Too much to take

637 38 2
                                    

Nagkulay-kamatis ang pisngi ni Chandria habang sabay silang umaakyat ni Daniel sa hagdan. Hawak nito ang kanang kamay niya. Sa kabila naman ay bitbit nito ang isang baso ng gatas na para kay Aliyah. Sa tagal nila sa kusina ay hindi na ito masyadong mainit.

Daniel's unexpected confession was still fresh in her mindㅡthe tight cuddle, his soft whisper, the words he uttered and the fast beating of his heart that synchronized hers. It was not the most romantic moment, but at least Chandria could feel Daniel sincerity.

That moment, Chandria's doubt surfaced. Since the day he reached the limit of hurting her, she thought she's not into him anymore. But then, Chandria figured out she was just afraid to admit that Daniel has gained another space in her heart now. She could only imagine how he melted her walls that fast. Probably, without her female pride today, she would have surrendered her heart again. But no, she learned her lesson now.

Kagat-labi siyang sumulyap sa binata. "Dan, iyong kamay ko."

"Hmm?" Namungay ang mata nito. "Anong problema? Naaasiwa ka ba sa hawak ko? Dapat masanay ka na." kunot-noong komento ni Daniel. Umirap pa ito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lamang si Chandria at hindi na muling nagsalita. Tuluyan na silang pumasok sa silid ni Aliyah. Nakahiga pa rin ito sa kama ngunit nakatagilid na ang posisyon nito. Napaawang ang labi ng bata nang dumapo ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay.

"Kuya... Ate..." namamaos ang boses ni Aliyah nang magsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. "Bakit kayo nag-hoholding hands?"

Umakyat ang dugo sa mukha ni Chandria. Pero agad iyong napalitan ng pagtataka nang marinig na tumunog ang cellphone sa loob ng kanyang bag.

Tumikhim naman ang binata at marahan nitong pinisil ang kanyang kamay bago binitawan. Inabot nito ang baso ng gatas kay Aliyah. Mabilis niyang dinaluhan ang bata nang sinubukan nitong bumangon. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone upang makita kung sino ang nagtext. Si Sandy lang pala, nagtatanong kung asan siya.

"You look happy na, kuya." komento ni Aliyah bago sumimsim ng gatas. "Hindi na parang pang-halloween ang mukha mo. Is it because Ate Chandria's with you now?"

Nagkibit-balikat lamang si Daniel at lumapit sa kanyang tabi. Napasinghap si Chandria nang hapitin nito ang beywang niya at binigyan siya nito ng isang banayad na halik. Narinig niya ang impit na tili ni Aliyah kaya marahas niyang naitulak si Daniel.

"My gosh..." bulalas ni Chandria at napahawak sa kanyang labi. "Why did you do that? May bata sa harapan natin!"

"Ano ngayon?" Ngumisi si Daniel. "My sister would understand. She knows that I love you."

That's it. Daniel's unexpected action is too much to take. Chandria could no longer contain the tingles creeping in her system. He has triggered it completely. Her heart bombarded and her mind crazed. And Daniel seemed to know his effect on her. He was just looking at her in amusement and his lips curved into a playful smile.

"You're blushing." pabulong nitong komento. "Kinikilig ka?"

"No!" malakas niyang singhal upang pagtakpan ang totoong nararamdaman. "Of course not! Hindi ako kinikilig!"

Narinig ni Chandria ang magkasabay na pagtawa ng magkapatid. Mahina lang ang halakhak ni Aliyah at umuubo pa ito. Naniningkit ang mata ni Daniel pero nakatuon pa rin tingin nito sa kanya.

"Defensive si ate." panunukso ni Aliyah.

Napasimangot si Chandria sa naging turan ni Aliyah. Pabagsak niyang inilapag ang cellphone sa bedside table. Unti-unting humupa ang tawanan ng dalawa at bumalik na ang bata sa pagkakahiga sa kama.

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now