Lips and BBQ

614 30 7
                                    


Natigilan lamang si Chandria sa pagsambit ng mga salitang pilit kumakawala sa kanyang sistema nang maramdaman ang presensiya ni Daniel sa gilid niya. Nang lumingon siya sa gawi nito'y agad niyang napansin ang muling pangungunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Chandria." mahina lamang ang pagbulong ni Daniel ngunit ma-awtoridad pa rin ang boses nito. "Let's go. Pinagtitinginan ka na ng mga tao."

"Ano naman ngayon? Gusto kong sumigaw, e." Pinihit niya ang sarili paharap kay Daniel at tinaasan ito ng kilay. "Wala akong pakialam sa kanila."

Humakbang si Chandria palapit kay Daniel upang punan ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Isang ngisi ang sumilay sa mukha ni Chandria nang hilain niya ang collar ng polo ni Daniel. Awtomatikong bumaba ang mukha ni Daniel patungo sa kanya at iyon ang naging pagkakataon ni Chandria upang angkinin ang nakaawang na labi ni Daniel.

It was obvious. Daniel was stunned when Chandria's lips touched his. Daniel could feel his body stoned as his breath became heavier and heavier each passing second. Their lips remained glued and still as a simple smooch.

However, when Daniel has finally got the chance to realize what was happening, his hand suddenly trailed up to Chandria's waistㅡpushing her body away from him. And that harsh gesture broke the kiss connecting the two of them.

"Why did youㅡ"

Nabitin sa ere ang gustong itanong ni Chandria nang bigla na lamang siyang tinalikuran ni Daniel. Napangisi na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang malalaki at mabibilis na hakbang ni Daniel patungo sa kotse nitong nakaparada sa gilid ng cottage.

Habang nakamasid sa malapad na likod ni Daniel ay agad siyang nakaramdam ng gutom. Literal na gutom. Kaya nang makita niya ang maliit na BBQ Haus na nakapwesto nasa 'di kalayuan, agad siyang nagpunta doon. Bumili siya ng ilang stick ng hotdog, isaw at pork. Well, she wasn't scared of eating such thing since the surroundings and facilities there were obviously clean.


Sampung minuto rin ata ang tinagal ni Chandria bago makalabas sa tindahang iyon. Nangangamoy-usok na nga siya, e. She badly needs to bath under a shower of perfumes now.

Pagkatapos niyang bumili ng kaunting pagkain ay agad rin siyang bumalik sa kotse ni Daniel, bitbit ang isang paper bag. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ng kotse ay bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Daniel. Nadatnan niyang nakakrus ang braso nito sa ibabaw ng dibdib nito habang prenteng nakaupo sa driver seat. Akmang magsasalita si Chandria nang bigla na lang niyang narinig ang baritonong boses ni Daniel.

"Ba't antagal mong bumalik? Saan ka ba nagsususuot?" naiinis na wika nito. "Gutom na ako. Taraㅡ"

"Here." Nahinto si Daniel sa pagsasalita nang ipakita ni Chandria ang hawak nitong paperbag. "I've bought it at BBQ Haus. We'll, grilled foods lang 'yan pero nakakabusog pa rin naman."

She tried to put a smile on her face but Daniel just rolled his eyes on her.

"Ba't ba ang dami mo pang satsat? Ano bang akala mo, hindi ako kumakain ng ganyan?" Daniel popped a 'tsk' out of his lips as he intently gazed at her again. "Get inside now," seryosong utos nito at umiwas na ng tingin. "Mangingitim ka na sa pagbibilad sa araw."

Tumaas ang kanang kilay ni Chandria kasabay ng pag-angat ng isang sulok ng kanyang labiㅡisang pahiwatig na siya ay kinikilig. Lumulukso ngayon ang puso niya sa tuwa dahil sa nangingibabaw na pag-aalala sa boses ng isang masungit na Daniel.

"Fine." Mabilis siyang naupo sa passenger seat at marahang sinarado ang pinto. "Kumain na muna tayo dito. I don't want you to drive with a hungry stomach."

"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ni Daniel.

"Yes." Chandria nodded and showed him an assuring smile before taking out one stick of grilled pork from the paper bag.  "Here." She moved the stick towards Daniel's lips. "Tikman mo. Mukhang masarap 'to."

"Have you tasted it?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Daniel sa kanya at sa pagkaing nasa harap nilang dalawa. Ang nakasaradong kotse ay binalot ng masarap na amoy ng karne kaya lalong naghilab ang kalamnan ni Chandria.

"Ayaw mo ata." Napairap siya sa hangin. "Ako na nga lang kakain."

Ang tanging tugon na natanggap ni Chandria ay ang pagsasalubong ng kilay ni Daniel. Akmang ibababa na ni Chandria ang hawak na stick nang bigla na lang siyang hinawakan ni Daniel sa pulsuhan at mabilis nitong kinagat ang isang piraso ng nakatuhog na pork.

"Masarap." simpleng wika nito pagkatapos ngumuya. "Try mo iyong hotdog o isaw."

Kunot-noong pinagmasdan ni Chandria ang susunod na gagawin ni Daniel. Bahagyang yumuko ang binata at kumuha pa ng isang stick ng hotdog mula sa paper bag na nakapatong sa hita niya. Akala niya'y iyon na naman ang kakainin ng binata ngunit napaawang na lamang ang kanyang labi nang iniumang ni Daniel ang hotdog na hawak nito palapit sa kanya.

"Kainin mo ito. It's my thank you."

"What?!" biglang sigaw ni Chandria. "Ako ang bumili niyan, in case you don't know."

Isang tipid na tawa ang kumawala sa bibig ni Daniel nang marinig ang reaksiyon ni Chandria. "Alam ko," simpleng sagot ni Daniel pagkatapos nitong tumawa nang mahina.

After hearing Daniel's laugh for the first time, Chandria felt her heart clenching in joy and surprise. Right there and then, she had the sweetest lunch with Daniel which was witnessed by the small waves of the beautiful sea in front of them.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas muna si Daniel upang itapon ang basura nila at ang mga natira nama'y ibibigay daw nito sa mga batang nakakalat sa lugar.

Naiwan si Chandria sa loob ng kotse ni Daniel. Tahimik siyang naghintay kay Daniel habang tinititigan ang malawak na dagat na nasa kanyang harapan. She didn't know why, but every passing minute that she would stare on the beach's white sand, her heart would beat faster and faster and faster. And her mind would flash different scenes of imagination which includes her and Daniel. She didn't even know why, but she suddenly felt sad and she suddenly felt that those thoughts were all real.

Natigil lamang ang malalim na pagmumuni-muni ni Chandria nang bumalik na si Daniel. Ang lahat ng katanungang nasa kanyang isip ay agad na nabura nang tumagos sa kanyang katauhan ang mapanuring tingin ni Daniel. Mukhang nagtaka ito kung bakit siya nakatulala pero hindi na ito nagtanong.

Tahimik itong umupo sa driver's seat at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Nang tuluyan nang tumakbo ang kotse palayo sa dagat, agad ring binasag ni Chandria ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa loob ng kotseng minamaneho ni Daniel.

"We've done checking the area so our activity for today is already done." Chandria uttered as she tried to crack up one conversation. "You're taking me home now, right?"

Saglit na sumulyap si Daniel sa kanya ngunit agad din nitong inilihis ang tingin pabalik sa sementadong daan. "Ihahatid lang kita sa bahay mo para makakuha ka ng ilang damit at personal na gamit. Tapos sasama ka ulit sa akin."

"What?" naguguluhang tanong ni Chandria. Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa naging sagot ni Daniel. "Do we have other appointments scheduled today?"

"Save your questions first. Doon ka matutulog sa bahay ko ngayon," ma-awtoridad na saad ni Daniel habang binibigyang-diin ang salitang 'ko'.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now