Husband

700 32 3
                                    


Yumakap sa balat ni Chandria ang ginaw ng paligid nang pumasok siya sa Jollibee. Nakasunod lamang si Aliyah sa kanya. Kanina pa ito dumadaldal sa kanyang likuran habang naglalakad sila sa pagitan ng mga table na okupado na ng ibang tao.

Narinig niya pa ang sinabi nito na paborito nito si Hetty ng Jollibee. Pero hindi niya masyadong pinansin ang pinagsasabi nito. Ang pumapasok lamang sa isip niya ay ang kasungitan ni Daniel. She is a bit excited to tease him more. For sure, this lunch will turn out into one hell of a verbal fight. Daniel's bad mood told her so.

Pagkatapos kasi nitong suntukin ang manibela kanina, mabilis pa sa kidlat na lumabas si Daniel sa kotse at walang pasabing dumiretso papasok sa Jollibee. He is really pissed off.

Well, Chandria just hoped his head would cool down even for a bit. And she just hoped thatby now, Daniel has already ordered foods. She doesn't want to fall in line, wait for someone to come close to her and ask for her orders. Chandria isn't really familiar with this fastfood establishment since Jollibee, for her, doesn't seem to fit in with her style. She prefers menus and not this hassle way of ordering. Probably, Chandria would never enjoy one lunch hereㅡexcept for today.

"Ate Chandria." Sinundot ni Aliyah ang braso ni Chandria kaya napahinto siya sa paglalakad at yumuko nang bahagya sa gilid upang makita ang batang babae. "Ayun si Kuya o."

Sinundan niya agad ng tingin ang tinuturo ni Aliyah. Nakita niya si Daniel na prenteng nakapwesto sa pang-apat na sa gilid ng glass wall, nakasandig. Nasa pinakadulo.

Chandria's eyebrow seemed to raise itself up when she noticed one more thing about her Daniel. He usually sits at the edge of one place. Whatever is the reason behind that, she's excited to know it soon.

Kasama si Aliyah, mabilis na narating ni Chandria ang kinaroroonan ni Daniel. Agad siyang umupo sa upuang katapat ni Daniel, sa gilid ng glass wall. Mahina siyang napasinghap nang masalubong ang malamig na titig ni Daniel kasabay ng paglapat ng balat niya sa nakakapasong lamig ng glass. Si Aliyah naman ay kumikislap ang mga matang naupo sa tabi ni Chandria habang hawak nito ang stand ng number nila na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Kuya, pahiram ng phone." Puno ng lambing na wika ni Aliyah at binitawan na ang hawak nitong stand. Iminuwestra nito ang sariling palad palapit sa gawi ni Daniel. "Maglalaro po ako, please."

Dinukot nito mula sa bulsa ang iPhone nito at mabilis iyong inilapag sa ibabaw ng nakabukas na kamay ni Aliyah. "Huwag mong ubusin ang battery niyan." malumanay na sagot nito sa kapatid.

Pagkatapos ay si Chandria naman ang binalingan nito. "Ba't ang tagal niyong sumunod?" kunot-noong tanong ni Daniel habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"What could possibly be the reason?" Ginantihan niya ng pag-irap ang titig nito. "Gusto lang naming dalawa ni Aliyah na palamigin iyang ulo mo. Ang init kasi."

"Can't you stop being sarcastic?" Daniel's eyebrows met halfway as his hand which was positioned above the table tightly balled into a fist.

"Can't you stop critizing my attitude too?" She asked him back.

Nakita ni Chandria kung paano nag-isang linya ang labi ni Daniel. Unti-unti ring naghiwalay ang magkasalubong na kilay nito. Bumalik ito sa tamang pwesto. He seemed taken aback with what she said. And that sight made Chandria's lips quirked up, forming into a smirk.

Chandria spoke again with much confidence as she stared at Daniel's eyes. "Why bother stressing yourself out just to give comments about my actions, my words and my everything when you're not supposed to do that? Just let me be who I am. This is the way I do things. This is how I express myself. And you surely has nothing to do with that because you aren't a family to begin with. You are just the guy who captivated my heart."

Hindi na nakasagot si Daniel sa sinabi ni Chandria. Napaiwas na lamang ito ng tinginm Napansin ni Chandria ang pamumula ng tenga nito ngunit hindi na lamang siya nagkomento. Nanahimik nalang din siya habang tinititigan ang tenga ni Daniel. Si Aliyah naman ay patuloy lamang sa paglaro ng Carrot Defense sa iPhone ng kuya nito. Hindi nito napansin ang biglaang pananahimik ni Daniel at Chandria sa kanyang gilid.

Nabasag lamang ang katahimikan sa table nila nang may lumapit na lalaking waiter na may dalang tray. Napataas ang kilay ni Chandria nang makita ang makapal na blue eyeshadow sa itaas na parte ng eyelids nito.

"Good noon, Ma'am," Napahinto ito sa pagbati nang dumapo ang tingin nito kay Daniel. "Good noon din sayo, Sir Pogi."

Narinig niya ang mahinang bungisngis ni Aliyah sa kanyang tabi. Para itong natutuwa na may pumuri sa kuya nito. Pero si Chandria, hindi niya magawang ngumisi nang makita ang iritasyon sa mukha ni Daniel. Halatang hindi rin ito pabor sa nangyayari ngayon. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa lalaking nakatayo ngayon sa harap nila.

"Stop eye-raping my husband, will you?! Hindi ka na nahiya sa anak namin." Pinandilatan niya ang baklang waiter kaya nasaksihan niya kung paano gumuhit ang magkahalong takot at hiya sa mukha nito. "Bumalik ka na sa trabaho mo kung ayaw mong isumbong kita sa manager dito."

Napayuko na lamang ang kawawang waiter at mabilis nitong inilipat sa ibabaw ng table ang orders nilaㅡdalawang 2pc. chickenjoy, isang Jolly Spaghetti na may kasamang Jollibee Float, tatlong large fries at tatlong baso din ng coke. Pagkatapos ay humingi lamang ito ng paumanhin at dali-daling umalis sa table nila bitbit ang walang laman na tray.

She didn't feel sorry at all. Chandria even felt good to see that Danielㅡfor the first timeㅡdidnt glare at her the moment she called him a husband. Maybe, Daniel is just plain happy now that she had successfully got rid off that waiter.

Or maybe, there's a deeper reason behind his not-glaring-at-Chandria reaction










****

A/N

Don't mess with the girl named Chandria Arylle Bernardo. Hahahahaha. Pasensya na sa jollibee hahahaha.😂🙈

The Bitchesa's Downfallजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें