The Dragon Prince

De Queen_Phoenix28

144K 9.4K 398

Ang tanong, may nabubuhay pa bang Dragon sa mundo? Kung meron man, kailangan ko silang mahanap... Sa lalong... Mai multe

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129

Chapter 24

1.6K 80 1
De Queen_Phoenix28

Yves's POV

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Cris na nakaupo sa kama. Lumingon siya sa akin ng mapansin niya ang presensiya ko. Ngumiti ako ng pilit ng magtama ang mga paningin namin. Naglakad ako patungo sa sofa dito sa kwarto. Malaki rin ang kwartong ito. Inilagay ko dito ang backpack ko. Kung saan ko inilagay ang mga gamit ko kanina.

Nakasuot ako ng isang muscle sando na may hood at hanggang beywang ang slit nito. Kaya kitang kita ang katawan ko. Nakasuot ako ng isang fitted na maong shorts. At isang low cut na converse.

Tinungo ko ang pinto ng kwarto. Pero bago ko pa ito mabuksan ay nagsalita na siya, "saan ka pupunta?"

"Lalabas lang muna ako." sabi ko ng hindi siya nililingon.

"Na ganyan ang damit mo?!"  medyo inis niyang sabi.

Hindi ko na siya sinagot at tuluyan na akong lumabas. Nakita ko pa sina Ruby at Jack sa may kusina na naghahanda ng makakain. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin.

Naglakad lakad lang ako. Palingon lingon sa may paligid. Dinala ako ng mga paa ko sa gitna ng Valley kung nasaan ang altar. Busy ang lahat sa paghahanda sa nasabing pagdiriwang mamayang gabi.

Napatigil ako ng may kumalabit sa akin. Isang batang babae. May hawak itong isang koronang pabilog na gawa sa bulaklak. Umupo ako para magkatapat kami at humarap sa kanya. Ngumiti ako at ngumiti rin ito. Inilagay niya ang hawak niya sa ulo ko. Tumawa ako dahil sa ginawa niya. Inayos ko ang buhok ko. "Salamat." sabi ko at hinawakan siya sa ulo.  Sana naman bagay ito sa akin sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako ng umalis na ito sa harap ko. Tumakbo na siya patungo sa mga ibang bata.

Pero napadako ang mga mata ko sa isang lalake na tahimik na nakaupo at nakasandal sa isang puno. Si Aries. Dali dali kong tinungo ang kinaroroonan niya. Ngumiti siya ng mapansin niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. "Nandito ka lang pala." sabi ko.

"Hinahanap mo ako?" taka niyang tanong. Liningon ko siya. Ngumiti ako ng makita ko siyang nakatingin siya sa akin.

"Namiss mo ko?" sabi niya. Tumawa lang ako.

"Hindi no. Syempre, nagtataka lang ako nung hindi ka na namin kasama kanina." depensa ko.

"ok." maikli niyang sagot.

Napatingin ako sa inaabot niya. Isang mansanas. Tinignan ko siya, hindi siya nakatingin sa akin. Kinuha ko na ito at kumagat ako dito.

"Alam mo, bagay sa'yo yan. Ang cute mo." sabi niya. Napalingon ako sa kanya habang kumakagat ako sa binigay niya. Nakangiti ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Mula dito sa kinauupuan namin ay tanaw na tanaw namin ang mga tao na busy sa kani-kanilang ginagawa. Hindi ko na siya sinagot at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkagat ko sa mansanas.

"Tara, tulong tayo dun." sabi niya ng matapos akong kumain. Tumayo na siya at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Inalalayan niya akong tumayo. Naglakad kami patungo sa kinaroroonan nila.

Una naming linapitan ang mga babaeng naghahanda ng pagkain. May mga dalagang nagtilian ng mapansin nila ang kasama ko. Ang gwapo kasi. Lalo na at nakasando lang ito. Litaw na litaw ang maskulado nitong katawan. Napangiti na lang ako.

May lumapit sa akin na isang babae na nasa mid-40 na siguro. "Kay ganda mo iho." sabi niya na nakangiti. Ngumiti din ako.

"May maitutulong po ba kami dito?" sabi ko sa kanya.

Umiling lang ito. "Huwag na iho. Kaya na namin ito." sabi niya. Hinawakan niya ang braso ko at umalis na ito sa harap ko para bumalik sa ginagawa niya.

Umupo ako sa isang mesa. "Heto." sabi ni Aries. Nasa harap ko siya habang may inaabot siyang plato na puno ng pagkain. Kumuha ako at kinain ito. Puwesto siya sa tabi ko habang hawak ang plato.

"Kung alam ko lang  kanina na ganito kadami ang kalalakihan dito, hindi na sana kita dinala dito." seryoso niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. "bakit naman?" taka kong tanong.

"Para silang gutom na mga lobo kung makatingin sa'yo. Gusto ka yata nilang pagpiyestahan." medyo inis niyang sabi.

Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Hinimas niya ang likod ko ng mapaubo ako pero napadaing ako ng mahawakan niya ang likod ko sa bandang medyo masakit dahil sa pagkabagsak ko kanina.

"ayos ka lang?" -siya.

Ngumiti ako ng pilit. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Napano yan?" napatingin agad ako sa kanya. Sinilip niya ang likod ko sa slit ng damit ko. Itinulak ko siya bahagya. Uminom muna ako ng tubig bago tumayo. Hindi ko na siya sinagot.

"ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at hinawakan niya ang kamay ko ng tangka ko siyang talikuran. Tumango lang ako. At tinalikuran ko na ito. Tinungo ko ang mga bata na naglalaro.

----------
Aries's POV

May pasa siya sa likod nito. Baka nakuha niya yun sa pakikipaglaban kanina. Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan kasama ang mga bata na naglalaro. Ang ganda niya, nadagdagan pa ang ganda nito dahil sa bulaklak na korona sa ulo niya. Bagay yun sa kanya. Lalo na't nakangiti ito. Sobrang puti at kinis ng balat niya. Hindi ko lang magustuhan sa kanya ngayon ay ang suot niya dahil sobrang litaw na litaw ang balat niya. Lahat na siguro ng lalake ay naaagaw at napapatingin sa kanya dahil sa ganda niya. Mukhang masaya siya sa pakikipaglaro. Napapangiti na lang ako dahil sa nakikita ko.

Napatingin ako sa dalawang bata na humawak sa magkabilang kamay ko. Hinihila nila ako. Mukhang gusto nila akong kalaro. Wala na akong nagawa kundi ay sumunod sa kanila. Napangiti na lang ako. Napatigil si Yves sa pagtakbo ng makita niya ako. Ngumiti ito at ganun din ako.

Nahati sa dalawang grupo. Sa akin yung mga limang batang lalake samantalang kay Yves yung mga limang batang babae. My malaking guhit pabilog. Ang taya ang mananatili sa guhit at susubukan nilang abutin ang mga kalahok na nasa gitna na hindi lalagpas sa pabilog na guhit.

Kami yung lalake kaya kami na ang taya. Puwesto na ang lahat. Ngumisi ako kay Yves na nasa harap ko. Kumunot ang noo nito. Sinubukan ko siyang abutin pero umiwas ito. Umiba ako ng pwesto at sinubukan ulit ito. May mga nagtatawanan na dahil nagtutulakan na sila sa loob ng guhit. Pero nagagawa pa rin nila itong umiwas.

Naging masaya ang laro. Tumagal siguro ng halos dalawang oras. Tumigil na kami ng magtatanghali na at kakain na rin kami ng pananghalian. Halata kay Yves na napagod siya kakalaro. Lumapit ako sa kanya at inabutan siya ng maiinom. Tinitignan ko lamang siya habang umiinom.

Ng nakapagpahinga na kami ay lumapit na kami sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain. Nasa tabi lang ako ni Yves.  Natawa ako sa naging reaksyon niya ng makita niya ang mga nakahanda sa harap niya. Napanganga siya at halatang gutom na gutom na siya. Umubo ako para maagaw ang atensyon niya.

Umayos siya ng tayo tsaka humarap sa akin. "Hinay hinay lang, ok?" sabi ko sa kanya.

Napasimangot siya. "Mukhang tataba ako nito." sabi niya.

Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Ok lang yun. Cute ka pa rin kahit tumaba ka pa." sabi ko sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

May narinig kaming nagtilian. Kaya napatingin kami dito. Pero halos lahat ng tao dito ay nakatingin sa amin. Inayos ko ang sarili ko bago ko sinimulang kumain. Ganun din si Yves. Pero, napatigil ako ng matanaw ko si Cris na masamang nakatingin sa akin sa di may kalayuan.

-------------
Leave comments.
Ayos lang ba yung mga updates ko??

Continuă lectura

O să-ți placă și

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...