa halip na bumalik sa Kota Kita at iwan sina Sharla sa isla, mas pinili niyang magtungo sa kabilang bahagi ng Isla Matambu at doon magpalipas ng gabi.

Pero gusto niyang malaman ang nangyayari sa apat kaya agad din siyang nagpasama kay Alvin sa gubat para silipin kung ano na ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Hindi naman nila sinasadyang naabutan na mag-isa si Beej nang mapahiwalay ito sa mga kasama. Binihag niya nga ito at saka binato ng maraming tanong. Marahil nga ay naibuhos na niya ang buong galit kay Beej kahapon kaya medyo composed na siya ngayon. Itinali niya lang naman ito sa isang tuyong kahoy. Nung una pa'y may tali ring panyo ang bibig nito para hindi makasigaw at makapagsalita. Kinulit na naman siya ng konsiyensya niya kaya hindi rin nagtagal ay tinanggal na rin niya ang tali nito sa bibig. Ngunit lalo siyang naiinis sa sarili dahil sa mga sagot nito sa mga pananakot niya.

"Okay lang, gawin mo na ang gusto mong gawin sa akin. Patapon na naman ang buhay ko. Sige lang Bindi patayin mo na ako," iyak nito.

"No, I'll give you one more chance to live. Dalhin mo sa 'kin sina Kren at Manzo. And we can all go back to Kota Kita," ang proposal nito.

"So anong balak mong gawin kay Sharla? Iwan natin siyang mag-isa rito? No, Bindi. Hindi ko iiwang mag-isa si Sharla rito. Ako na lang ang iwan n'yo."

Pinakawalan din naman niya si Beej dahil sa ayaw na niyang marinig ang mga sinasabi nito.

***
Mahirap kay Bindi na sumakay sa iisang bangka kasama si Kren at ang mga dating kaibigan. Ayaw din niyang napapatingin sa mga mata ni Sharla dahil lalo niyang nagugunita ang masasaya nilang mga alaala noong high school days pa nila. Alam rin naman niyang mali na sisihin sina Shar at Beej dahil sa nangyari sa kanya kaso pakiramdam niya ay pinabayaan na siya ng mga ito pagkatapos niyang malunod sa dagat. Feeling niya walang naging efforts ang mga tao na hanapin siya, even her family. Wala man lang din siyang makita na kahit isang article o post sa media tungkol sa pagkawala niya. Biglang sumagi sa isip niya ang posibilidad na baka hinarangan rin ng Kagawaran ng Edukasyon at Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman ang mga balitang makakasira sa mga pangalan at reputasyon ng mga naturang departamento ng pamahalaan bilang ang mga ito ang nagpasimuno sa dinaluhang programa.

Kahit hindi nag-uusap sina Kren at Manzo, nanatili silang nakatayo sa magkabilang tabi ni Sharla. Noong nagpresenta si Sharla na siya na ang bahala sa pag-ooperate ng bangka, si Manzo ang nag-iisang taong pumigil dito. Alam ni Manzo na wala itong karanasan sa pag-ooperate ng isang pambot at alam niya ring delikado iyon. Pero hindi nagpapigil si Sharla. Kita naman niya ang kompiyansa nito at isa lang naman ang gusto nilang lahat. Iyon ang makabalik na sa Kota Kita. Tulad ni Kren, nangako na lang siya na hindi ito aalis sa tabi ni Sharla at tutulungan niya ito sa abot ng kanyang makakaya kahit hindi pa rin siya pinapansin ng dalaga. Alam niyang nahihiya pa rin ito dahil sa video na pinlay ni Bindi. Hindi alam ni Sharla na kanina pa ring binabagabag ng video na 'yon ang binata. Ang dami sana niyang gustong sabihin sa dalaga.

Habang lumalakas ang mga alon, unti-unti na ring nawawala ang mga islang natatanaw kanina. Mas mainit na rin ang araw at mas malagkit na rin ang hanging dumadampi sa mga balat nila. Ang kaninang pagewang-gewang na pagtakbo ng bangkang sinasakyan ay nagsimula nang maging mas smooth ang takbo.

"Kaya mo naman pala talaga, Shar. Isang apir nga d'yan," untag ni Kren. Alam niyang galit pa sa kanya si Shar pero kung mananatili siyang tahimik at iiwasang makipag-usap dito, alam niya na lalong hindi maaayos ang gusot sa pagitan nila.

"Ako pa ba, Kren? Kaya ko lahat. Kakayanin," may kumpiyansang sagot nito kay Kren at hinayaang nakataas ang kanang kamay nito na naghihintay sa pag-apir niya. Gusto niyang si Kren ang nagsalita ngayon dahil mas kaya niya itong kausapin kumpara kay Manzo.

Napangiti naman si Kren dahil sa naging reply ni Sharla kahit hindi ito nakipag-apir sa kanya. Inihanda na kasi niya ang sarili na hindi siya papansinin ni Sharla. "Ayos 'yan. Pede ka nang mag-part-time sa isla," napapaumis na sabi pa nito.

"'Wag mo nga akong inaano d'yan. Baka nakakalimutan mong galit pa ako sayo," mataray nitong tugon. Lumingon ito kay Kren at napansin ang pagsimangot nito.

"Biro lang. Sa Kota Kita na natin pag usapan 'yon, ang mahalaga ngayon ay safe tayong makauwi," dugtong nito.

"Thank you, Shar. Sa lahat. Sa pag-intindi at pagiging...."

"Tama na ang bola, hindi pa rin kita pinapatawad," putol nito sa binata. Napansin niyang nakatingin sa kanilang dalawa si Bindi kaya mas pinili na lang niyang tigilan ang pakikipag-usap kay Kren.

"Kukunin mo na ba ang phone mo?" tanong sa kanya ni Bindi nang magsalubong ang mga mata nila. Nagulat ito sa tanong ni Bindi dahil kanina pa niyang kinalimutan na may phone siya. Katabi pa naman niya si Manzo at ayaw na niya sanang mapag-usapan ang phone na 'yon.

"Kahit itapon mo na lang 'yan sa dagat," naiinis niyang sagot dito.

"Sure ka ba? Sayang 'yung videos mo rito," sabi pa ni Bindi na nakaharap kay Manzo sa halip na kay Sharla ito humarap.

Pinipigilan lang ni Shar ang sarili. Ang totoo, gustong-gusto na niya itong sabunutan. Pero alam niyang dapat ay pakisamahan niya ito hanggat hindi sila nakakaalis sa isla. "Sige, 'bato mo sa 'kin," bimbing tugon ni Sharla.

Mabilis namang inihagis ni Bindi ang phone dito pero hindi ito nasambot ng dalaga. Mabuti na lang at nasa tabi rin niya si Manzo at sa dako nito tumama ang phone na agad nitong nasambot.

Mas lalong naasiwa si Sharla nang iabot sa kanya ni Manzo ang phone na naglalaman ng mga videos niya para rito. "Your phone," sabi pa nito.

"A-oh-okay, thanks," nahihiyang tugon ni Sharla sa kaibigan. Biglang naalala ni Sharla ang ibang mga bag na dala ni Bindi nang iwan sila nito kahapon. Tumingin ulit ito sa dako ni Bindi. "And Bindi, nasa ilalim pa ba ng bangka 'yung mga gamit namin?"

"Yes, andyan rin mga gadgets n'yo. Pero 'wag n'yo na munang kunin para hindi mabasa."

"Okay, thanks," sagot nito. Asiwang-asiwa pa rin siyang kausapin ito. Hindi pa rin kasi nito maunawaan kung bakit gano'n ang mga ginagawa ni Bindi. Pero may maliit pa rin namang bahagi sa puso niya na gustong malaman kung bakit nagkakaganon ang dating kaibigan.

Ngunit bukod sa pag-ooperate sa bangka, mas matindi ang pag-aalala niya kay Beej. Kanina pa rin itong nakatingin sa kawalan, tahimik at hindi sumasali sa paminsan-minsang usapan. Gusto sana ni Sharla na lapitan ito pero hindi siya makaalis sa puwesto. "Bes, okay ka lang ba d'yan?" tawag niya rito. Malakas ang boses niya para mangibabaw sa ingay ng motor.
Dahan-dahan naman itong lumingon sa kanya. "Bes, sorry na. Sorry na dahil mas nahihirapan kayo ngayon dahil sa akin," naiiyak nitong tugon.

"Ano ka ba? 'Tsaka ba't ka ba umiiyak? Naiiyak na rin tuloy ako," naiiyak ngang tugon ni Sharla rito.

"Bes, sorry na kasi nilihim ko sa 'yo ang sakit ko."

Continue Reading

You'll Also Like

513K 13.2K 44
Cailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving...
2.6M 164K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 33.2K 66
Lukas Aragon, a famous engineer, billionare, and a certified womanizer. He was forced to marry Anikka Fuentes, a law student who is too conservative...