I should've known

644 30 3
                                    

Warning: Content of this chapter is not suitable for ages 16 and below. 

"Now you're avoiding me." Umigting ang bagang ni Daniel kaya't lalong nadepina ang hugis nito. "Bakit?"

Natigilan si Chandria sa huling salitang binigkas ni Daniel. Natahimik siya sa isang tabi, nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tanong nito o hindi.

"Bakit, Chandria?" pag-uulit nito sa malamig na boses. "Umiiwas ka sa akin dahil alam mo nang may namagitan sa inyo ng ama ko noon at nagui-guilty ka. Tama ako, diba?"

Nangilid ang luha sa mata ni Chandria. Hindi siya dapat maapektuhan sa sinasabi ni Daniel dahil wala naman iyong katotohanan. Ganunpaman, hindi niya mapigilan ang pagkirot ng puso sa tuwing maririnig ang panghuhusga nito. 

Kating-kati na siyang isigaw sa harap ni Daniel na wala naman talaga silang relasyon ng ama nito. Kinagat na lamang niya ang kanyang dila upang pigilan ang sarili. Wala rin namang saysay kung gagawin niya ito. Hindi rin naman ito maniniwala.

Napabuntong-hininga si Chandria at matalim na tinitigan si Daniel. "Alam mo, Dan, kung nandito ka lang para isumbat sa akin ang kamalian ko noon, maaari ka nang umalis."

Isang irap ang kanyang pinakawalan bago tinalikuran si Daniel. Padabog siyang tumungo sa hagdan. Nawala ang hiyang nararamdaman niya kay Daniel at napalitan iyon ng iritasyon. Alam niyang kabastusan ang kanyang ginawa ngunit hindi niya iyon pinagsisihan.

Mabilis siyang pumanhik sa kwarto nang marinig ang yabag ng paa ni Daniel sa kanyang likuran. Akmang isasara na niya ang pinto nang harangan iyon ni Daniel gamit ang paa nito. Buti nalang at hindi niya tuluyan natulak ang pinto. Talagang maiipit ito kapag nagkataon.

Walang nagawa si Chandria kundi lakihan ang awang ng pinto. Nanatili naman si Daniel sa pwesto nito. Lakas-loob niyang sinalubong ang matalim na titig ng binata.

"Why are you still here?" Nagsalubong ang kilay ni Chandria nang mapansin ang pag-abante ni Daniel. "I told youㅡ"

Nabitin sa ere ang mga salita ni Chandria nang biglang sakupin ni Daniel ang labi niya. Kumabog ang puso niya nang maramdaman ang halik ng binata. Nanlambot ang tuhod ni Chandria ngunit hindi siya nagpatinag. Gumapang ang kamay niya sa dibdib ni Daniel at malakas iyong tinulak.

Habol ni Chandria ang sariling hininga nang humiwalay ang labi ni Daniel sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pinakiramdaman ang lakas ng tibok ng puso niya. Sobrang lakas nito. Marahil ay nabigla siya sa ginawa ni Daniel.

"Why did you do that?" Namumulang hinawakan ni Chandria ang kanyang namamasang labi. Kinapa niya ang iritasyon sa kanyang sistema ngunit wala na siyang maramdaman. "Why did you kiss me? Nakalimutan mo na ba, ha? I'm your father's other woman." madiing dugtong niya.

Napasinghap si Chandria nang muling hapitin ni Daniel ang beywang niya. Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang mukha habang nagtatagpo ang kanilang dibdib. Sa kanilang distansya ngayon, talagang mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan.

Hinawakan niya ang balikat ng binata at itinulak ito. "Let goㅡ"

Chandria's words were cut off by Daniel's sudden grab on her nape. He captured her lips for the second time. She tried to push him off but he held her so tight. This time, his kisses went deeper as he slipped his tongue inside her mouth. It sent shivers down her spine and she felt weak with every flick of his tongue. Chandria could no longer protest. It got intense. She didn't notice that she was already responding to his kisses. All of a sudden, they were savoring each other's lips in a torrid manner.

Nawala na sila sa tamang wisyo. Tuloy-tuloy lamang sila sa pagpapakalunod sa isang mainit na halik. Pikit-matang umungol si Chandria nang sinapo ni Daniel ang pang-upo niya. Naramdaman niya ang pagbuhat ni Daniel sa kanya. Patuloy pa rin siyang hinahalikan ng binata. Sa takot na baka malaglag ay siya na mismo ang pumulupot ng kanyang hita sa beywang ng binata.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now