Bulletproof (Querio Series #1)

By Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 34

4.1K 179 22
By Barneyeols

Kabanata 34

Matapos ang limang minuto niyang paghahanap ng lakas tumayo agad na sinikop ni Olivia ang ilan sa mahahalagang gamit na kakailanganin niya at tumakbo. Hindi niya alam kung nasaan si Kristoff pero mukhang sa banta nito kanina sa kanya ay totoong papatayin siya nito sa oras na magkakita sila.

Totoo ang sinabi ni Kristoff. May byahe pa papunta sa bayan kahit na malalim na ang gabi at sobrang dilim. Sumakay siya doon at niyakap ng mahigpit ang bag na hawak hawak. Tatlo lamang sila sa bangkang iyon. Isang lalaki na mukhang turista at ang lalaking nagpapatakbo ng bangka.

Tiningnan niya ang unti-unting papalubog na araw. Mabuti na lamang at napaaga ang dinner niya kaya hindi siya magugutom at wala na siyang lakas para kumain. Kristoff used her. He wants to upgrade his rank to a Major. Hindi niya maitatanggi na magaling ito sa pagpapanggap. Napaikot siya nito. Malinaw iyon.

Tinanaw niya ang isla kung nasaan siya. Hindi niya alam pero may kaba siyang nararamdaman. The Villafuertes wants her dead. Eleksyon na sa susunod na linggo kaya naman oras na para alisin ang mantsa sa kanilang pangalan. Hindi siya maaring umuwi sa bahay nila. Agad niyang binuhay ang naka-off niyang cellphone para magbook ng hotel malayp sa Manila. She's planning to catch a flight to Cebu or Iloilo. Basta kahit saan na mahihirapan silang hanapin siya.

She can't be dead. Kailangan niyang tapusin ang laban. If the faith wants her dead then let it be after she throw the devils back to hell. Nasa gitna pa lang siya ng pagbubukas noon ng makarinig siya ng pagputok ng baril.

"Fuck!" Mura niya at nilingon ang bangka.

Wala na doon ang bangkero nila. Tanging siya na lang at ang lalaking pasahero na ngayon ay may hawak na baril, at ngayon ay nakatutok sa kanya.

"Kuya, please! Huwag! Huwag mo akong papatayin!" She pleaded. Ito na naman at may baril na namang nakatutok sa kanya. Tumayo siya at tinaas ang kamay para sumuko.

Maalon ang bangka. Nag-isip siya ng maaaring gawin. Kung sisipain niya ito, paniguradong mawawalan ito ng balanse at mahuhulog sa dagat, pagkatapos noon pwede niyang pag-aralan kung paano gagana ang bangka. Ang mahalaga, mawala muna ang lalaking ito.

"Sinong nag-utos sa'yo?" Tanong niya.

"Huwag mo nang alamin. Mamamatay ka na rin naman mabuti nang mamatay kang walang alam."

"Pamilya ko ba? Si Captain Querio ba?" Tanong niya habang unti-unting niyang ginagalaw ang bangka para umalon.

Tumawa ang lalaki sa sinabi niya at umiling.

"Nakuha mo! Nagpabilog ka sa balat-kayong sundalo iyon! Masyado kang naniniwala sa pelikula kaya ito ang kinahinatnan mo, nene. Masyado ka kasing matapang, kaya eto ang mapapala mo. Magiging pakain ka sa mga isda."

"Kasabwat ka ba niya?" Tanong ni Olivia.

"Tinatanong pa ba yan? Kasabwat siya ng taong nag-uutos sa akin. At base sa boses niya kanina sa tawag? Halatang hindi na makapaghintay na patayin ka. Ganoon ka ba nakakairita?" Halakhak nito.

"I-Ikaw ang kausap niya? Pinlano niyo ba na dalahin ako sa bangkang ito?" Tanong niya na ayaw niyang marinig ang sagot. Ayaw niya na mawala ang natitira niyang tiwala sa binata.

"Eksakto! Tumpak! Nakuha mo rin! Bagal ng pick-up mo ano? Plano namin na dalhin ka dito para mapatay ka na bago mo pa palalain ang sitwasyon!"

Plano ito ni Kristoff? Ibig sabihin pinatakas niya ako para patayin ako rito? Para saan? Para hindi siya mapagbintangan sa pagkamatay ko? Isip niya na nagpakuyom sa kanyang palad.

Kinasa muli ng lalaki ang baril niya at may malaking ngising lumakad papunta sa kanya. Tindyakan ni Olivia ang kabilang bahagi ng bangka, umalon ito kinuha niyang pagkakataon iyon para sipain at agawin ang baril pero malakas din ang lalaki.

Nag-agawan silang dalawa. Wala ng pakialam si Olivia. Kailangan niyang mabuhay. Tinadyakan niya itong muli pero nakaiwas ito. Kinagat niya ang lalaki pero sinampal siya nito ng malakas kaya tumilapon siya sa sahig ng bangka.

"Puta kang babae ka!" Sigaw nito at tinadyakan siya nito. Namimilipit siya sa sakit ng tiyan niya at hindi niya napigilang umiyak.

"Tama na! Tama na please!" Sigaw niya habang humahagulhol.

"Putangina mo! Papahirapan kita tutal tayo lang dalawa dito!" Sigaw ng lalaki at tinagtag ang belt na suot niya. Umiling si Olivia at sinubukang tumayo. Gumapang siya sa dulo ng bangka pero tila hibang na ito at hinigit siya pabalik sa gitna.

Nakakatakot ang ngisi ng lalaki sa kanya. Mapula din ang mata nito at halatang nakadrugs. Labis ang takot ni Olivia lalo na ng punitin nito ang shorts na suot niya at higitin siya nito sa buhok para amuyin ang kanyang leeg.

"Tangina ka! Papatayin din kita pero pangarap kong makapagparaos sa gaya mong magaganda. Gagamitin muna kita tapos pag sawa na ako, huwag kang mag-alala, patatahimikin na din agad kita." Halakhak nito at hinalikan ang kanyang hita.

Pilit namang pumipiglas si Olivia sa ginawa nito. Kinuha ng lalaki ang dalawa niyang braso at nilagay iyon sa ibabaw habang ang mga hita ay inipit sa pagitan ng paa niya.

"Putangina! Huwag kang malikot! Kundi pasasabugin ko ang bunganga mo!"

"K-Kuya! Please! Tama na! Kuya! Huwag po! Pangako, hindi ako magsusumbong. Pakawalan mo na ako!" Nanginginig ang boses niya.

"Hindi! Sa picture pa lang naglalaway na ako sa'yo kaya bakit papalampasin ko ang pagkakataon na ito? Tutal nabayaran na naman ako ng pamilya mo edi titikman na rin kita para bonus!" Sigaw niya at tinaas ang tshirt ni Olivia gamit ang bibig niya.

"Puta ka! Ang kinis mo! Makakarami ata ako!" Hinalikan na nito ang balat niya kaya naman napahagulhol na si Olivia at nagsisigaw.

"Sige! Sigaw lang! Walang makakarinig sa'yo rito!" Panunukso ng lalaki sa kanya.

Parang mauubusan ng hangin si Olivia at lalabas na ang puso niya sa kaba. Totoo bang pinagkaluno siya ni Kristoff para gawin sa kanya ito?

Gusto man niyang sumuko pero hindi pwede. Tumingin siya sa papalubog na araw. Naalala niya ang ina na dahilan ng kanyang laban. Huminga siya ng malakas at hinugot ang lakas niya para sipain sa maselang bahagi ang lalaki.

Nawala sa ibabaw niya ang lalaki sa pamimilipit sa sakit ng tiyan. Nahihirapang tumayo si Olivia para sana hanapin ang baril at ang kanyang cellphone nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril. Nilingon niya ang lalaki na nasa sahig na hawak hawak ang baril.

May kung anong sakit siyang naramdaman sa tiyan niya. Tiningnan niya iyon at nakitang tinamaan pala siya at panay ang agos ng dugo papunta sa kamay niyang nakahawak roon.

Napaluhod siya sa sakit na dulot noon. Nanghihina na siya sa dami ng dugo at hindi na niya maramdaman ang pagsabunot na ginawa ng lalaki sa kanya.

"Gago ka! Wala pa sana akong balak na barilin ka pero makulit ka!" Anito at binitawan ang ulo niya. Para siyang laruan na pumatak sa sahig, wala nang lakas.

Hindi niya na maramdaman ang katawan niya. Para siyang unti-unting nahihirapang huminga, at lumulutang ang pakiramdam. Wala siyang maisip kundi ang pinagkaitan siya ng langit sa lahat.

Wala siyang masisi kundi ang tadhana. Namuo ang luha niya sa pag-iisip na bakit siya hinayaan ni Kristoff na maranasan ito? Bakit siya tinraydor nito? Bakit siya pa? Bakit sa dinami dami ng taong gagago sa kanya, bakit ito pa?

Halos magpula na ang damit na suot niya sa dami ng dugong nawalan sa kanya. Pumikit siya dahil nahihilo na siya. Unti-unting nawalan ng malay si Olivia at inis namang nagpantalon ang lalaki.

Nang masigurong wala ng malay si Olivia. Binuhat ito ng lalaki at unti-unti ay itinapon sa dagat bago tumawag ng back-up. Dumating ang yate na nasa di kalayuan at sumakay ito doon.

Nadatnan nito ang babaeng nakaupo sa couch na siyang utak ng lahat nito.

"Naligpit mo ba ang pinaliligpit kong kalat sa'yo?" Tanong nito habang umiinom ng wine.

"Yes ma'am! Paniguradong nasa byahe papunta sa langit ang babaeng iyon." Nakangising sabi ng lalaki. Tumango ang babae at binato ang isang sobre sa lamesa.

"Mabuti naman kung ganoon. Gaya ng napagkasunduan, ito ang karagdagang bayad." Nakangiting sabi nito at tumayo na para tingnan ang malawak na dagat.

Next week, she's sure that Senator Eduardo Villafuerte is no longer a senator. He will be President Eduardo Villafuerte, the face of the country in the next six years and no one will know about their family's dirty secret.

"Good bye, Olivia. Rest well, my sister." She whispered as the floating boat's getting little by little in their eyes.

The people inside their house were loud. Makukulay ang mga bandiritas at napakaraming handa para sa mga volunteers na tumulong sa kampanya. May mga banda pa na tumutugtog na akala mo ay fiesta.

Ito na ang huling araw ng bilangan ng nanalo sa pagka-presidente. Maingay ang mga tao dahil sa malaking screen, kitang kita ang pangunguna ni Senator Villafuerte sa pagka-presidente.

Panay ang kamay ng mga tao kay Eduardo na may malapad na ngiti sa bawat pulitikong naroon. Halos kumpleto ang mga kapartido at panay ang suporta sa resulta ng magiging eleksyon.

"Senator... soon to be our honorable president!" Anang isang asawa ng congressman.

"Madame! You look lovely." Saad naman ni Esmeralda.

"No. You look better than me. Mukha ka pa ring dalaga, Esmeralda. Kung di kita kilala iisipin ko ay kapatid ka ni Diana at Steffania." She praised her and sipped on her wine. "By the way, where are your daughters?"

Esmeralda flshed her fake smile and pointed the kitchen.

"They're inside helping in the preparations. Alam niyo naman, madame, na hands-on ang mga anak ko sa mga bagay na may kinalaman sa charity work which is a good thing kapag nanalo ang kanilang ama." Pagmamalaki niya.

"Really? Where's Luisito at Alicia? I saw Toby but I haven't seen their daughter, Olivia. Sabi ng apo kong si Clarence, hindi raw ito umattend noong graduation niya?" Tanong ng matanda.

Nawala ang ngisi ni Esmeralda. May tumikhim naman sa likuran nila kaya napalingon silang dalawa. Naroon si Diana na may hawak na hawak na bote ng wine.

"Madame, Olivia went home to US. Gusto niya pong magmasteral doon. Finally, my cousin cleared her mind and wants to help in our business kaya po hindi muna siya uuwi rito. More, wine?" Alok nito.

Tumango ang matanda. "Oh really? Sayang. Balak ko pa naman sanang ireto iyon sa apo ko. But oh well, let the destiny work for it. Cheers!"

And that night of the party, Eduardo Villafuerte, was declared the next President of the Philippines.

The people cheered for the abundant term of the Villafuerte for the next six years not knowing who really is the person they voted. Everyone was thanking the Heavens for a great leader without knowing that it is a minion from hell.

Nakatutok ang mga tao sa pagpasok ng pamilya sa Malacañang. Pinatay ni Tori ang telebisyon ay binato iyon sa sofa.

"Fuck these devils! Paano nila nagagawang makatulog sa gabi?" She hissed that earned the attention of the man beside her.

"Tori, stay calm. Pasaan pa at mabubulgar din ang baho ng pamilyang iyan. Their karma will come in time. Justice will be served." The deep voice from the man said.

"How could I stay calm? Hanggang ngayon, hindi pa din ako tinatawagan ni Olivia. It's been three weeks. Ni walang nakakaalam kung nasaan si Olivia maging sina Borris! Ang sabi ng mga tao na naninilbihan sa kanila, nasa abtoad daw si Olivia at baka hindi ma bumalik para doon na manirahan. That's bullshit!" Inis na sabi niya.

"Why do I feel that they did something to her. Olivia's not the type of person na pupunta ng America pagkatapos niyang malaman lahat. It's either, timago nila ito o kaya tinakot. We should find it out." Anito at pinaglaruan na ang ballpen sa kanyang kamay.

#BPKab34

Continue Reading

You'll Also Like

314K 22.8K 27
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
14.5K 437 57
Raise Acelle Davis was a daughter of the governor in the city. She wasn't an ideal daughter, she's a hardheaded partygirl in town, her doings start a...
83.2K 3.7K 17
The doll that your sister brought from the orphanage wasn't just any doll. It was a rare item. A collectible. A friend. Aeron was all she had before...
399K 13.4K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...