Table has turned

552 26 0
                                    


Sa lakas ng suntok ni Daniel ay biglang natumba ang binata. Impit na napatili si Chandria dahil sa nasaksihan. Ganoon din ang iilang college students na nasa malapit lang. Nawasak ang pila sa ticket booth dahil sa gulong naganap. Pumalibot ang iilang tao sa kanila at nagbulungan.

Ang lalaking nasuntok ni Daniel ay agad din dinaluhan ng mga kaibigan nito at tinulungang makatayo. Napangiwi si Chandria nang makita ang bahagyang pangingitim ng gilid ng labi nito.

Bumaling ang tingin ni Chandria kay Daniel. Pulang-pula ang buong mukha nito habang sinisipat ng masamang tingin ang lalaking nasuntok.

"You fuck off." Madiin ang pagbigkas ni Daniel sa bawat salita. Umiigting ang bagang ni Daniel kaya lalong nadedepina ang magandang hugis ng panga nito.

Mabilis na pumulupot ang kamay ni Daniel sa pulsuhan ni Chandria. Padarag siya nitong hinila palayo bitbit ang mga binili nito. Umaatras ang iilang estudyante upang sila'y padaanin. Hindi pa sila masyadong nakalayo nang sumigaw ang lalaki mula sa likuran. Narinig niya ang mahina ngunit malutong na mura ni Daniel ngunit hindi ito lumingon pabalik. Hindi niya na rin iyon pinansin. Nagpatianod na lamang siya kay Daniel.

Huminto sila sa isang foodcourt. Akala ni Chandria ay mananatili sila doon at kakain pero nagkamali siya ng hinala. Iniwan lang pala ni Daniel doon ang popcorn at coke-in-can. Pagkatapos ay nag-aya na itong umalis. Hindi na siya hinihila ni Daniel ngayon pero mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya. Para siyang isang bata na bantay-sarado sa ama habang naglalakad silang dalawa.

Binitawan lamang siya ni Daniel nang makarating sila sa H&M store. Tumaas ang kilay niya nang marahas siyang inikot ni Daniel. Marahan nitong hinawi ang buhok niya. Ramdam ni Chandria ang paglibing ng matalim nitong tingin sa kanyang balat. Narinig niya ang malutong nitong pagmumura.

Tumaas ang balahibo ni Chandria nang maramdaman ang haplos ni Daniel sa kanyang likod. Pati siya ay napapamura sa kanyang isipan. Nakakapanginig ng tuhod ang init ng daliri ng binata.

"Dammit, Chandria. I should have noticed it first before thatㅡ" Napahinto si Daniel sa pagsasalita nang pihitin ni Chandria ang sarili paharap dito.

"What?" Tumaas ang isang sulok ng labi ni Chandria. "That bastard?"

Lalong nag-igting ang bagang ni Daniel at marahang nag-iwas ng tingin. "Yeah. Fuck that bastard." matigas na wika nito at bigla na lang nagpunta sa isang clothing rack. May iilang damit doon na nakasabit sa itim na hangers.

Taas-kilay na sumunod si Chandria sa binata. Nakita niya itong dumukot ng isang puting long sleeve. Nanlilisik ang kanyang mga mata nang biglang lumapit ang isang saleslady kay Daniel. Narinig niya pa itong tumawa sabay sabing maganda ang napili ni Daniel. May pangiti-ngiti pang nalalaman. Halatang lumalandi sa kanyang Daniel. Lalong tumaas ang lebel ng iritasyon sa sistema ni Chandria dahil doon.

"I don't like it." sarkastikong wika niya nang tuluyan siyang makalapit. Ang damit ang tinutukoy niya.

Sinulyapan niya saglit ang saleslady at tinaasan ng kilay. Napangiwi lamang ang babae at walang imik na umalis sa tabi ni Daniel.

"So?" Walang emosyong tanong ni Daniel pabalik. "Ito pa rin ang susuotin mo mamaya."

"You're pushing me to wear that one. Seriously?" Inangat niya ang hintuturo at ito'y iwinagayway pakanan at pakaliwa. "No way, Dan! Magmumukha na akong white lady niyan!"

She can't stop herself from being hysteric when it comes to this stuff. White is not really for her. Well, her hair is an exception though. But really! White clothes doesn't really suit her.

Naiirita siya habang tinitignan ang puting long sleeve na hawak ni Daniel. It's a high neck top with pleated detailing, and it's absolutely not her taste! Kung isusuot niya ito'y paniguradong balot na balot na siya.

Hindi niya mapigilang umirap sa bawat nanunuyang sulyap ng binata. Para may plano si Daniel na hindi pabor sa kanya.

"Here." Inabot ng binata ang damit na napili nito. "Isukat mo. Let's see if it's good for you."

Mariin niyang tinitigan ang puting damit at humalukipkip. "No way!"

"Come on." masuyo ngunit ma-awtoridad na wika ni Daniel. "Chandria, just this once, just today, makinig ka naman."

Napakagat-labi na lamang si Chandria at marahas na tinanggap ang long sleeve na hawak ni Daniel. "Para saan ba kasi 'to?"

Humugot ng malalim na hininga si Daniel. "Malamang, isusuot mo 'yan mamaya kapag nakalabas na tayo sa mall. We'll go... somewhere... tonight."

Napaawang ang labi ni Chandria dahil sa narinig. Nabigla siya at sa parehong pagkakataon ay nasiyahan. Nilamon nito ang iritasyong nararamdaman niya. She suddenly felt excited with that 'somewhere'. Vision of great nearby places suddenly flashed on her mind.

Napapangiti si Chandria habang naglalakad siya patungo sa dressing room na nasa gilid. Nakasunod lamang si Daniel sa kanya. Ramdam niya ang titig nito sa kanyang likod.

"Bilisan mo." Rinig niyang wika ni Daniel bago niya maisara ang pinto ng dressing room.

Labag man sa kanyang kalooban, mabilis niyang sinukat ang damit. Kung hindi siya susunod sa gusto niDaniel, malamang ay maiinis na naman ito at hindi na matutuloy ang pagpunta nila sa 'somewhere' na sinabi ni Daniel kanina.

Napaawang ang labi ni Chandria nang makita ang repleksiyon niya sa salamin suot ang puting long sleeve. Magkasing-kulay ang buhok niya at ang tela ngunit hindi iyon pangit tingnan. Umirap si Chandria at pilit na isinasaksak sa kanyang sariling isipan na hindi bagay sa kanya ang simpleng damit na suot ngayon.

Dali-dali niya itong hinubad at mabilis na inayos ang sarili. Gamit ang daliri ay sinuklay ni Chandria ang magulo niyang buhok bago siya lumabas sa dressing room. Sumalubong sa kanyang paningin ang seryosong mukha ni Daniel. Nakatayo ito sa harap ng dressing room at nakahalukipkip.

Nang dumapo ang mata ni Daniel sa kanyang katawan ay agad na nangunot ang noo nito. "You didn't wear it." Sinamaan siya nito ng tingin.

Ngumisi lang si Chandria. "Sinuot ko ito sa loob. Hinubad ko lang," depensa niya. Ibinigay niyang muli kay Daniel ang damit. "Don't worry. It fits on me and it's decent."

Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay kinuha na ni Daniel ang damit sa kanya. Dumiretso ito sa counter at binayaran ang napili nitong damit para sa kanya. Nakasunod lamang si Chandria sa binata at pinagmamasdan ang bawat galaw nito.

As she looked at Daniel, she could not help but think deep of him. What was he thinking while doing all of these? Why is he doing all these damn sweet things? What's his plan behind? Only hell knows what he's up to. And little fear is starting to climb up on Chandria's system.

It seems like the table has turned now. Daniel seemed to begin manipulating her and Chandria was letting her own bitchy self drop low.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now