See-through

557 29 1
                                    


Chandria could not sustain her feelings, knowing that Daniel had courted her back then. The whole time, her cheeks were flushing red. And Daniel isn't helping Chandria's situation. From the university's garden and their walk back to his car, he was just holding her hands tight. He did not let go until they were inside.

Tahimik lang si Daniel habang nagmamaneho ito patungo sa pinakamalapit na restaurant. Tanghali na kaya sabi nito kanina'y kakain muna sila bago magpunta sa kung saan. Iyon ang huling sinabi ni Daniel bago ito natahimik sa driver's seat.

Napapangiti na lamang si Chandria habang iniisip kung saan siya dadalhin ni Daniel mamaya. She felt excited and less worried about what would happen. She didn't want to, but she's already assuming that this was a date.

"Here." Mabilis siyang napalingon kay Daniel nang magsalita ito. Nakatuon ang mata nito sa isang Pilipino-style restaurant. "I think we can enjoy our meal on this restaurant." seryosong wika nito habang pinaparada ang sasakyan sa gilid ng isang gray na Ford.

Tumango lamang si Chandria bilang sagot. Magkasabay silang lumabas ni Daniel sa kotse nito ngunit naunang maglakad ang binata papasok. Naupo ito sa isang table sa gilid kaya dumiretso na siya sa tapat ng upuan nito.

Ilang saglit pa'y may lumapit nang waiter sa table nila at naglahad ng menu. Purong Filipino dishes ang naroon kaya pinili niya ang caldereta at vegetable salad. Ganoon din ang inorder ni Daniel.

Nagpaalam ang waiter sa kanila sandali. Nang bumalik ito'y may dala na itong tray ng pagkain. Isa-isa nitong inilapag ang orders nila sa table kasama ng malinis na pinggan.

"This place seemed luxurious and very fine." Chandria uttered as she tried to open up a conversation.

Sandaling tumingin si Daniel sa kanya pagkatapos ay yumuko din ito. "Bago pa itong restaurant na ito."

Tumaas ang kilay ni Chandria. "How did you know?"

"Noon, I usually invite you to lunch dates." Tumikhim ito at agarang sumubo ng isang hiwa ng patatas. "Pero wala pa noong restaurant dito kaya doon kita dinadala sa maliit na kainan sa kabilang kalye."

"Sweet." she commented before letting a soft chuckle escape out of her mouth.

Hindi na muling sumagot si Daniel pagkatapos. May suwabe mang musika na pinapatugtog sa loob ng restaurant, ramdam niya ang presensiya ng katahimikang pumapagitna sa kanilang dalawa. Itinuon na lamang ni Chandria ang pansin sa pagkaing nasa harap at mabilis iyong inubos.

Pagkatapos nilang kumain ay tinawag ni Daniel iyong waiter upang magbayad ng bill. Nang kumuha siya ng pera sa sariling wallet ay sinipat siya ni Daniel ng masamang tingin at sinabing ito na mismo ang magbabayad. Napairap na lamang siya at mabilis na tinago ang wallet sa kanyang bag. Pagkatapos noon ay agad nilang nilisan ang restaurant.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Chandria habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Katext niya si Sandy.

"I don't know."

"Seriously?" sarkastikong wika ni Chandria. Nakayuko siya at patuloy na tinititigan ang cellphone. Hinihintay niya ang importanteng mensahe ni Sandy.

Narinig niya ang malakas na tikhim ni Daniel bago ito sumagot. "Let's watch a movie."

Agad siyang nag-angat ng tingin. Nahuli niya ang pagsulyap nito sa umiilaw niyang cellphone ngunit agad din nitong ibinalik ang tingin sa daan. Tinaasan niya ito ng kilay ngunit hindi siya nagsalita.

"And please, Chandria, stop texting someone when you are with me."

Nakasimangot si Chandria habang tinitignan ang mataas na linya sa ticket booth. Kung sana'y hindi umalis si Daniel upang bumili ng kung ano ay hindi sana siya mapipilitang pumila ngayon. Naaasiwa siya sa kung sino man itong nasa likod niya ngayon. Parang sinasadya nito ang mahinang pagtulak sa kanya.

Nang marinig niya ang mahinang hagikhikan ng mga walang modo sa kanyang likod ay hindi na niya napigilang harapin ang mga ito. Ang nakangising mukha ng binata ang sumalubong sa kanyang masamang tingin. Agad siyang humalukipkip at tinaasan ito ng kilay. Natahimik bigla ang mga kaibigan nito sa likod. May isa pang tumikhim ngunit hindi na niya iyon pinansin.

"Will you stop pushing me?!" Nakasentro ang tingin niya sa binatang pinakamalapit sa kanya. Ito malamang ang tumutulak sa kanya kanina.

Maputi ito at chinito. Gwapo. Pero hindi ito ang tipo ni Chandria. Mas gusto niya iyong may mapupungay na mga mata. Gusto niya iyong hindi maputla ang kutis at tamang kayumanggi lang. Iyong may perpektong tangos ng ilong. Gusto niya iyong kamukha ni Daniel Markus Ford o si Daniel Markus Ford mismo.

Lalo siyang nairita nang sumulyap ito sa mga kaibigan nito at muli silang nagngisihan. Nanliliit ang kanyang mga mata nang bumalik ang tingin nito sa kanya. Naglaho ang ngisi sa labi nito ngunit nandoon pa rin ang tuwa sa pagkurba ng maliit nitong mga mata.

"Sorry, Miss! Hindi ko alam na natutulak na pala kita. Tinatabunan ko lang kasi 'yong likod mo. Sexy kasi e. See-through," nanunuyang wika ng lalaki at kinindatan pa siya nito.

Lalong umigting ang galit ni Chandria dahil sa narinig. "What the hell did you say?!" nanggagalaiti niyang tanong. Hindi niya namalayang lumapat na pala ang palad niya sa pisngi ng binata. Rinig ni Chandria ang singhap ng mga kaibigan nito.

"Woah!"

Nanlaki ang mata nito at bahagyang napaatras. "What the?!"

She just slapped the guy in front of his friends and in front of other people. Every witness of the scene seemed to be stunned. Yet, she didn't care. She just raised her left eyebrow at the guy who's now holding his own cheek. One more deadly glare and she finally turned her back on guy, flipping her smooth white hair on the side.

Tamang-tama naman sa kanyang pagharap ay nakita niyang naglalakad na si Daniel patungo sa direksyon niya. Maraming tao ang kasabay nitong naglalakad ngunit agad niya itong namataan. Pansin niya ang paglingon ng mga dalaga sa gawi nito. Siguro'y natural na sa binata na humakot ng atensiyon.

Naririnig niya ang bulungan ng mga lalaking nasa likuran niya ngunit hindi niya ito pinansin. Sikretong nagpasalamat si Chandria nang tuluyang lumapit si Daniel sa kanya. May bitbit itong popcorn sa kanang kamay at sa kaliwa nama'y isang plastic cellophane na naglalaman ng dalawang coke-in-can. Inabot ni Daniel sa kanya ang popcorn at agad niya itong tinanggap.

"Ang tagal mo." prangkang sambit niya. "I got real bored and irritated."

Napatiim-bagang si Daniel. Lalong nadepina ang perpektong hugis nito. "I just bought... something."

"Okay." Tanging naisagot niya at humalukipkip.

"Maupo ka na muna, Chandria." Ma-awtoridad ang boses ni Daniel nang magsalita. "Ako na ang pipila."

Tumango lamang si Chandria at mabilis na humakbang. Ngunit napahinto siya sa paglakad nang may biglang nagsalita mula sa likuran.

"Pare, nobya mo ba 'yon? Klarong-klaro ang bra niya o."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Mahina siyang napamura. Boses iyon ng lalaking nasampal niya kanina. Gusto niya nang lumayo ngunit hindi sumang-ayon ang kanyang paa. Nanatili ito doon sa kanyang kinatatayuan.

"Shit!" malakas nitong mura.

Agad siyang napalingon nang marinig ang baritonong boses ni Daniel. Napasinghap si Chandria nang maabutan niya ang kamao ni Daniel na lumapat sa pisngi ng binatang nasampal niya kanina.

The Bitchesa's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon