Decided

622 37 0
                                    

"Hi." simpleng bati ni Chandria nang makalapit sa table ni Daniel.

Tumayo si Daniel nang magtagpo ang kanilang mata. Akmang hahalik ito sa kanyang pisngi ngunit agad siyang umiwas. Naging matigas ang ekspresyon sa mukha ng binata nang muling umupo.

"What took you so long?" diretsong tanong ni Daniel habang humihigop ng tea.

Hindi sumagot si Chandria. Nagkibit-balikat lamang siya at umupo na sa tapat ni Daniel. Napansin niyang may dalawang cup sa ibabaw ng table. Isang tea at isang caramel mocha.

Nasa isang coffee shop sila ngayon. Kanina kasi'y nakatanggap si Chandria ng mensahe mula kay Daniel. Gusto nitong makipagkita sa kanya upang pag-usapan ang tungkol sa proyekto. Kahit hindi pabor sa ideya, sumang-ayon na lamang si Chandria upang pormal na ipahayag sa binata na hindi na niya itutuloy ang proyekto.

Sa restaurant dapat sila magkikita ngayon. Pero tumanggi si Chandria. Gusto niyang dito na lang. Tahimik kasi. Iilan lamang ang nasa loob.

May nagbabasa at nagtitipa sa kanilang laptop. Mayroon ding dalawang babaeng nasa gilid na panay ang tingin kay Daniel habang nag-uusap. Bigla siyang nainis sa dalawa. Tinaasan niya ito ng kilay bago umiwas ng tingin.

"I've seen you yesterday..." Tumikhim si Daniel. "At the bar. You're with your friends."

Tumango si Chandria at sumagot, "They invited me." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Ano... Can we just get straight to the point?"

Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ni Daniel. "Can't we not talk about our personal lives now? I mean... I want to know your whereabouts."

"Daniel..." she warned him in a low, soft tone. "We're here to talk about the project, remember? Let's not open topics like that. It's not needed."

Nakita ni Chandria ang paglandas ng gulat sa mukha ni Daniel. Tinitigan nito ang kanyang mata na para bang binabasa kung anong nasa isip niya. Bahagya siyang napayuko. Natahimik silang dalawa. Inabot niya na lamang ang frappucino at sumimsim doon. Naiilang siya sa titig ni Daniel.

Kumabog ang puso ni Chandria nang may sumagi sa isip niya. Sasabihin niya nga pala kay Daniel na hindi na siya tutuloy sa proyekto. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng binata. He'd probably get disappointed with her. It always happens again.

Kinalma muna ni Chandria ang sistemang binabalot ng kaba bago nagsalita, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Daniel. I want to settle things, alright?"

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Daniel.

"I've decided... na ano..." Nawawala sa kanyang isipan ang gusto niyang sabihin. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. "I've decided to back out on the project."

Lalong nangunot ang noo ng binata. "Come again, Chandria?"

"Iyon na 'yon. Narinig mo na, diba?"

"Are you sure about this?" Humalukipkip si Daniel. "Nasabi mo na sa Dad mo?"

Umiling si Chandria bilang pagtanggi. "I'll talk to him later. I know he'll understand. Besides, kaya mo naman ata iyong mag-isa, diba? Halos wala rin naman akong nagawa, e."

"Your Dad would not agree with that... May kasiguraduhan sa boses ni Daniel." especially if your only reason is to avoid me."

"That's not my reason!"

"It is!" Daniel hissed. His eyebrows met halfway as he intently stared at her. "I've noticed how you distance yourself to me. Hindi ka na nangungulit. Hindi ka na lumalapit sa akin! Kung hindi pa ako nag-ayang makipag-usap tungkol sa proyekto, hindi kita makikita ngayon. You... you don't know how it tortures me!"

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now