Image

598 30 0
                                    


Nang tuluyang makapasok si Chandria kasama si Aliyah at Daniel sa loob ng bahay ng magkapatid, agad siyang hinila ng maliit na babae patungo sa kwarto nito. Hindi na siya nakapalag pa sapagkat mahigpit nitong hinahawakan ang pulsuhan niya habang hinahatak siya nito patungo sa hagdan. Hindi niya alam kung nasaan si Daniel. Nagpa-iwan lamang ito sa sala at hinayaan siyang sumama kay Aliyah.

Nang makapasok sila sa loob ng kwarto ng batang babae, sumalubong sa kanyang paningin ang maaliwalas na paligid. Maliwanag. Malinis. Malamig. Masyadong pambabae. Lahat ng bagay na nadadapuan ng kanyang tingin ay kulang pink lahat. Iyong bedside table lang yata ang itim doon sa loob ng kwarto ni Aliyah.

"Ate, upo ka lang sa kama. Magc-change lang ako ng uniform." nakangiting wika ni Aliyah habang inilalapag nito ang maliit na sling bag sa bedside table nito.

Tumango lamang si Chandria bilang sagot at mabilis na umupo sa paanan ng kamang nakaharap sa pinto. Tanging hagikhik ang kanyang narinig kay Aliyah bago ito tumalikod sa kanyang gawi at naglakad patungo sa shower room, bitbit ang pink na tuwalya.

Ilang saglit pa'y natahimik na ang buong paligid. Ang paglagaslas ng tubig ang tanging niyang naririnig...hanggang sa marinig niya ang pagpihit ng pinto. Mula sa pagkakayuko, agad siyang nag-angat ng tingin. At isang nangungunot-noong Daniel Markus na naman ang bumungad sa kanya. Nakatayo ito 'di kalayuan sa kanya habang hawak-hawak ang gilid ng nakaawang na pinto.

"What are you doing here?" she unintentionally asked. Those words just slipped out of her tongue without her brain telling her to do it.

Lalong nagkasalubong ang kilay ni Daniel habang pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "What are you doing here?" Inulit nito ang tanong niya ngunit mas matigas ang pagbigkas nito sa bawat salita.

"Dinala ako ni Aliyah dito." Inirapan niya lamang si Daniel. "Is there any problem with that?"

"Chandria, you knew why I brought you here." Nabitawan ni Daniel ang pinto sapagkat marahan nitong hinilot ang sariling sentido. "We are supposed to plan for our project tonight. Hindi iyong pupunta ka dito at makikipagkuwentuhan lang sa kapatid ko tungkol sa mga walang-kwentang bagay."

For the second time, she just rolled her eyes on him and uttered, "What's wrong with that?"

"Damn Chandria!" His voice thundered all over the room. "Grow up! You are already 25. You are not a kid anymore, but you are acting too immature for you age. Nakikita mo ba ang sarili mo, ha? Wala ka pang permanenteng trabaho. Lahat ng mayroon ka, galing lang 'yan sa ama mo. Wala ka pang napupundar na pinagsikapan mo talaga. Pati pag-uugali mo, hindi mo inaayos. Kelan ka pa ba magbabago, ha?"

"Seriously Dan, what's with you now?" Tumaas ang kilay ni Chandria. "What's with the outburst? My gosh, for goodness' sake! I am just sitting here inside your sister's room. I'm not doing anything wrong!"

"Not doing anything wrong? Really?" Biglang kumawala sa bibig ni Daniel ang isang nakakalokong tawa. "Chandria, you're doing everything wrong! You speak wrong, you act wrong. Now tell me, are you really aware of your image as Chandria Arylle Bernardo?" Humugot si Daniel nang malalim na hininga at marahang umiling. "Tingin ng iba sa'yo wala kang kwenta kasi 'yon ang pinapakita mo. Why don't you change it? Why don't you try to be better?"

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Daniel, unti-unting naninikip ang puso ni Chandria. Baon na baon sa kanyang isipan ang lahat ng masasakit na ideyang pinapamukha sa kanya ni Daniel. Hindi siya apektado sa kung ano man ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Wala siyang pakialam doon. Pero ngayong si Daniel na mismo ang nagsasabi noon sa harap niya, pakiramdam niya'y tinamaan siya ng isang nakakabinging sampal. Ang lakas ng impact nito sa sistema niya.

Kagat-labing napayuko si Chandria habang pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nawalan siya ng lakas upang sagutin ang binata ngunit pinilit niya ang sariling magsalita. Hindi siya nagpadaig sa sakit na sikreto niyang nararamdaman ngayon.

"Is that how you see me too? Walang kwenta?" Nag-angat siya ng tingin at mapaklang tumawa. Pagkatapos ay ipinagkrus ni Chandria ang kanyang braso sa sariling dibdib. "I don't care, Dan. I don't really fucking care." Sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa mukha ni Chandria nang tumayo siya. "And to end this shitty conversation, I just want to ask you something."

Umigting ang bagang ni Daniel kasabay ng lalong pagdikit ng mga kilay nito.

Hindi na niya hinayaang makasagot pa si Daniel. Tinaasan niya ito ng kilay at nagsalita, "Why would I change for the better when I'm already the best?"

Kunot-noong humakbang si Daniel palapit sa kinatatayuan ni Chandria. "Come with me," ma-awtoridad nitong saad at mahigpit na hinawakan ang pulsuhan ni Chandria.

Biglang nangunot ang noo ni Chandria habang pilit niyang inaalis ang kamay ni Daniel na nakapulupot sa kanyang pulsuhan. "Saan ba tayo pupunta?" Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Chandria nang tuluyan siyang hinila ni Daniel patungo sa pinto ng kwarto ni Aliyah.

"I'm takingㅡ"

"Kuya!" Ang matinis na sigaw ni Aliyah ang umalingawngaw sa buong kwarto kasabay ng pagbukas ng pinto ng shower room. "Ba't mo hinihila si ate Chandria?"








*****

A/N

Happy 8th anniversary to KathNiel!!! 💙🥂

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now