The Bitchesa's Downfall

By blueheartgreenmind

38.4K 1.8K 164

She hurts who she wants to hurt. She does what she wants to do. She's mean. She's evil. She was called a slut... More

Prologue
Good-for-nothing
Not even her Dan
Vince
Dumbfounded
Don't mess up with me
Partner
Manipulative
Like
Rules
Sweet chewy bubblegum
Drooling
Unreasonable
Revenge
Unexpected question
Jealous
Husband
My Dan
I don't want
Sto. Domingo
Smile
Lips and BBQ
Instagram
Interior design
Cusses and Sighs
Seemed so familiar
Past
Image
Feelings
David Ford
Five years ago
Nakaraan
Unpredictable brute
Where it all started
Daniel and his unexpected gestures
See-through
Table has turned
Battle of her weak heart and memory
Unclear past
You already lose my heart
Memorial park
Mistress
Wrong accussations
Please
I should've known
Smell's like beer
Change
Always in pain
Decided
ILYSB
Too much to take
Remembrance
Let's just move on
Scared
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

The Lounge

568 25 1
By blueheartgreenmind

Naalimpungatan si Chandria nang marinig ang pagtunog ng sariling cellphone sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang abutin niya ito ay sakto namang huminto ang pagtunog.

Napailing na lamang si Chandria nang rumehistro ang pangalan ni Vince sa umiilaw na screen ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung nasaan na ang kaibigan ngayon. Dahil sa pagiging abala niya sa sariling buhay, nakalimutan na ni Chandria ang mga taong malapit sa kanya.

Tinignan ni Chandria ang paligid. Madilim ang buong silid at mula sa nakabukas na bintana ay nasisilip niya ang ilaw ng poste sa labas. Dahil sa mahimbing na pagkakatulog ay hindi niya napansing gabi na pala.

Nagising siyang mag-isa na lamang sa sariling kwarto. Wala na si Daniel sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung anong oras ito umuwi sapagkat ilang oras din siyang nakatulog. Kahit ngayon nga ay inaantok pa rin si Chandria. Tila kinakalmot ang kanyang sikmura dahil sa gutom.

Dahan-dahan siyang bumangon sa kama. Napapangiwi siya sa bawat paggalaw. Para siyang binugbog ng ilang tao dahil sa sakit ng kanyang buong katawan. Ramdam niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita.

Sinikap niyang maglakad patungong banyo. Sa bawat hakbang ay napapadaing si Chandria dahil sa kirot na nararamdaman sa kanyang pagkababae. Laking pasalamat niya nang tuluyang makapasok sa banyo.

Nang lumabas si Chandria ay nakasuot na siya ng robe. Nagshower siya kanina at nilinis ang sarili. Humahapdi pa rin ang kanyang pagkababae ngunit hindi na gaanong masakit kapag gumagalaw siya.

Habang nagbibihis ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang sinuot ang night gown at sinarado ang closet bago lumapit sa bedside table. Mabilis niyang dinampot ang cellphone nang mapag-alamang si Daniel ang tumatawag.

"Hello, Dan?" pambungad niya sa binata.

"Hey..." Namamaos ang boses ni Daniel. Narinig niya itong tumikhim sa kabilang linya. "Are you still sore?"

Napasinghap si Chandria. Umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ni Chandria dahil sa kanyang narinig. "Seriously, Dan, what kind of question is that? Quit joking!"

"I was serious when I asked you that, Chandria. Anyway, kumain ka na ba?"

Napabuga si Chandria ng hangin nang ibahin ni Daniel ang usapan. "Hindi pa nga, e. Why?"

"Let's dine out." diretsong sambit ni Daniel. "I'll fetch you there."

Napakagat-labi si Chandria. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Oo o hindi lang naman. Noon, kahit hindi mag-aya si Daniel ay magpupumilit siyang sumama. Pero ngayong ito na ang humihiling ay nagdadalawang-isip na siya. Knowing what he knew about her makes it too hard to believe that he's sincere. No sane man will invite his dead father's mistress on a dinner.

Naupo siya sa gilid ng kama nang maramdaman ang panghihina ng mga tuhod. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "I'm sorry but I can't go out today. Masakit pa rin kasiㅡ"

Bago pa man siya makapagpaliwanag ay tinapos na ni Daniel ang tawag. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagtanggi niya. Dismayado siyang nilapag ang cellphone sa bedside table.

Naisipan na lamang niyang bumaba sa kusina at magluto.

Nasa sala pa lang siya nang marinig niya ang malakas at paulit-ulit na pagtunog ng doorbell. Nangunot ang noo ni Chandria. Sino bang matinong tao ang mang-iistorbo ng tao sa ganitong oras ng gabi? Baka si Vince o ang mga kaibigan niyang babae.

Dali-dali siyang lumabas at binuksan ang gate. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay nang bumungad sa kanyang paningin ang nakangising si Sandy. Nasa tabi nito si Mitzie na nakasandal sa isang itim na kotse. Parehong nakasuot ng above-the-knee dress ang dalawa. Hindi niya lang maaninag ang kulay ng suot nito sapagkat may kadiliman sa lugar.

"It's a good night to party, isn't it?" nakangising tanong ni Sandy. "Bitch, hinahanap ka na sa The Lounge. You've been long away and the party missed the bitchy Chandria Arylle Bernardo already."

Iniba niya ang usapan. "Does Kerr know about this, Sands? Baka magalit 'yon kapag nalamang nagpunta ka ng bar na walang paalam."

"Hindi niya alam, okay? He doesn't have to know every piece of me." sarkastikong wika ni Sandy. "Why are we even talking about your stupid cousin? Come on, Chandria! Come with us."

"I'm too tired to have fun tonight, Sands. Kayo na lang muna ni Mitzie."

"Naku, Chandria, nakakalimutan mo na atang hindi ako tumatanggap ng tanggi? You'll come with us tonight." pamimilit ni Sandy. "But of course, you need to change your clothes first."

Hindi na nakapalag si Chandria nang hilahin siya ni Sandy papasok sa bahay. Dinala siya nito sa kanyang kwarto. Tahimik na sumunod si Mitzie sa kanila. Ang dalawa na mismo ang pumili ng dress na kanyang susuotin. Isang itim na lace up sleeveless dress ang kinuha nito sa closet niya. Wala naman siyang naging reklamo doon sapagkat hindi naman masyadong revealing ang damit.

Sa huling minuto ng pagbibihis, muling nahati ang desisyon ni Chandria. Nagdalawang-isip siya sa pagsama sa dalawa. Masakit pa rin ang katawan ni Chandria at gusto niyang magpahinga. Pero dahil sa pangungulit ni Sandy ay napilit rin siya nitong sumama.

Natagpuan na lamang ni Chandria ang sariling umiinom ng margarita habang pinagmamasdan ang pagsasayaw ni Sandy at Mitzie. Enjoy na enjoy ang dalawa sa dancefloor. Kinawayan pa siya ni Sandy ngunit umiling lamang siya at itinaas ang baso ng margarita na halos wala ng laman.

Chandria doesn't enjoy the ambiance of the party already. The reason seemed unclear, but it just feels like that. It's plain. It's boring. Mas gusto na lamang niyang matulog kaysa pakinggan ang malakas na beat ng music. Mas gusto na lamang niyang makausap si Daniel sa tawag kaysa makipaglandian sa mga lalaking hindi naman niya gusto.

Perhaps, it's because of Daniel after allㅡor maybe it's because of herself. There goes Chandria's change in a moderate rotation, from being worst to being good atleast. Well, she genuinely like it this way. It feels good to be a little good sometimes. No more bitching, no more trouble. She just hoped that Chandria could appreciate her improvement.

"Oh gosh!" she gasped as she remembered something regretful. She covered her face with her palms. "Why did I do that?"

Chandria took a tight grip on the almost-empty glass of margarita when Daniel's disappointed face suddenly appeared on her mind. Her own rejection somehow bothered her system. He was the one inviting and not the other way around. That was her chance but she let it slip away. And now she's here, at a high-end bar, drinking alone while thinking of Daniel when she's supposed to be with Daniel today, eating dinner together at a fancy restaurant.

She shove her thoughts away when she felt a cold cloth brushing against her arms. Only then she realized someone joined her in the sofa. She threw a curious gaze on her side and saw a man with a corporate attire. His dark brown eyes met hers. A sly smile appeared on the stranger's face when Chandria raised an eyebrow.

"You were spacing out." he spoke first, still in contact with her eyes. "Iniwan ka ng boyfriend mo?"

Sinamaan niya ito ng tingin at bahagyang umusog. "Ngayon palang ako nakakita ng businessman na tsismoso."

Umawang ang labi ng binatang nasa tabi niya. Ngunit nang makabawi ay agad ding naningkit ang mata nito sa pagtawa. Tinampal ni Chandria ng malakas ang braso ng binata nang guluhin nito ang kanyang buhok.

"Stop laughing, will you, Mister..." Nabitin ang pagsasalita ni Chandria sapagkat hindi niya alam kung ano ang pangalan ng binatang nasa tabi niya.

Huminto ang binata sa pagtawa at tumikhim. "It's Chester Aguilando."

Tumango lamang si Chandria. Wala naman kasi siyang maisagot. Ngayon niya lang nakilala ang binata. Siguro'y ngayon lang din ito napadpad sa The Lounge. Ilang segundo rin silang natahimik bago muling lumipad ang kamay nito sa buhok niya. Pinaikot-ikot nito ang sariling daliri sa dulo ng kanyang buhok.

"I like your hair. It's soft and white." diretsong komento ng binata. "Can I also smell it?"

Tatanggi sana si Chandria ngunit mabilis ang naging galaw ng binata. Dumukwang ito palapit sa kanya. Agad niyang naramdaman ang hininga nito na dumadantay sa kanyang balikat. Nagmukha itong nakayakap dahil sa distansya nilang dalawa sa isa't-isa.

Nasa ganoong posisyon sila nang may marahas na humatak sa binata. Napatayo siya at sinundan niya ng tingin ang salarin. Agad na tinakasan ng kulay ang mukha ni Chandria nang makita si Daniel na umaamba ng suntok sa binatang kausap niya kanina. Nagdidilim ang mukha nito at umiigting ang panga sa bawat pagtama ng suntok nito sa binatang kasalukuyang nasa sahig.

Nakaramdam si Chandria ng takot sa nakitang galit kay Daniel kaya hindi niya ito nagawang awatin. Napapasinghap si Chandria sa bawat malutong na pagmumura ni Daniel. Nangilid ang luha sa kanyang mata nang makita ang kinahihinatnan ng lalaki na nasa ilalim ni Daniel. Putok ang labi nito at namamaga na ang pisngi.

"Oh gosh... Please, can anyone stop them?" nanlulumong sambit ni Chandria nang makitang sinikmuraan ni Daniel ang lalaki.

Bahagyang nahinto ang kasiyahan sa bar dahil sa gulo. Nakuha nito ang atensiyon ng lahat. Kasama na doon sina Mitzie at Sandy. Mabuti nalang at dumating ang bouncer kaya natigil ang suntukan.

Naging mabigat ang paghinga ni Daniel pagkatapos. Umalis ang nabugbog na binata kaya natuon sa kanya ang nanlilisik na mata ni Daniel. Pilit siyang ngumiti ngunit hindi iyon sinuklian ni Daniel. Nag-isang linya lamang ang labi ng binata. Halatang nagpipigil lamang si Daniel sa pagsigaw. Nagdidikit ang mga kilay ng binata. Nag-aapoy ito sa galit.

Muling nabuo ang takot sa loob ni Chandria habang humakbang si Daniel palapit sa kinatatayuan niya. "Oh gosh!"

Malakas na kumabog ang puso ni Chandria nang marahas siyang hablutin ni Daniel sa braso. Sa pinaghalong kaba at takot, hindi na siya nakapanlaban pa. Sobrang higpit ng hawak nito sa pulsuhan niya ngunit hindi siya nagreklamo. Hinayaan na lamang niya si Daniel sa paghila nito sa kanya palabas ng bar.

Galit si Daniel. Galit na galit. Iyon lang ang nasa isip ni Chandria ngayon.





Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
72.8K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
169K 5.2K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...