Unclear past

549 25 0
                                    

Nang gabing iyon, matapos ang halik na namagitan kay Chandria at Daniel, agad din nagyayang umuwi ang binata. Dahil wala siyang dalang sasakyan, sumang-ayon na lamang siyang ihatid ni Daniel. Tahimik lamang ito sa loob ng kotse ngunit napansin ni Chandria ang paminsan-minsang pagsulyap ng binata sa gawi niya.

Alas-siyete na ng gabi nang marating nila ang bahay ni Chandria. Hindi siya nagpasalamat kay Daniel at agad na bumaba sa kotse nito. Kagat-labi niyang tinanaw ang mabilis na paglayo ng kotse.

Hindi siya pinatulog ng kanyang sariling isipan kagabi. Kaya heto siya ngayon, biktima ng panunukso ni Kerr dahil sa malaki niyang eyebags. 

"Shut up, freak!" Inirapan niya ang kanyang nakangising pinsan. "Banned ka pa rin naman dito bukas."

Nandito ito ngayon sa bahay niya at nangungulit ito tungkol sa movie marathon bukas na napag-usapan nila ng mga kaibigan. Gusto rin kasi ni Kerr na nandoon siya sapagkat pupunta si Sandy.

Nawala ang ngisi sa mukha ni Kerr at napalitan ito ng pangungunot ng noo. "Come on, Chandria!" Halata ang iritasyon sa boses ng kanyang pinsan. "Just let me guard Sandy for Pete's sake! I want to assure that she won't still gain her memories back. She doesn't have to know her past yet."

Hindi niya sinagot ang binata. Hinayaan niya itong magmaktol. Mabilis niyang tinalikuran ang kanyang pinsan na nagkakamot ng ulo.

Nang makapasok siya sa sariling kwarto, doon na tuluyang nanlamig ang kanyang sistema. Dahil lang iyon sa isang simpleng salita. Past. Yeah, talking about past. The very unclear past.

Kinabukasan, wala siyang ginawa kundi tumambay lang sa kanyang bahay. Wala silang appointment kasama si Daniel ngayon. Hindi rin naman ito nagparamdam simula noong gabing pinasyal siya nito.

Nang gumabi, isa-isang nagsidatingan ang kanyang mga kaibigan. Nauna ang buntis na si Jana kaya nagkaroon pa sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan.

"Jana, I know you are a good friend but..." Awtomatikong tumaas ang kilay ni Chandria. "Are you keeping a secret from me about me?"

Nakita niyang nanlaki ang mata ng kaibigan kasabay ng pag-awang ng labi nito. "You knew?"

Right there, she figured out that Jana has something to say about what happened in the past. Yet, she didn't confront Chandria. Jana let her become blind of the memories she's supposed to remember.

Chandria wanted to scream and tell Jana how disappointed she was, but she did not. She felt a bit betrayed and disappointed yet she threw that away from her own system. Right now, her emotions doesn't matter that much. She just needed the information. No drama.

"Chandy..." malumanay ang boses ni Jana nang tawagin siya nito. Hindi niya namalayang nakaupo na ito sa kanyang tabi. "How did you know about it?"

Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Chandria. "Secrets are meant to be revealed, Jana. You can't really trust the benefit of hiding. Gustuhin mang itago, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan."

"I'm sorry, Chandy I'm really sorry." puno ng sinseridad ang boses ni Jana habang humihingi ng tawad. Ganunpaman, hindi ito makatingin nang diresto sa kanyang mga mata. "Hindi namin gustong itago ni Mitzie ang lahat ng nalalaman namin tungkol sa nakaraan mo. Natakot lang kami na baka... ano... baka... masaktan ka ng sobra."

Masaktan? Paanong masasaktan? Tumaas ang kanyang kanang kilay dahil sa tanong na naglalaro sa magulo niyang isip.

"Tingin mo, Jana, gaano ba kasakit?" mahinang tanong ni Chandria.

Hindi na nasagot ni Jana ang tanong ni Chandria sapagkat naputol ang kanilang pag-uusap nang may biglang umilaw sa kanilang harapan. Nanliit ang mata ni Chandria dahil sa liwanag na nanggagaling sa kotse. Kasabay noon ay isang malakas na busina ng kotseng pumarada sa kanilang harapan.

Nang dumating ang kanyang mga kaibigan, inanyayahan niya na itong pumasok. At dahil na-iisstress na siya sa pangungulit ng kanyang pinsang sakit sa ulo, pinayagan na lamang niya itong makisali sa kanilang movie marathon.

Naging maganda ang sitwasyon nila habang nanonood ng Inside Out. Hindi niya akalaing makakarelate siya sa batang bida. Nang magtagal kasi ang movie ay bigla na lang naging masama ang katauhan ng batang iyon. Tipong nanininghal na sa mga nakakatanda, hindi na sumusunod sa gusto ng magulang, malungkot na at maldita. That's Chandria today, and perhaps that's how she acts in the past too... or not.

Well, too much for thinking too deep. She shrugged all those thoughts off her mind and focused on the next movie.

Nahinto sila sa panonood ng pangalawang pelikula nang biglang maglaro ang rape scene sa TV screen. Nagkatinginan si Mitzie at Jana nang marinig nila ang hikbi ni Sandy. Ngunit si Chandria ay nanatili lang sa kanyang pwesto. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sambitin ang pangalan ni Sandy  habang pinagmamasdan kung paano gumuho ang mundo ng kaibigan sa tuluyan nitong pag-alala sa mapait nitong nakaraan.

Chandria could not feel sorry for her friend now despite the fact that Sandy was sexually abused. Right now, she was only thinking of the fact that she and Sandy was sailing the same boat at two different times. Both of them had forgotten the past and was blinded with the truth. Seeing Dandy's reaction, Chandria could already tell how devastating it is to gain back her lost bad memories.

Ang planong sleep-over sa bahay ni Chandria ay hindi na rin natuloy. Umuwi si Sandy at Kerr pagkatapos nilang magkaaminan. Si Jana naman ay sinundo ng asawa nitong si Ivan at si Mitzie ay nagpasundo din sa kuya nito.

Heto siya ngayon sa loob ng kanyang kwarto, mag-isang nakahiga sa kanyang kama. Agad siyang napabangon nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone na nasa bedside table. Alas-onse na ng gabi pero may tumatawag pa rin sa kanya. Nang dumapo ang tingin ni Chandria sa screen, nakita niyang si Daniel pala ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Chandria..." Ang namamaos na boses ni Daniel ang bumungad sa kanyang pandinig. "About what happened the other day..."

What now? He'd say sorry for kissing her the other day? Tumaas ang kanang kilay ni Kira. "Just forget about it, Dan."

"I can't just erase it on my memory, Chandria. I enjoyed that one day with you." Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Daniel sa kabilang linya ngunit tumikhim din ito pagkatapos. "Anyway, pwede ba akong pumunta sa bahay mo bukas? Ihahatid ko lang ang final blueprint na ginawa ko para sa hotel."

"I guess I need some beauty rest, then." kagat-labing wika ni Chandria habang pinipisil ang kanyang bedsheet. Nagpipigil siyang huwag tumili sa kilig na biglang namuno sa kanyang sistema. "I'm hanging up now, Dan. Good night!"

Hindi na niya hinintay na makasagot si Daniel. Agad niyang tinapos ang tawag at muling inilapag ang sariling cellphone sa bedside table. Mabilis siyang bumalik sa paghiga at mahigpit na niyakap ang paboritong itim na unan. Sa gabing ito'y nakatulog si Chandria nang mahimbing at may ngisi sa labi. Excited siya para bukas.

The Bitchesa's DownfallWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu