Bulletproof (Querio Series #1)

By Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 39

4.4K 175 15
By Barneyeols

Kabanata 39

Tumahimik si Jack habang nakikinig sa kwento niya. Mabigat para sa kanya na ikuwento muli iyon. Parang ang medyo humilom na sugat ay muling hiniwa para dumugo.

"So, Captain Hernandez knew all along. Kaya pala medyo mailap iyon na ikinagalit ni Miss Diana."

Tumango si Olivia. There's nothing wrong kung sasabihin niya lahat kay Jack. Sigurado siyang safe siya rito gayong ito ang nagbabantay sa kanya noon.

"Saan kayo nadestino matapos iyon?" Tanong niya.

Olivia missed the team. Iyong makulit na si Paris, at ang mga mababaw na si Dylan at Lui na palaging interesado sa kanila ni Kristoff noon. Himdi niya minsan nakita ang mga ito bilang empleyado nila, nakita niya ito bilang mga kaibigan.

"Bumalik kami nina Sir Paris sa regular na serbisyo. Si Captain naman, hindi natuloy sa Visayas. Ang sabi nila mas may importanteng assignment ito kaya nawala ng ilang buwan ng walang nakakaalam. Pero ngayon, nasa mansyon na ulit kami ng mga Villafuerte habang lie-low pa kami."

So, nasa loob na ulit sila ng puder ng mga Villafuerte? May kung anong umilaw sa itaas ng kanyang ulo.

"Kung ganoon. Pwede mo ba akong tulungan, Jack?" Tanong ni Olivia. Nagtatakang nakatingin si Jack sa kanya pero tumango rin.

"Depende. Ano ba iyan?" Tanong nito.

"Maaari mo ba akong tulungang makapasok sa loob ng mansyon ng walang nakakapansin? May kailangang dokumento akong kuhanin."

Kinagat ni Jack ang labi na tila nag-iisip. Ilang saglit pa, pumayag din ito. Sinuot nito ang isang muscle shirt at nakinig sa mga nais ni Olivia na gawin. Napagplanuhan nila na pumasok doon sa araw na wala si Diana. At ngayong linggo iyon bago pa man makabalik ito sa bakasyon nila ni Borris.

"Sa susunod na linggo, ako ang bantay sa back gate. Siguro mula doon pwede kong i-hack ang CCTV para makapasok ka ng hindi nakukuhanan. Tapos noon, kailangan mo nang makaakyat sa kwarto mo ng hindi mahuhuli. Ikaw na ang bahala mula doon." Ani Jack.

Napangisi si Olivia. How could she forget? Isa nga pala ito sa skills niya.

"Walang problema, Jack. Nakalimutan mo na ba? Doon ako lumaki. Alam ko na ang pasikot sikot doon. Mamalagi ba si Eduardo ng gaano katagal doon?" Tanong niya.

"Uuwi rin iyon bukas sa Malacañang. May inaasikaso lamang iyon at kinailangang umuwi sa mansyon para sa isang interview." Sagot ni Jack.

"Confident ka ba sa plano natin?" Tanong ni Olivia.

Ngayong naroon si Kristoff at ang mapagmasid nitong mata sa mansyon. Paniguradong mahirap makapasok doon. Pinalala pa nito na isa siya sa mga dapat iwasan dahil kakampi ito ng mga Villafuerte.

"I don't know." Kibit balikat ni Jack. "Sa'yo nakasalalay 'yan."

Tumayo ito at kinuha ang cellphone na nasa coffee table at may pinindot doon. Nilahad niya ang screen kay Olivia.

"Ilagay mo ang number mo. Text mo na lang ako kapag nandoon ka na sa back gate. Tandaan mo, alas sais ng gabi ang duty ko. Huwag kang maging maaga doon at baka makita ka sa surveillance. Magsususpetya sila kung buong araw kang tatambay malapit sa back gate." Bilin nito.

Tumango si Olivia at nilagay ang numero niya. Pinangalanan niya iyong Katherine.

"That's me. We need to be careful, Jack. Katarungan ang nakasalalay dito. Masisira ang pinaghirapan namin ni Tori kapag nabuko tayo. Sana, hindi na makakarating sa iba ang balitang buhay pa ako."

Tumango si Jack at tinapik ang balikat ni Olivia.

"Makakaasa ka, Ma'am." Pagpapaalam nito.

Noong hapon ding iyon, bumalik na si Jack sa mansyon ng mga Villafuerte. Nauiwan na naman siyang nag-iisa dahil hindi na lumalabas sa kwarto masyado si Judge Victor dahil sa kondisyon nito.

Naglaro laro na lang siya ng tubig sa pool habang nagbabasa ng libro. She can't contact Borris. Siguro ay naglalie-low pa rin o kaya sinusulit ang bakasyon. Hindi na naman niya kinulit dahil gusto niya na makapagpahinga din iyon.

Maghahatinggabi na ng dumating si Tori. Mukhang pagod na pagod na at binato ang bag sa sofa at humilata doon. Nakaupo naman siya sa tapat nito at nagbabasa ng magazine.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

Nagmulat ng mata si Tori at padarag na umupo.

"Nagtanong tanong ako sa mga tao para maghanap pa ulit ng ebidensya. Hinanap ko ang walanghiyang lumapastangan sa'yo noon. Muntik pa akong mabisto ng ex mo!" Ani Tori.

"Anong mabisto? What do you mean by ex? Kristoff?" Tanong ni Olivia at binaba ang magazine.

"Oo! May inasikaso si Stefania sa Crame, kasama siya. Nagkita kami, kaya habang naghihintay siya inimbitahan ko rin sa opisina ko para magkape at nakita iyong sketch ng suspect. Pakiramdam ko, nagdududa na iyon sa imbestigasyon ko." Ani Tori.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Olivia.

"Wala! Nagpatay malisya na lang ako sa mga tanong niya na parang wala lang iyon. Dinivert ko ang topic papunta kay Jack. If you only see me, mukha akong constipated sa kaba." sabi ni Tori at hinilot ang sentido.

"Just act like it was nothing. Kapag nagreact ka, lalo kang mahahalata. Saka hindi na naman iyon mag-aabala pa na hanapin ako." Kibit balikat ni Olivia.

Sumimangot si Tori sa sinabi niya. Patay malisya naman siyang bumalik sa pagbabasa.

"Hmm... Nalaman ko na si Stefania na ang binabantayan niya ngayon?"

Tinigil ni Olivia ang pagbabasa at tuluyan niyang nilapag iyon sa table para tingnan ang nakangising si Tori. May kung anong sarkasmo sa mukha nito. Ngumuso si Olivia at umiling sa naiisip.

"I didn't know. Well, if that's the case... then be it." Kibit balikat ni Olivia.

"Sure?" Mapang-asar na sabi ni Tori.

Ngumiwi si Olivia at halos tusukin na niya ang mata ng chismosang babae na ito. Huminga siya ng malalim para pagmukhaing seryoso siya ng matigil na ang kakulitan nito.

"Tori, he tried to kill me. Do you think na may mararamdaman pa akong kung ano sa kanya? All I feel is empty. I am not mad, but I am not okay with him too." She truthfully said.

Tumango si Tori at hinawakan ang bag. Ngumisi siya ulit kay Olivia.

"Whatever, Olivia. Hindi ko naman tinatanong kung may feelings ka pa sa ex mo and here you are, defensive." She chuckled and headed to the stairs.

Napanganga si Olivia sa sinabi nito.

What the hell?

Sinundan niya ng tingin ito hanggang sa makapasok sa pasilyo ng second floor. Tumayo na din siya para umakyat na sa kanyang silid ng makitang papunta sa kanya si Judge Victor.

Mabagal ang lakad nito dahil sa tungkod. Makisig pa rin ito kahit na may katandaan. Nakangiti ito sa kanya kaya lumapit siya para tulungan ito na makaupo sa sofa.

Umupo na rin siya doon. Malaki ang utang na loob niya kaya hindi niya maiiwan ang matanda.

"Pasensya ka na sa ugali ng batang iyon. May pinagmanahan ang pagiging taklesa noon." Bungad nito, tinutukoy si Victoria.

"Walang anuman po, Judge. Natutuwa naman po ako sa kanya dahil napakamasiyahin niya." She said.

Hinawakan ng matanda ang kamay niya at pinisil iyon ng marahan. She felt rweally comfortable. This man held her mother's heart once. This man was filled by memories of her mother, unlike her. Dahil sa kabataan niya, nabubjra na ang ilang detalye na magkasama sila ng kanyang ina.

"You look cheerful and adventurous as well, my dear. Hindi maipagkakaila na maganda ang naging resulta ng paglaki mo. You are not one of those rotten spoiled brats."

Ngumiti si Olivia.

Kung alam niyo lang po. She murmured in her mind but decided not to boast about it. Nahihiya siya sa aspeto niyang iyon. Sakit ng ulo,spoiled brat. That's the old Olivia. She likes her upgrade.

"Thank you, Judge. Kung meron man pong nagturo sa akin noon... Naniniwala akong si Mama iyon."

"I know. She's very optimistic. Kahit na noong saglit kaming nawalay sa isa't-isa. I remembered those times na kinailangan kong mag-aral ng kolehiyo sa Maynila habang siya nagdadalaga pa lang sa barrio namin. Palagi siyang nakatawa. Maraming kuwento kapag umuuwi ako." Nakangiting alaala ni Judge.

"Paano po kayo nagkakilala ni Mama?" Tanong niya. Based on what she heard from the old man. Mukhang napakasaya ng relasyon nila.

"Your Mom was Natalia's classmate. Natalia's my younger cousin. Taga-Maynila ako at nakita ko siya noong magbakasyon ako sa barrio bago magkolehiyo. She's this happy kid. Lahat ng tao kakilala niya. She's young hut undeniably beautiful."

Alam niya iyon. Kahit noong ipanganak siya nito, her mother's really beautiful. Tanda niya pa na kahit noong limang taon siya, maraming pumupunta sa maliit nilang barong barong para umakyat ng ligaw sa kanyang ina.

"We're introduced to each other. Noong una, pinipigilan ko ang mapalapit sa kanya. Bata siya sa akin at halos hindi pa nagdadalaga samantalang ako, magkokolehiyo na. Hanggang sa naging madalas niya akong kinakausap tungkol sa Maynila at sa kurso ko."

"So, nainlove na po kayo kay Mama noon pa lang?" Tanong niya.

"Oo ganoon na nga. Isang buwan at kinailangan kong pumunta ng Manila. Hindi ako nakabalik dahil naging abala ako noon. Nagpadala ako ng sulat, pero dahil medyo nahihirapan ang iyong ina sa pera noon... minsan lang siya nakakasulat pabalik pero tuwing ganoon, halos makapal ang envelope niya sa dami ng sulat na nakapaloob."

"She's smitten, too." Olivia remarked. She knew it! Judge Victor was her Mama's first love.

Tumawa ang matanda sa sinabi niya.

"Halos pitong taon kaming magkasulatan. Hanggang sa makauwi ako sa barrio. Dalaga na ang Mama mo noon. Labing pitong taong gulang pero pinipilihanan na ng mga manliligaw. Doon ko napagtanto na hindi pwede iyon sa akin. Dapat kami lang dalawa, kaya nagpaalam ako sa Lola mo na manliligaw at pumayag ito sa intensyon ko."

She smiled widely. Naiisip niya ang batang bersyon ng ina, at ang matipuno at makisig na batang Victor na nagliligawan. May kung anong kiliti sa kanyang tiyan...

"That sounds perfect..." she commented but she stopped mid sentence. Kung hindi dahil sa kanya, mukhang magiging masaya na sana ang lahat.

"Indeed. Lalo na at sinagot niya ako nung mag-labing walo na siya. Tapos na ako noon at nagtatrabaho na sa Maynila bilang abogado. Siya naman, nag-uumpisa nang mamili ng kurso. Natipuhan niyang kumuha din ng abogasya. Matalino ang mama mo at naituloy niya hanggang ikalawang taon pero kinailangan niyang umuwi sa barrio dahil na rin nagkasakit ang iyong Lolo. Tumigil siya sa pag-aaral. Ginusto ko na ipagpatuloy niya iyon sa tulong ko pero hindi siya pumayag." Lumungkot ang boses ng matanda.

She felt something on her chest. Her heart is being squeezed hard that it hurts...

"Kinailangan niyang mamasukan sa mansyon ng mga Villafuerte para matulungan ang kanyang magulang. Ayaw niyang tanggapin ang tulong kong pera noon dahil aniya hindi ko responsibilidad ang buhayin sila lalo na at hindi naman kami kasal pa. Nais ko na siyang alukin noon ng kasal pero isang araw ay nagpadala siya ng sulat na nakikipaghiwalay na siya. Umuwi agad ako at doon ko nalaman na buntis siya. Umiiyak siya at humihingi ng tawad sa kasalanan niya pero hindi ako naniniwala na niloko niya ako. Kilala ko si Ofelia, mataas ang prinsipyo noon at malinis na babae iyon. Inalam ko ang nangyari."

Nangilid ang luha ni Olivia. There she is... the one who tainted the perfect picture moment of her mother.

"Nagalit ako sa mga Villafuerte noong inamin niya na hinalay siya. Gusto kong magsampa ng kaso pero ayaw niya. Gusto niyang ituloy ang pagbubuntis. Ayaw niya na magkagulo dahil iniisip niya na sa paglaki mo at gusto mong makilala ang iyong ama ay walang problema. Niyaya ko siyang pakasalan ako pero hindi siya pumayag. Pinagbuntis ka niya at nagpakalayo layo. I never see her again..." His voice broke.

"Sorry po." Tumulo na ang luha ni Olivia.

Pinunasan iyon ng matanda at ngumiti sa kanya.

"Huwag kang umiyak. Wala kang kasalanan sa nangyari. Mabuti kang bata at lumaki ka ng tama. She did the right thing. Hindi ikaw nagsilbing sayang  sa relasyon namin. As I said earlier, you are my daughter in my heart."

Niyakap ni Olivia ang matanda. Paulit ulit siyang nagpasalamat. For the first time she felt that she really has a father. Nakakatawang isipin na sa hindi niya tunay na ama niya iyon naramdaman.

Kinabukasan tinext niya si Jack. Gaya ng napag-usapan, inabangan siya nito at tinulungang makapasok. Habang nasa backgate, kinausap siya nito sa mababang boses.

"Mag-ingat ka sa loob. Marami na ang bantay at mas mahigpit. Captain's around, too. Mahihirapan ka dahil ako lang ang kakampi mo dito. This sure is easier if Captain Borris is here but here we are so... be safe. You have thirty minutes. Sa ganoong oras ko lang maipapangako ang CCTV."

Tinapik ni Olivia ang balikat ni Jack at nag-umpisa ng umakyat sa puno na nakatapat ng kanyang bintana. Napangisi siya ng makaakyat doon ng mabilis. May nagagawang tama din naman pala ang mga pagtakas niya noon papuntang bar. Sanay na sanay na siya ngayon at sisiw na lang ang pag-akyat.

Bukas ang bintana ng kanyang kwarto. Dahan dahan niyang binaba ang paa at humakbang papunta sa pintuan. Nilock niya iyon at ng masiguradong walang tao, agad niyang pinuntahan ang safe. Kinuha niya ang ilang papeles niya doon. Nilagay niya sa bag niya at sinilip ang peep hole ng kwarto.

Tahimim ang paailyo papunta sa study ni Diana. Naglakad siya ng mabilis at kinalas ang hairpin sa buhok para sundutim iyon. Maingat ang mga galaw niya, wala pang tatlong minuto nakapasok na siya sa loob.

Nilingon niya ang nabagong interior ng opisina. Kulay dilaw na ito hindi gaya ng dating kulay asul. Nilabas niya ang stethoscope at tinapat ito sa safe ni Diana. Ilang ikot ang ginawa niya. Nagtagal siya ng ilang minuto doon.

"Got 'ya." Bulong niya ng mabuksan iyon. She really thank Borris for this tips when going undercover. Binuksan niya ang bag at nilagay ang mga envelope at folder na nakita niya roon.

Sinilip niya ang relo. Twelve minutes left at babalik na ang CCTV doon. Nilock niya ang vault at lalabas na ng naramdaman niyang unti-unti ay may pumipihit sa pintuan.

Tumakbo siya sa ilalim ng mesa at hinawakan ang bibig ng mahigpit. Kita niya ang dalawang pares ng paa na pumaasok doon.

"Ayusin ang mga kuwadro. Huwag magtitira ng alikabok. Babalik na sina Ma'am niyo mamayang gabi. Ayoko na mapagalitan na naman tayo." Boses iyon ni Manang.

"Opo, 'Nang." Sabi ng katulong.

"Nasaan ang vacuum, Dolores? Kuhanin mo at maalikabok na siguro ang carpet sa table ni Diana." Utos ni Manang.

Nanlaki ang mata ni Olivia. Doon siya nagtatago. Nakadapa siya ngayon sa carpet na tinutukoy ni Manang. Sinulyapan niya ang relo. Eight minutes na lang. Kinuha niya ang cellphone at tinext si Jack.

Olivia: Stuck ako dito. Biglang may dumating na katulong para maglinis. Help.

Mukhang nakaantabay si Jack sa kanya at nagreply.

Jack: What? I don't know if I can still hold it. Napansin na nila na may mali sa cameras. They're fixing it.

Hindi na alam ni Olivia ang gagawin sa oras na makita siya, malalaman ng mga Villafuerte na buhay siya. Sa lalim niya mag-isip, hindi niya napansin na umikot na si Manang sa mga bookshelves. Isang lingon lang nito, at kitta na siya.

"Ano bang ginagawa ng batang iyon at nagtagal sa vacuum? Haay, diyos ko naman, oo." Litanya ni Manang at pumihit sa direksyon ng pintuan.

Mabilis na lumabas si Olivia sa ilalim ng table para humanap ng lalabasan. Kailangan niyang makaalis. Naglakad siya sa mga binta at binuksan iyong kurtina para makasilip at makahanap ng malalabasan.

Nakapasok nga siya ng walang problema pero nasa paglabas pala iyon. Kinagat niya ang labi. Three minutes and the cameras will be on. Nakita niya ang mga sundalong pagala gala sa malawak na garden. May mga armado ding sundalo sa gate.

"Magnanakaw! Anong ginagawa mo dito. Sino ka? Taas ang kamay!"

Tahip tahip ang kaba ni Olivia ng marinig ang sigaw ni Manang. Halata ang takot dito at galit. Sa lakas noon baka marinig siya kaya wala na siyang choice kundi tinaas ang dalawang kamay at dahan dahang hinarap ang matanda.

Nanginginig niyang tiningnan ang matanda sa takot na mabuko siya at masira ang buong plano niya.

"O-Olivia?" Laglag ang panga ng matanda ng makita siya.

Ngumiwi siya at tinagtag ang sumbrero para harapin ang matanda. Gusto man niyang maging masaya sa muling pagkikita nila pero hindi niya magawa. Now, the future of her plan's in the old woman's hands.

"M-Manang..." she called.

Napahawak sa dibdib ang matandang katulong.

"Buhay ka? Totoo ba ito? Dapat malaman ito nina Eduardo. Kailangan nilang malaman ito." Mabilis na binuksan ng matanda ang pintuan at lumabas doon. Halos takasan siya ng kaluluwa sa ginawa ng matanda.

Hindi maaari...

-
Follow me on twitter: @Barneyeols
I updated now so maybe next update will be Friday. Sorry, I am in need of full rest because I get dizzy. Thank you for your understanding.

Continue Reading

You'll Also Like

278K 17.8K 48
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
1.7M 142K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
314 54 4
γ€Œ 𝖳𝖠π–₯𝖴π–ͺ𝖳 : 𝖳𝖧𝖀 𝖲𝖴𝖭 || 𝖯𝖩𝖬 」. β€’ 𝖳𝗁𝖾 π—†π—ˆπ—ˆπ—‡ π—ˆπ—‡π—…π—’ π—€π—…π—ˆπ—π—Œ 𝗐𝗁𝖾𝗇 π—„π—‚π—Œπ—Œπ–Ύπ–½ 𝖻𝗒 𝗍𝗁𝖾 π—Œπ—Žπ—‡ . - : كُـن Ω„ΩΩ€ΩŠ Ω†ΩΩ€ΩˆΨ±Ψ§ΩŽΩŽ ي...
5K 125 12
One day while Wilbur was performing on tour, a light fixture that wasn't hung properly fell right on top of him. Quackity, his fiancΓ© was on the back...