Bulletproof (Querio Series #1)

By Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Olivia Emerald Villafuerte

Wakas

7.8K 344 70
By Barneyeols

Wakas

"Tsk. You can't shoot me. Sa tingin mo, handa ka na bang maging kriminal?" 

 The moment she pointed the gun at me, I know she can't do it. 

She has the purest heart behind her fierce facade. I saw it the moment she handed me a first aid kit. She maybe a brat, but she's a weak spot for her mother.  But I have no choice, I have to do it to trigger all the plans I have laid. 

Napaupo si Olivia sa sahig at niyakap ang mga tuhod niya. I watched her silently while observing my men in their position outside.

"But since I enjoyed every minute of using you, I can give you a chance to run. Umalis ka na rito. May byahe ng bangka papunta sa bayan sa loob ng isang oras. Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na o hinding hindi ka na makakauwi sa inyo." 

Tiningnan ko ang orasan sa kamay ko. In five minutes, the plan will execute. I need her to get out of here. I can't risk her safety.

I have never said anything about the truth. Gustuhin ko man, alam kong sa oras na malaman niya ay hindi siya aalis. I hurt her with words, but I will make it up to her.

Tumingin ako sa bintana kung nasaan ang yate. Stefania's been calling me. Alam ko kung sino talaga siya sa una pa lang. She's a big part of this plan so I befriended her. Nagpanggap ako na maasahan niya ako sa lahat ng plano niya kay Olivia. 

Nasa loob ako ng kwarto, habang si Olivia ay nasa sa loob na ng katapat na kwarto at nag-iimpake nang gamit. I contacted Dylan. He would guide her once she reached the port. I made sure that everything is in the right places. 

Nakita ko ang pagtakbo niya papalabas ng villa. Pumunta siya sa lugar kung saan naghihintay ng bangka. Binuhay ko ang ear plug at sinet-up ang baril na gagamitin ko. 

"Boys, it is showtime." Hudyat ko at kinasa ang baril bago lumabas. 

Nakita ko na habang kausap ko si Olivia kanina ang mga tauhan ni Stefania. At handa na akong mamatay dito pa lang. Hindi kailanman, masasaktan ng pamilyang iyon si Olivia. 

Noong una ko pa lang niyang makita ang babae, hindi ko akalain na magiging malaking parte ito sa akin. Hindi sa pagmamayabang, sanay ako at ang mga kapatid ko palaging binibigyan ng kakaibang atensyon ng mga tao sa paligid namin, mapababae man o lalaki, pero si Olivia, wala nang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko. 

Our first night was ecstatic. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong kaba. Isang kaba na magdadala ng kasiyahan sa akin huli. She's the only girl who can have me wrap on her finger, really head over heels with her.

Lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ni Stefania, akala niya ay kakampi niya ako sa panahong ito pero hindi. Agad kong pinaputok ang baril sa direksyon niya na kumitil sa buhay niya. Sa hudyat kong iyon, agad na nagsilabasan ang kampo ng militar. Kagabi pa silang naririto at nakamasid. Bago pa man kami umalis ni Olivia sa Manila, ay minomonitor na nila kami. Maging ang lahat ng tawag ni Stefania sa akin ay bukas na rin sa kanila para sa karagdagang ebidensya. 

"Putangina! Mga militar!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ni Stefania. 

Nagpalitan ng putok. Wala akong balak buhayin sa kahit na sino sa kanila. Tumago ako sa likuran  ng puno habang naglalagay ng bala sa baril. Tinanaw ko ang dagat, wala nang bakas ng bangka na sinakyan ni Olivia. 

I sighed, knowing that she's safe. Sumugod ako sa isang grupo na nakita ko sa hindi kalayuan. Halinhinan at masusi ko silang pinaulanan ng bala ng may kung anong mahapdi akong naramdaman sa aking braso. Nilingon ko ang direksyon at napansin ang isang sniper na maaring binayaran ni Stefania. 

"Fuck!" 

Tumago ako pero mabilis ding gumalaw ito at pinaulanan ako ng bala. Mabibilis na bumaon sa katawan ko ang tatlong bala. Isa sa binti na dahilan ng paghirap ko sa paglalakad, isa sa tagiliran na nagdulot ng pagdudugo at isa sa balikat dahilan ng matinding paghirap bumaril. 

Ilang beses na akong nasaktan pero isa ito sa pinakamahirap na laban sa akin. Hindi ako takot mamatay pero ngayon ay may kaunting pangamba lalo na at hindi ko pa alam kung nakarating na ba si Olivia. 

May isang tauhan na lumapit sa akin para tulungan akong magtago sa likuran ng isa pang bangka. 

"Cover me." Utos ko at agad na binaril ang sinuman na makita ko. 

Hindi ko inalinta ang sakit. Kailangan kong makausap si Dylan. Matapos iyon ay kinuha ko ang cellphone at agad na tinrack ang gps na nilagay ko sa bag ni Olivia. 

Kunot ang noo ko habang nakikita na nakatigil iyon sa gitna ng dagat, walang kilos o paggalaw na ginagawa. Agad kong pinindot ang ear plug. 

"Bulletproof to the monitoring unit... check Olivia's location." I repeated it twice. 

Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko. 

"Sir, this is Dylan. O-Olivia's location is in the middle of the sea." May kung ano sa boses ni Dylan. 

"Then, send a rescue boat imediately." Mura ko. I can't risk her. I don't want this mission to be a failure when it concerns my girl. 

"Y-Yes, Sir."

Pinutol ko ang linya at kinasa ang baril. Napamura ako ng makita ang biglaang pagtumba ng kasamang sundalo sa buhangin at ang pagkamatay nito. Huminga ako ng malalim at hinila ito papalapit sa pwesto para kahit na papaano ay buo itong maibabalik sa kanyang pamilya. 

Hindi ako pwedeng magkamali o magulo man lang habang nasa kalagitnaan ng bakbakan. Masakit man ang katawan ko ay pinilit kong tumakbo pero sa kasamaang palad ay muli akong tinamaan ng isa na naman bala sa dibdib. 

Napadapa ako sa buhanginan, hawak hawak ang dibdib ko. Hindi ko na namalayan ang oras, nanatili akong nakadapa habang iniinda ang sakit ng dibdib hanggang sa matigil ang putukan.

"Captain!" Sigaw ni Paris at agad silang sumugod ni Jack para dalahin ako sa likuran ng isang malaking puno. 

"Fuck! We need you to get out of here." Mura ni Paris.

"Dylan, where is  the rescue boat or the chopper. We need the rescue boat and alert the ambulance. Captain's in trouble." Kalmadong sabi ni Jack. 

"Jack, may p-problema. Namataan ko sa drone na, malapit ang yate sa location ni Olivia. I tried to reach her phone pero wala. The GPS is not moving." Balita ni Dylan.

Naririnig ko ang lahat sa linya. Napamura ako at pinilit na bumangon. Another batch of blood came out. Mas marahas na din ang pagdudugo at medyo bumibigat na ang ulo ko dahil sa blood loss.

"C-Captain." Mura ni Paris at dinaluhan ako. Hindi ko ito pinansin at nagsalita. 

"U-Unahin mo si O-Olivia." Utos ko. 

Suminghap si Paris sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Hindi man ako mabuhay, ang mahalaga siya ang mabuhay pa. 

"Kristoff!" Saway ni Paris sa pinalidad na desisyon ko. Pumikit na lang ako at hinayaan ang sakit na nararamdaman kong kainin ako ng buong buo. 

"Dylan, tell Borris to find Olivia. If the yacht is near, something might happen to her."

"Kristoff, this is Borris. I am going there. Nalaman ko na ibang bangka ang sinakyan ni Olivia. It's not the one we booked for her. She might be in danger, but do not worry. I'll go and save her. I will send the rescue chopper for you." Ani Borris. 

Hindi na siya nagsalita. Paris applied pressure into my wounds pero sadyang marami iyon. I am losing my consciousness but I tried to  fought it. Kailangan, gising ako kapag nabalitaan na ligtas na si Olivia. I cannot go blackout when she's nowhere to be found. 

I prayed. For the first time I, prayed. Not for my safety but for her. Iginalaw ko ang kamay ko para tingnan ang ang dog tag na suot ko. May isang diamond ring doon na nagsisilbing isa pang pendant. 

Hinaplos ko iyon. Pinangako ko kanina sa sarili ko, na sa oras na makaligtas ako ay papakasalan ko siya. Wala nang tanong, gagawin ko siyang akin. Masyado akong tradisyunal at dapat noon pa mang may mangyari sa amin ay dapat tinali ko na siya akin. 

Nagpapanic na si Paris habang ako ay hindi masyadong gumagalaw para hindi makain ang kaunting lakas na natitira. Panay ang tawag niya sa mga tao sa port para sa chopper.

"C-Captain," Nag-aalalang tawag ni Dylan ang bumulaga sa communication.

"I-I'm here." Sagot ko.

"Nakita na si Olivia. She has a gunshot wound in her stomach. Tinapon sa dagat at marami na ring dugo ang nawala. Her pulse is weak, according to Captain Hernandez."

"Where's the chopper?" Tanong ko.

"Papunta na po diyan sa location niyo." Sagot ni Dylan na 'tila naguguluhan.

"Good. Tell the pilot, save Olivia first." Utos ko.

"Pero, Sir? Malayo tayo masyado! Maaaring kayo ang mapahamak niyan. Nasa rescue boat na naman po siya." Paris interfered.

"I don't care, Paris. She has weak pulse. I cannot let her die. I'd rather die here than watch her die." Desperadong sabi ko sa gitna ng malalalim na hinga.

"Dylan, listen to me... Iyong rescue boat ang ipadala mo sa akin. Make sure, Olivia wu board safely." Utos ko.

Basang basa na ng dugo ang tela na nakalagay sa aking sugat. My vision is blurry.

Narinig ko ang may hindi na kalinawang utos ni Dylan para pabalikin ang chopper kay Olivia.

Pumikit ako. Everything's dizzy. I heard faint voices from the other troops but I have no strength to open my eyes.

Naramdaman ko na lang ang unti-unting pag-dilim ng aking paningin.

Ilang araw na ng magising ako. I saw my family sitting at the couch watching the news.

Napalingon sa akin si Felicity. I tried to smile but I was still weak. Dumalo sila agad sa akin.

"Kuya! You scared us!" Niyakap ako ni Felicity.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinayaan iyon. My mother was silently crying. I kissed her hands. Gregory just nodded at me.

"Sinayang mo dugo ko." He joked.

"You donated. So, does that mean I am gonna be a jerk, too?" I joked back.

They all laughed. Napatingin ako sa telebisyon ng makita ang balita umano ang balita sa lamay ni Olivia.

Tinawagan ko agad si Borris. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang buhay ito pero comatose.

Unang araw pa langna nagising ako ay gumawa agad ako ng paraan para maitago siya. I asked Jack to be my eye in the Villafuerte when I am still recovering.

"Anak, can you please rest first? Why are you being concerned with that Villafuerte girl?" Nagtatakang tanong ni Mama matapos ang tawag.

Binaba ko ang phone sa side table at seryosong tiningnan ang ina.

"Ma, I have to make sure she's okay..."

"You love her... Do you?" Tanong ni Mama na nakapagpatigil sa akin.

Hindi ako nagsalita pero base na rin sa pagtango ni Mama ay alam na niya ang sagot ko. I never denied it.

"I bought a property in Aurora. You can bring her there. Changed all her ID's. Naghanap na rin ako ng doktor na hindi siya kilala. She will help her in her therapy." Iniabot ko kay Borris ang address ng rest house ko sa Aurora.

I heard that she has a trauma. Hindi ako nagpapakita dahil alam ko na isa ako sa mga bagay na maaaring makapagpaalala sa kanya. I supported her from a far.

Habang hinahayaang siyang gumaling. Iniwan ko ang pangangalaga sa kanya kay Borris. Tinuonan ko naman ng pansin ang lahat. Gumawa ako ng plano nang sa ganoon ay matapos na.

I spent almost a year in finding evidences, witnesses. Ang mga nakumbinsi ko ay tinago ko para maproteksyunan. I am confident that we can win this.

The first time I saw her was in the cemetery. I don't know but I developed this habit to go in her mother's tomb to clean it.

Nakita niya ako at pinaputukan. I have to run. Hindi niya pa ako dapat makita. I am not ready. We are both ready.

I smiled while trying to clean my gunshot wound. Dapat ay sakit ang nararamdaman ko pero mas nangibabaw pa rin ang saya.

She's a grown up. Tsk. My Olivia is now fiercer and stronger.

I saw her following me and Avery in the mall. Av asked me to pick them up dahil nasiraan sila sa parking.

She's hiding. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili na lumapit. Kinarga ko si Toffie at niyaya na si Avery bago ko pa magawa ang kaninang iniisip.

She's tanned, her hair's in a pixie cut. I never thought she can be hotter than before. Umiling ako habang nagdadrive papunta sa bahay nina Avery.

"Okay ka lang?" Avery asked.

Tumango ako. "Just tired."

"Then, sleep in our house... Papa Ninong." Toffie excitedly offered.

I rufed his hair and gave him a big smile.

"Sorry, bud. But Papa Ninong needs to go home in his house." I said.

I kidnapped her and bought her to the house I bought for us. I bought it a year ago with the ring.

See, I am this ready to marry her.

Tumakas siya. Agad ko siyang hinanap. The reason why I brought her here is because I heard Stefania last night. She would make something to kill her. That spawn of hell.

Hindi ko magawang sabihin sa kanya na si Stefania ang nasa likod ng lahat. She's her only family for her. I cannot ruin it. I don't want her to feel alone.

But she's not really alone. I am here. Victoria, Judge, Victor and Borris, we are her family.

The truth is, I want to be her home.

I even asked some politicians to vote for the Impeachment case to push through. At talagang tinutulungan na ata kami ng kalangitan dahil natupad iyon.

When everything's going fine, nalaman ko na ang plano ng mga Villafuerte. Dylan's tracking all the family, members' messages and calls.

"General, you need to trust me." Magalang na sabi ko sa aking Lolo na ngayon ay nakatayo sa harap ko.

"What is our family mantra, Kristoff? Mantener el honor de la familia! It means keeping our family honor. I told you to stay out of it noon pa, pero matigas ang ulo mo! You always get yourself into trouble para sa babaeng 'yan! You learned how to disobey my orders, too!" Galit na sabi ni Lolo.

Hindi ako nagsalita.

"General, I am doing what's right. Hindi ito dahil kay Olivia o sa nararamdaman ko para sa kanya... Para ito sa tama." Katwiran ko.

Kailanman, hindi ko naisipang gamiting ang kapangyarihan at katungkulan ng aming pamilya para sa pansariling kagustuhan.

Gaya ng sinumpaan kong tungkulin, isa akong alagad ng batas... at walang sinuman ang mas mataas sa batas kundi ang Diyos.

"Napakatigas ng ulo mo, Kristoff. Hindi ko alam ang nangyayari sa'yo. Commander-in-Chief ng AFP ang kinakalaban mo! Walang wala ka kung ikukumpara doon. You are just ruining your name." Giit ng aking Lolo.

Umiling ako at matikas na tumindig sa harap niya. Hindi man niya ako payagan, ay susulong ako. Mawala man ang lahat sa akin, malugod ko iyong tatanggapin kung ang kapalit naman ay buhay na kasama si Olivia ng walang takot.

"Aalis ako kahit hindi niyo ako pahintulutan. Ipagpapatuloy ko ang misyon ko kahit ako na lang mag-isa. You cannot stop me, Lolo."

Ito ang unang beses na tinawag ko siya noon. Dati ay malinaw sa akin na mas mataas siya at batas ang kahit na anong lumabas sa kanyang bibig.

Pero, not this time.

Hinilot niya ang ulo niya at umupo sa kanyang mesa na parang sumusuko na siya.

"Do whatever you want. But please, come back in one piece... apo."

We dressed like them when they tried to ambush Olivia's convoy. Naplano na namin ng militar ang magyayaring entrapment operation. Ito na. Handa na ako.

Sinadya kong tamaan ako ng bala sa paa. Kunwari ay hindi ako makagalaw kaya madali ko silang napakagat sa plano. Dinala nila ako bilang hostage.

Hindi na ako nagtaka. Noong pinlano ito ay alam ko ang kahihinatnan ko, alam ko na papahirapan ako at itotorture kaya naman. Binigay ko kay Borris ang isang espesyal na dog tag para ibigay kay Olivia.

Alam ko kung gaano sila katuso at gagamitin nila ako para saktan si Olivia. Pero mas tuso ako.

Nakangisi ako habang nakayuko ng marinig ang tinig ni Olivia. Nag-angat ako ng tingin at guminhawa ang pakiramdam ko ng makitang wala pa naman siyang galos sa katawan.

Tinali din nila si Olivia. Narinig ko ang pinag-uutos ni Stefania na saktan si Olivia. Masakit man ang bawat bugbog ay nakuha ko pang subukin ang mga lalaki.

Kilala ko ang mga ugali ng mga ito. Sa oras na hamunin mo, hindi ka uurungan. Lalo na kapag pagkalalaki nila ang tatapakan.

Hindi ako nagdalawang isip na gawin iyon ng makita ang mga tubong hawak nila. Hinding hindi ko hahayaan na malatayan si Olivia ng kahit na alin sa mga iyan.

Ilang beses at buong lakas akong hinampas. Ramdam ko ang bawat halik ng sakit sa akin pero pinilit ko pa ring ngumisi para mas lalong magkaroon ng panahon.

I know they will be here soon as we planned. Hinampas ako ng pinakalider sa likuran ng aking ulo. Sa sobrang lakas noon, tila nabingi ako at isang matinis na tunog lang ang nakikinig ako. Tumagal iyon ng ilang minuto at nawalan ako ng balanse.

Ilang minuto ay sinikap kong tumayo muli. Matindi ako sakit noon at nararamdaman ko ang pagpatak ng ilang dugo.

"I l-love you." Hindi ko napigilang sabihin. I felt that I will lose my consciousness anytime so I have to say this, natatakot na baka hindi na magkaroon ng pagkakataon pa.

"I can still fight for you. You will go home, I promise." I tried to smile at her.

Konti na lang, uuwi ka na. Sigurado ako. At ilang saglit pa nga ay nagpalitan na muli ng putok ang dalawang kampo.

Rinig ko ang iyak at ilang sigaw mula kay Olivia. Matapos ang lahat, lumapit ang isang sundalo para kalagan ako.

Ngumiti ako ng saglit at hinarap si Olivia na puno ng luha.

God, she's still a wonder to me.

"See, I told you." I tried to joke in the middle of feeling like my words were slowly slurring before me.

Matinding sakitng ulo at katawan ang nararamdaman ko. I lost my balance and fell. Nabagok ang ulo ko pero agad ding nawalan ng malay.

It was evening when I woke up. I cannot feel my legs. Pinilit kong tumayo pero hindi ko maigalaw iyon. Medyo madilim na ang silid. Dahil sa maingay na galaw ko ay nagising si Mama na nakahiga sa isang couch.

Nagmulat din ng mata si Felicity at agad akong dinaluhan.

"Ma! Kuya's awake!" Naiiyak na sabi ni Felicity.

"I cannot feel my legs." Iyon lang ang naibulalas ko. "I need to see if Olivia's fine."

Lumapit si Mama dala ang tubig. Ininom ko iyon dahil sobrang nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Where is she?" Tanong ko.

I had a bad dream. Hindi ko alam kung gaano kahaba iyon pero sobrang sakit noon ng magsising ako.

"Kagigising mo lang, Kristoffer. Can you please let her off your mind for once?" Naiinis na sabi ni Mama at hinilot ang sentido niya.

I cannot do anything. Pinagbawalan ako ng doctor na gumalaw. I need months of rest. My legs are paralyzed, pero malaki ang tyansa na bumalik sa dati basta magtherapy ako ng ilang buwan. Nadamge ang ugat sa utak ko na nakakonekta sa aking mga binti, dahilan ng pagkaparalisa nito.

Hindi ko kaya iyon. Kailangan kong protektahan si Olivia. Hindi pa tapos ang laban niya sa pagbukas ng kanyang kaso. Tanging sa telebisyon ko lamang napapanood ang mga nangyayari. Ilang beses na rin siyang pinapatawag sa hearing.

Nanonood ako ng TV ng pumasok si Avery kasama si Toffie. Ngumiti siya sa akin sandali at nilapag ang dalang prutas sa mesa. Tumakbo naman si Toffie para yakapin ako. Nginitian ko ito.

"Papa Ninong. How are you?" Masiglang tanong nito sa akin. Hindi ko naoigikang mapangiti sa kainosentihan ng bata.

Sana kapag nagkaanak ako, kagaya niya. Naisip ko naman  si Olivia. Kung isang araw ay makita ko siyang may pamilya sa ibang lalaki... Ikakamatay ko ba iyon? Naalala ko ang pangako ko sa kanya noon sa Malabrigo. Na hindi na ako magpapakita sa kanya pagkatapos ng lahat... I excel at so many things. But the great Captain Kristoff Johannes Querio finally fail at something...

It was forgetting Olivia.

Binalingan ko ang bata at pilit na winaglit iyon sa isipan.

"Malakas na ako. Nandito ka na eh. How's school, Toffie?" Tanong niya sa bata.

"Marunong na ako magplay ng tennis. May training kami ni Coach every week at madami na akong friends." Sagot ng bata.

Tumango si ako sa kwento ng bata. Nagbalat naman si Avery ng prutas habang nakikinig din sa kwento.

"That's good to hear."

Bumaba si Toffie sa kama at may kinuha sa bulsa niya.

"Oo nga pala, Papa Ninong! May babae na nagpunta sa school ko kahapon. Sabi niya ibigay ko raw sa'yo. Kaibigan mo raw siya."

Kinuha ko ang papel na iniabot ni Toffie sa akin. Binuklat  ko iyon at binasa.

Kristoff,

I thank God for healing you. I am so much thankful for what you did. Noon pa lang sa mansyon, hanggang sa nangyari sa warehouse. I cannot face you, knowing how I treated you badly. All I can do is write for you since I am in the Witness Protection Program.

Narinig ko ang lahat kay Borris. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko na makukuha ang hustisya.

I thank all your efforts as a friend, guardian, brother and even a figure for me, for keeping me safe. Hindinka nagdalawang isip na tulungan ako. Maraming salamat sa lahat. Magpagaling ka dahil sa oras na matapos ang lahat ng ito ay personal kitang pasasalamatan. Sana ay maging mabuti tayong kaibigan.

Hanggang sa muli,
Olivia.

Natulala ako sa sulat na pinadala niya. Magkikita pa kami. Tila nabuhay ang aking loob na nawalan na ng pag-asa. Ngumiti ako kay Toffie at niyakap siya.

"Ma," tawag ko sa aking ina. "Schedule the theraphy as soon as possible."

Halos maiyak si Mama sa sinabi ko. Hindi na ako magmamatigas. Gusto ko sa oras na magkita kami, maayos na ulit ako. I want to show her that I can be better. I will ask her to be mine again.

The first months were hard. Hindi ko inaasahan na magihing ganito ang kalagayan ko. Gregory often motivates me. Siya ang kasalukuyang proteksyon ni Olivia dahil na rin sa aking kahilingan.

"She's doing fine. Nag-usap sila ng kanyang ama at ng buong pamilya." Kwento ni Gregory habang sinusubukan kong lumakad sa pagitan ng dalawang handrail.

"How did it go?" Tumigil ako at nilingon siya.

"She feels better. Pinatawad niya kahit hindi humihingi ng tawad. All the accounts of the Villafuerte are gonna be freezed. Even Olivia's trust fund dahil nalaman na mula sa illegal business at corruption lahat ng ginastos doon. They'll be bankrupt soon." Pagpapatuloy ni Gregory.

Dahil sa mga ebidensya kong nakalap, naungkat lahat ng katiwalian ng mga Villafuerte. Ang warehouse na pinagdalahan sa akin ay nagsisilbi pa lang mass grave ng lahat ng pinapatay nila. At sa testimonya ng lahat ng mga witness, napabilis ang hatol sa pagpapatalsik sa Presidente.

Nakapiit si Eduardo at halos ang buong pamilya pansamantala sa crame habang dinidinig ang kaso. Matindi rin ang binibigay na proteksyon ng Senado kay Olivia dahilan kung bakit hindi ito madaling lapitan.

"Provide what she needs, Greg." Utos ko at iniabot ang credit card ko.

Umiling si Gregory.

"Sa tingin mo pababayaan ko siya? I can buy her anything but since you offered, I will take it bro." Nakangising tugon ni Greg.

Hindi ko na pinansin iyon. Alam ko na sobrang hirap nito para sa kanya. Nasanay siya sa marangyang buhay at sa isang iglap, mawawala ang lahat.

I can buy all her whims. Hinding hindi siya maghihirap kung naririto ako.

The trial went for almost six months. Sa araw na ito ay nakatayo ako sa dulo ng korte, pinapanoos ang pamilya ng mga Villafuerte sa kulay orange na damit ay tila maamong tupang nakayuko.

But when the verdict was announced as, "Guilty without reasonable doubt."

Esmeralda screamed and disagree. Diana's just standing, Steffania's spacing out while Eduardo's looking at Olivia. Victoria ran to her and hugged her. She's crying.

The whole family, excluding Luisito, Toby and his wife will all go to imprisonment for all the crimes they did.

Umalis si Olivia para iwasan ang media. I never showed myself. I want her to grieve alone.

The next month, I received a call. I went to meet General, who congratulated me. Ngumisi ako at tinanggap ang kamay na iyon.

"Sit down, hijo." He smiled.

Umupo ako at pinanood siyang kunin ang isang sobre na may sulat mula sa Malacañang. Binasa ko iyon.

"Promotion?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes. You did a big thing that the palace wants to reward you. You cannot say no. You'll be a Major soon, Kristoff."

Hindi ako makapaniwala. Natulala lang ako kay General. Nakangisi ito na tila tuwang tuwa.

"Congratulations, apo. You proved me wrong and I am proud of you for keeping our family honor." General went to me and offered his hand.

Tinanggap ko iyon pero niyakap niya ako. Niyakap ko ng mahigpit si General. I cannot believe it. Mama called to congratulate me.

"Ma, thank you."

"Oh, Kristoff! I know your Papa's proud in heaven. You should go home, we'll cook a feast for your celebration. You're on the same rank as Athos." Prpud na sabi ni Mama.

"Ma, I have plans for this day."

"Plans? What plans?" Tanong ni Mama na may kakaiba sa boses.

Tumahimik ako. Alam kong hindi nila gusto pa si Olivia dahil sa pag-aakala nilang ito ang nagdadala sa akin ng kapahamakan pero nakapagdesisyon na ako. I will take a risk again. Hindi man niya ako mahalin ulit, handa pa rin akong magpakabakasakali.

"Is this about the girl, Kris?" Tanong ni Mama sa banayad na boses.

"Yes. It is always about her, Ma." I honestly answered.

"Huh." She sighed in defeat. "Ano pa ba ang magagawa ko kung desidido ka na. Just bring her here later, Kristoff. I wanna meet her." Mama cut the line.

Victoria replied to my texts. Agad akong nagdrive papunta doon. She's living in the outskirts of Batangas. She said she wants a normal life. I heard she's working as a column writer in a newspaper as a freelance journalist.

I stepped on the gas. I cannot wait any longer. Tiningnan ko ang dog tag ko na nakasabit sa rear view mirror at hinaplos ang diamond ring na pemdant nito.

Hindi ako uuwi ng hindi ka akin. Hinding hindi. I will enter in your heart just like how you entered mine. Sa santong paspasan.

Limang oras bago ko nakita ang malawak na bukid kung saan siya nakatira ngayon. May mga batag tumatakbo sa sakahan. May mga matandang nagtatanim sa hapong init.

Bumaba ako sa sasakyan. Nagsilapitan sa akin ang mga bata ng makita ang sasakyan ko. Ngumiti ako sa kanila.

"May kilala ba kayong Olivia rito?" Tanong ko.

"Meron po! Si Ate ganda iyon diba?" Tanong noong batang lalaki sa katabong babae. Tumango naman ito at tinuro iyong maliit na bahay sa hindi kalayuan.

"Doon siya nakatira, Kuya pogi." Ngiti ng mga ito.

Kinuha ko wallet at binunot ang ilang papel na pera para iabot sa kanila.

"Salamat. Ito oh, paghati-hatian niyo ng kaibigan niyo."

Nagkatakbuhan ang mga ito papalayo matapos magpasalamat. Naglakad naman ako papalapit sa bahay na yari sa kubo. Sarado ang pintuan noon. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi.

Kumatok ako. Walang tao doon. Unti-unti ay binuksan ko ang pintuan para silipin kung may tao ba roon. May buhay na laptop sa mesa, kalat ang ilang papel. Pumasok ako pero mukhang walang tao.

Mukhang umalis siya. Naglakad ako papalabas ng bahay at lumakad sa paligid. There, I saw her sitting under the mango tree. Dahan dahan akong naglakad paounta sa kanya.

"The view's nice."  Puna ko sa malawak na palayan.

Nilingon ako ni Olivia. Medyo mahaba na ang buhok nito ulit. Nakasuot siya ng simpeng tshirt at palda. Litaw na litaw ang ganda niya kahit na ano pa ang suot niya.

Sa gulat niya, agad siyang tumayo. Hindi niya man lang napunasan ang luha niya. Nakatayo ako, ilang metro ang layo sa kanya at nakapamulsa.

"K-Kristoff..." Her voice broke.

Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya. She's looking straight at my eyes. Dahan dahan din akong tumigil sa pag-abante dahil hindi ko akalain na maapektuhan ako ng pares na iyon ng mga mata.

Bumuga ang napakalamig na hangin. Sinikop ni Olivia ang medyo mahahabang buhok na sumabog pati na rin ang palda niya. I watched her silently. Her eyes, nose, lips...She's enough to make my breath hitch.

I remember how she first kissed me. Lasing siya. Naaalala ko kung paano niya ako sinubok nanpatahimikin siya sa pamamagitan ng halik. It was so clear that I cannot sleep for a week, thinking how soft her lips.

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin matapos ang ilang sandali.

Lumunok ako. To get you back.

"Ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko pabalik.

Nangilid ang luha niya.

"I want to breathe. Isa pa, nagtatago ako sa media." Aniya at huminga ng malalim bago naglakad papalapit sa akin.

"I realised something. Wala akong sariling pera. Kailangan kong maghanap ng trabaho kaya siguro dito ako magsisimula." She innocently said.

Tumigil ito sa harapan ko. Dinudungaw ko siya habang siya naman ay may libu-lubong emesyon sa mata. Ilang saglit pa, nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Bumuhos ang luha niya sa dibdib ko.

"Thank you..." Bulong niya. Parang may init na humawak sa aking dibdib. Sa wakas, nakauwi na ako. Tila matagal na nawaglit at ngayon lang ulit nakabalik.
"Shh."  I tried to comfort her. Gaya ng sinabi ko, hindi siya ang dapat sisihin dahil ito ang trabaho ko.

"Salamat kasi gumaling ka. Salamat kasi buhay ka." She cried.

"What did I tell you? I told you that you are not the one to blame. It is part of my job, Olivia. And I am willing to die as long as it's for you." I said and cupped her face.

Pinunasan ko ang luha niya.

"I'm sorry... for treating you so badly. Sorry for not knowing what you did." she breathed.

Umiling ako at ngumisi.

"Don't be. Olivia, I did not come here to hear you say sorry." I said.

Nilagay ko ang takas niyang buhok. Ito na. Kung anuman ang kalabasan ng laban na ito... matalo man o manalo ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga, tinangka kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa giyerang ito.

Natahimik siya at hinayaan akong hawak hawak ang kanyang mukha.

"Olivia... Pakasalan mo ako." It was almost a plea.

Natulala siya sa sinabi ko. She doesn't say anything. She just kept on looking at me. I felt somehing in my chest hurt. Maybe this is it.

Unti-unti kong binitiwan ang mukha niya at lumayo. Nilagay ko ang kamaynsa bulsa at huminga ng malalim para tumikhim.

"You don't have to-" Pinutol niya ako.

"Kristoff, I still love you." She said. Sa pagkataong iyon ay ako naman ang natigil. She wiped her tears. "Pero hindi ako ang para sa'yo... I don't deserve you."

"Who are you to tell me who's deserving and not for me?" Malamig na sabi ko.

I don't like the way she's thinking. Ayokong maging mababa ang tingin niya sa sarili niya. She's close to perfect for me. Hindi man siya pasok sa standards ko noon, malayong malayo man... but my system wants all of her. Only her.

"Kristoff, wala na akong pera. I am not the same Olivia Villafuerte. I am poor as a rat. And look at you! You are the Captain Kristoff Johannes Querio." She pointed out.

I smiled at her mockingly. Iyon lang ba? Iyon lang ba ang problema niya?

"Anong tinatawa tawa mo diyan? Nakikinig ka ba? Ang yabang yabang mo talaga kahit kailan!" Hinampas niya ang dibdib ko. Hindi ko napigilang tumawa sa kanya. Mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"You are wrong. I am no longer a Captain. I am now a Major." I said cockily and tilted my head to have a clear look at her. She is now cringing at me.

"Yes. I just got a promotion. And it means, my salary has increased. It also means, I can provide more for you. Not that I need that raise, I can support you with just my money."

I don't want to sound very cocky but that's true. Wala akong pakialam kung maubos ang pera ko sa kahit na anong gusto niya. At kung kulangin man, hindi ako magdadalawang isip na mas magtrabaho pa para sa kanya.

"Ang yabang mo talaga." That's all that she could reply to me.

"Now, will you answer me? Will you marry me?" Tanong ko.

"Your family hates me." She tried to block my question again.

Napailing ako at hinawakan ang kamay niya para higitin siya papunta sa akin.

"They can't do anything. If they hate you, as long as I love you, you won't need anything."

Impatient, i kneeled in front of her. Still the same, hard headed girl. Just say yes!

"Olivia, just say yes,  wear the ring and love me forever. That's just simple."

She sat so we're on the same level. She has this sleepy eyes. She held my face and kissed me. Gulat ako doon.

Damn, this girl. Ako ang dapat gumawa noon kapag pumayag siya. She smiled at me.

"Kaya mo ba na palagi kitang aasarin?"

"Oo." Handa akong mainis basta siya ang mang-iinis.

"I will mess you up for the rest of your life. Do you want that?"

I nodded. I want my life to be a mess as long as she's there.

She laughed.

"I will be your biggest trouble once you marry me." She concluded.

"I am willing to be in trouble if you're the trouble I have to fix."

"Then,  consider it done." She announced and flashed her right hand in front of me.

"I will marry you, my Bulletproof.  I never stopped loving you. I loved, love and will love you for the rest of my days."

I slid the ring in her finger. Finally, of all the battles I've won, this is my favorite battle.

"I love you so much, Mrs. Olivia Emerald Querio. You are the only bullet who got me."

_
#BPWakas

This is a very long update. I did not proofread this one. I am still thinking if I will post another special chapter for the scenes where Olivia and the whole family talked. What do you think?

Comment your thoughts about this story to help me improve more!

See you on my next story. Thank you for putting up with me. I love you all!

-Machay ♥

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.6M 40.6K 80
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
314 54 4
γ€Œ 𝖳𝖠π–₯𝖴π–ͺ𝖳 : 𝖳𝖧𝖀 𝖲𝖴𝖭 || 𝖯𝖩𝖬 」. β€’ 𝖳𝗁𝖾 π—†π—ˆπ—ˆπ—‡ π—ˆπ—‡π—…π—’ π—€π—…π—ˆπ—π—Œ 𝗐𝗁𝖾𝗇 π—„π—‚π—Œπ—Œπ–Ύπ–½ 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 π—Œπ—Žπ—‡ . - : كُـن Ω„ΩΩ€ΩŠ Ω†ΩΩ€ΩˆΨ±Ψ§ΩŽΩŽ ي...
1.7M 55.9K 75
Alexander, James and Skye were triplets. They were stolen from their family at the age of 4. The family searched for them day and night never giving...
318K 23.2K 28
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...