Sto. Domingo

585 31 1
                                    


Hindi na ulit nagsalita si Daniel matapos iyong sabihin. Natahimik na lang din si Chandria sa kanyang kinauupuan hanggang sa marating nila ang construction site na nabili ni Daniel kay Mr. Roosevelt.

Unang lumabas si Daniel sa kotse. Nagsuot ito ng puting ball cap na may tatak NY. Chandria was expecting he'd open a door for her like what he did awhile agoㅡin front of her house. But Daniel did not do it this time. And Chandria was left inside the car, feeling disappointed while watching Daniel walk towards the wide lot.

Nang mahimasmasan sa pagiging dismayado, agad din siyang lumabas sa kotse at sinundan si Daniel. Malaki ang area ng site at malaki ang bawat hakbang ni Daniel kaya hindi niya ito agad naabutan.

"This area is wider than I expected," bulalas niya nang tuluyang makalapit kay Daniel. "Gosh! I didn't think I could possibly walk this far. Nakakapagod!"

Pinapaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang palad para kahit papaano'y mabawi niya ang normal na paghinga. She was literally chasing her breath right now. She breathed in hardly, she breathed out quick. Now, she knew walking this two hectares lot on an open field is extremely disastrous for her lungs.

Nang tuluyan niyang mabalik sa normal ang paghinga at ang pagtibok ng puso niya, mas lalo namang naging sensitibo ang katawan ni Chandria. Para siyang napapaso dahil sa sikat ng araw. Umaga pa lang kasi ay tirik na tirik sa Sto. Domingo, ang lokasyon ng construction site.

"Ano ba itong lugar na ito?" Binalingan niya ng tingin si Daniel na ngayon pala ay mataman ring nakatitig sa kanya. Ikinabigla niya iyon ngunit nagpanggap siyang walang pakialam. Sa halip, tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ang init? It's not like this in the city or even outside my house."

Rumehistro ang iritasyon sa mukha ni Daniel. Kitang-kita ang pangungunot ng noo nito habang kaharap si Chandria.

"Bakit ba ang dami mong reklamo?" sarkastikong tanong ni Daniel sa kanya. "Malapit tayo sa dagat kaya mainit. Wala ka talagangㅡ"

"Alam? Oo. Wala akong alam." Inirapan niya si Daniel at ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. "Malay ko ba kung may dagat dito, hindi naman ako pamilyar sa lugar. It's my first time here."

Nagtagis ang magkabilang bagang ni Daniel. Mukhang napuno na ito sa kanya.

"Hindi ka pamilyar sa lugar?" Sarkastikong tumawa si Daniel at marahang umiling. "You have visited this place years ago. Nakalimutan mo lang ata. Wala ka kasing ibang inisip kundi ang sarili mo kaya nakalimutan mo na. Selfish ka kasi."

Awtomatikong nagkasalubong ang kilay ni Chandria dahil sa narinig. She can't remember anything about her going here at Sto. Domingo. And she surely can't understand Daniel. He just called her selfish in front of her face. How was that?

"What the hell are you talking about?" She tried to sound irritated as she asked, but it ended up having a tone of curiosity.

Bumuntong-hininga lamang si Daniel. "Nothing," mahinang wika nito bago siya tinalikuran.

Sinundan niya ito ng tingin at nakitang papunta ito sa kaliwang boundary ng area. Mukhang may ichecheck ito doon.

Ilang metro na ang layo nito sa kinatatayuan niya nang bigla nalang itong humarap at naglakad pabalik sa kanya. Malalaki ang bawat hakbang nito kaya agad din itong nakalapit sa kanya. Huminto ito sa mismong harap niya.

Napataas na lamang ang kilay ni Chandria kasabay ng pag-awang ng mga labi niya nang biglang inilipat ni Daniel ang suot nitong ball cap sa kanyang ulo. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig dahil sa ginawa nito. She was freaking speechless. Yet, her nerves are absolutely partying now, along with her wicked heart.

Daniel just cleared his throat before he walked away, leaving Chandria dumbfounded.

Naiwan na lamang siya doon sa gitna ng lote na direkta nadadapuan ng mainit na sinag ng araw. At dahil sa pag-iisa, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Daniel kanina.

Totoo ba ang sinabi nitong nakapunta na siya sa Sto. Domingo dati? Bakit hindi niya matandaan ang bagay na iyon? Paano niya nakalimutan ang lugar na ito?

Ang lahat ng katanungang iyon ay ang tanging naging laman ng isip ni Chandria habang naglalakad siya pabalik sa kotse ni Daniel.





******
A/N

Sorry for the short update...Wala lang kasi ako talaga sa wisyo hahahaha. Bahala na kayo mag isip about sa update today hahaha. 😜😊

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now