Partner

668 33 2
                                    


Lumikha ng tunog ang heels ni Chandria nang siya ay pumasok sa library. Napalingon sa gawi niya ang dalawang lalaki na nasa loob ng silid. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chandria kay Daniel at sa kanyang ama, si George. Tumango lamang ang kanyang ama na tila'y inaanyayahan siyang pumasok na. Ngunit si Daniel, katulad ng dati, magkasalubong na naman ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.

"Hi Dan." She winked at him, not minding her Dad's presence, and showed a flirtatious smile.

Daniel just rolled his eyes and moved his gaze away. That hurt her a little. Chandria was actually expecting that things would be a bit different now. Akala niya mag-iiba na ang pakikitungo nito sa kanya. Akala niya kapag nagkita sila ulit ay ngingitian na siya nito.

That sweet gesture last night gave her high hopes. But that hope went tumbling down when she saw that frown on Daniel's face the very moment their eyes met. It simply means that they're back to square one.

Mali bang nag-assume siya agad?

This is absolutely depressing for her. Hindi na niya alam kung anong gagawin upang tuluyan nang makuha ang loob ni Dan.

"Chandy, anak."

Nabalik si Chandria sa reyalidad nang marinig ang baritonong boses ng kanyang ama. Agad na bumaling ang tingin niya dito.

"Maupo ka na rito sapagkat marami pa tayong pag-uusapan," dugtong nito.

Nagkibit-balikat lamang si Chandria at muling isinara ang pinto. Pagkatapos ay humakbang siya palapit sa table ng ama.

"Kasama ba dito si Dan, Dad?"

Nangunot ang noo ng ama niya nang banggitin niya ang salitang 'Dan'. Halata sa mukha nito ang pagkalito.

"I mean Daniel Dad." Pagklaro ni Chandria.

Agad na nawala ang pangungunot ng noo ni George nang marinig ang sagot ni Chandria. Mukhang nakuha na nito ang ibig sabihin ng pagtawag niya ng 'Dan' kay Daniel.

"Si Daniel pala ang tinutukoy mo." Tumikhim si George at binigyan si Daniel ng makahulugang tingin. "Oo, kasama siya sa pag-uusap nito."

"Mukhang magiging exciting itong meeting na 'to," nakangising wika niya at lumapit sa gilid ni Daniel.

Dumukwang si Chandria upang halikan si Daniel. Ngunit bago pa man lumapat ang labi niya sa pisngi nito ay naka-ilag ang binata. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso pero iwinaksi niya ang sakit na nararamdaman sa puso at lakas-loob siyang ngumisi sa harap nito. May natural siyang talento sa pagtago ng nararamdaman.

"Naiilang ka bang mahalikan ng babae?" pang-aasar niya kay Daniel. "Aren't you professional? You should know what's beso-beso."

Mas lalong lumapad ang ngisi ni Chandria nang makita niya ang paglandas ng inis at kaunting hiya sa mata ni Daniel.

His eyebrows were meeting halfway and his jaw was perfectly clenching as he stared through her eyes' depth. It feels like she's losing her breath because of great intensity surrounding the two of them.

"Ehem." Pareho silang nagbawi ng tingin nang marinig ang pekeng tikhim ng ama na kanina pa pala nanonood sa bawat galaw nila. "Maupo ka na, Chandy."

"Fine." Nagkibit-balikat si Chandria at agad na umupo sa bakanteng upuan na kaharap kay Daniel. "I want this stupid meeting to end fast and clear."

Awtomatikong napaikot ang kanyang mga mata nang makitang tumitig ang ang dalawang lalaki sa kanya. Parehong nakakunot ang noo nito.

"What now?" Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin kay Daniel at sa ama niya. "Better start talking now, Dad. Wala mangyayari kung tititigan niyo lang pala ang beauty ko."

"Anak..."

Agad siyang napalingon sa gawi ng kanyang ama. May seryosong ekspresyon sa mukha nito.

Uminom muna ito ng wine sa baso bago magsalita ulit. "Noong mga nakaraang araw, napag-isipan ko na magpatayo ng isa pang hotel. Kaya naㅡ"

Pinutol niya ang dapat sana'y sasabihin ng ama niya. "Kung ang pagsang-ayon ko lang pala ang gusto mong marinig, then okay Dad. Payag ako sa plano mo. Pwede na ba akong umalis?"

"No," matigas na sabi ng kanyang ama. "You stay here and we'll talk about your part in this plan."

"What?!" Chandria was half-whispering and half-shouting. Hindi makapaniwalang tinignan niya si Daniel.

"You know something about this?" Kunot-noong tanong niya dito.

Nagkibit-balikat lamang si Daniel at pinasadahan siya ng malamig na tingin. "Show some respect, Chandria. Ama mo ang kausap mo at hindi kung sinong tao lang."

Awtomatikong napaikot ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ni Daniel. As in duh! Her manners will always be a bad issue for Daniel. That surely wouldn't change.

"Whatever, Dan." Ipinagkrus niya ang kanyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib at muli niyang inirapan si Daniel bago itinuon ang pansin sa ama niya. "I can pretend that I'm all ears now. So Dad, you can continue what you've said awhile ago."

Tumango lamang ang ama niya at tipid na ngumiti. "As I was saying, napagdesisyunan kong magtayo ng isa pang hotel. Pero ito ay ipapangalan ko sayo. It'll be your personal property."

Napangisi si Chandria sa kanyang narinig. It sounds really great. Hotel ang ipapatayo para sa kanya. Sigurado siyang kahit hindi siya makialam sa construction ay ibibigay talaga ito sa kanya. Sigurado rin siya na ang pagplano, paggastos at lahat-lahat ay imamanage ng Dad niya. Ganito naman palagi e. Hindi niya na kailangang magpakahirap para mabuhay. Her Daddy will provide her everything.

Naglaho ang mga ideyang kasalukuyang iniisip ni Chandria nang marinig ang baritonong boses ng ama. "As you know, constructing buildings always needs a creative architect and a great engineer. So, I want you both to partner up and make the hotel construction sucessful. I'll give you six months to do it."

Chandria's jaw dropped when she realized what her father wants her to do. It will be her first construction project in her entire life. She was having hesitations, whether to agree or decline the offer. But it's an opportunity. If this project is a step closer to Dan's life, then she'll accept it with enthusiasm.




*******
A/N

Umaayon ang kapalaran kay Chandria the bitchesa.... isn't it? Hahahaha. 😉😝

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now