Wrong accussations

583 29 2
                                    


Ilang araw ng iniwasan ni Chandria ang lahat. Hindi siya sumasagot sa tawag ng mga kaibigan niya. Hindi niya pinapansin ang text ni Daniel. Hindi niya rin nagawang lumabas ng bahay. Kahit party ng kanyang ama ay hindi niya dinaluhan.

Sa tanang buhay ni Chandria, ngayon lamang siya natakot na humarap sa ibang tao. Ngayon lamang siya tinablan ng hiya. Iyon ay dahil sa nalaman niya mula kay Danielㅡna isa pala siyang kabit. Nakokonsensiya si Chandria sa tuwing naaalala kung paano siya sinisi ni Daniel sa pagkasira ng pamilya nito. Nakokonsensiya siya sa panghuhusgang ginawa niya kay Elena at sa anak nitong si Emma. Pinagbibintangan niya itong naninira ng pamilya ng may pamilya gayong wala naman talaga siyang pinagkaiba kay Elena.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Chandria nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Walang gana siyang bumaba sa sofa at binuksan ang pinto sa pag-aakalang delivery iyon ng pizza na inorder niya sa Greenwich.

Ngunit napaawang ang kanyang labi nang bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang Daddy George. Nakasuot ang ama niya ng blue na polo na nakatuck-in sa slacks nito. Halatang galing pa ito sa trabaho at dumiretso sa kanya.

"Ganito ka ba tumanggap ng bisita, anak?" ma-awtoridad na wika ni George. "Won't you let me in?"

Napabuntong-hininga si Chandria at mabilis na tumagilid upang mabigyang-daan ang pagpasok ng ama. Mabigat man sa loob ay kinailangan niyang harapin ang kanyang papa ngayon. Nandito na ito at hindi niya magawang paalisin ito basta-basta. Nawalan na siya ng lakas na mambastos sa ama. Kung dati ay nagagawa niya pa itong suwayin at supladahan, ngayo'y kahit pagmamaldita ay hindi na niya kayang gawin. Ang nalaman niya tungkol sa kanyang nakaraan ay nagdulot talagang malaking pagbabago sa kanyang pagkatao.

"Anong ginagawa mo dito, Dad?" matabang niyang tanong sa ama habang sinusundan ito sa sala.

"Hindi ka nagpakita kahapon," sambit ni George pagkatapos nitong umupo sa gitna ng mahabang sofa. Humalukipkip ito at pinasadahan siya ng nagdududa nitong tingin. "Sinabi din ni Black sa akin na hindi ka na nakikipagcooperate sa kanya sa paggawa ng proyekto. Is there something going wrong, Chandy?"

Mabilis na nangilid ang luha sa mata ni Chandria. Agad siyang yumuko at kagat-labing umiling. Hindi niya magawang magsalita dahil alam niyang mababasag lang ang boses niya at tuluyan siyang maiyak. She has never felt so weak like this. It was a hundred-eighty degree turn for her. From being a proud bitch to a total wreck. How come she lost all her strengths now?

"Chandy, huwag mo lang akong ilingan. I'm your father and I can sense there's really something wrong." Tila kinurot ang puso ni Chandria sa kanyang narinig. "Open up, anak."

The last word her father uttered felt so sincere yet unreal. It knocked her system, realizing it was the first time since her mother's death that he fathered her. Somehow, she can feel his care and comfort a little.

"Daddy... I'm h-hurting and I..." Tuluyang nabasag ang kanyang boses. Nag-uunahang tumulo ang kanyang luha ngunit agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang sariling palad. "I-I felt so ashamed of myself now."

Chandria's body stiffened when she felt someone's embrace. She was sure enough it was her father so she tried so hard to stop herself from sobbing. Good thing her tears were actually cooperating.

"Hush now, Chandy. Wala kang dapat ikahiya sa sarili mo," pabulong na sambit ng ama habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Stop overthinking."

Ibinaba niya ang kanyang palad at marahang umiling. "No Dad! You don't understand. Daniel told me something about my past. He told me that..." Pumiyok ang kanyang boses at muli siyang napahagulgol. "I was his father's mistress. He's blaming me for his ruined family."

The Bitchesa's DownfallWo Geschichten leben. Entdecke jetzt