Drooling

678 30 3
                                    


Kanina pa nakatayo si Chandria sa labas ng kanyang bahay habang hinihintay si Daniel. Mag-iisang oras na siyang nasa pwesto ngunit wala pa rin ang binata. Ginagawa niyang lobo iyong bubble gum na nasa kanyang bibig upang mawala ang inip na nararamdaman. Buti nalang at makulimlim na ang kalangitan kaya hindi siya naiinitan.

Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang malakas na busina ng kotse sa labas ng kanyang nakabukas na gate. Bumungad sa kanya ang pamilyar na itim na Subaru Legacy. Kotse ito ni Daniel.

Nilakad niya na parang runway ang sementadong daan patungo sa gate ng bahay niya. Her hips were moving gently from side to side as she made her way through the open gate. She immediately locked it before going near Daniel's car.

"What did I tell you about the proper dress code?" pambungad na tanong ni Daniel nang pumasok siya sa kotse nito.

Napaikot na lamang ang mata ni Chandria at padabog niyang sinara ang pinto ng kotse nito. Here he is again, criticizing the type of clothes she's wearing. What's wrong with wearing a black embroided mesh top paired with ripped jeans and a faux leather pumps?

"Are we going to quarrel over this issue again?" Taas-kilay niyang tanong dito.

Pinasadahan siya nito ng tingin. Halata sa mukha nitong hindi ito pabor sa suot niya. Napabuntong-hininga pa ito nang ilang beses.

"Meeting ang pupuntuhan natin. Hindi party." May diin sa bawat salitang binigkas ni Daniel.

"Whatever," naiinis na sagot ni Chandria.

Iirapan niya sana si Daniel ngunit hindi iyon natuloy. Napaawang ang kanyang mga labi nang tuluyan niyang makita ang itsura ni Daniel ngayon. He's undeniably hot and handsome with his hair styled up and his forehead is showing off its great view. Damn that pointed, well-structured nose and his eyes that she can only see from the side. And damn that gray polo that was neatly folded until his elbows. She can see those muscles in his body bulging. It highlights the masculinity of her Dan. He really is good-looking. And her mouth must be salivating now.

Napahinto si Chandria sa pagpapantasya sa katawan ni Daniel nang maramdaman ang pamimitik nito sa kanyang noo. That hurts.

"Stop drooling over me," pikon na sambit ni Daniel. Magkasalubong na naman ang kilay nito.

Pinalo niya nang malakas ang braso ni Daniel. "Who said I'm drooling over you?"

"No one did," seryosong wika ni Daniel gamit ang baritonong boses. Tumitig ito sa kanyang mga mata. "But it's shown on your face."

Bigla umusog si Daniel palapit sa kanya. Wala itong tinirang distansya sa pagitan nila. Ikinabigla niya ang kilos nito pero hindi siya umatras kahit kunti. To get this close to him is a once in a blue moon opportunity she's willing to grab.

"Gaano ba ako kagwapo, ha?" seryosong tanong nito.

Dumukwang ang mukha ni Daniel palapit sa kanya. Ilang dangkal na lamang ang distansya ng mga labi nilang dalawa. Naaamoy na ni Chandria ang panlalaking perfume na gamit nito. His scent is familiar to Chandria. She has always been addicted with it.

Napasinghap si Chandria nang walang anu-ano'y kinulong siya ni Daniel sa pagitan ng seat niya at ng mga braso nito. Nakasandal siya sa kanyang kinauupuan ngayon habang nakatukod sa gilid niya ang dalawang braso ni Daniel.

Lalong lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Isang simpleng galaw lang ay talagang magdidikit na ang mga labi nila. She's really tempted to grab his nape and claim his lips but she's controlling herself not to. She's still enjoying everything that's happening at the moment. They're making a tiny progress with their closeness. And about kissing, she wants Daniel to do the first move this time.

"Ba't hindi ka makapagsalita?" Nag-isang linya ang mga labi ni Daniel. "Tell me, gaano ba ako kagwapo?"

That question again. She can't really give the exact answer to it. Ano ba kasing dapat niyang sabihin?

Gwapo ka. No. That's too unconvincing and blunt. Nakakalaglag panty ang kagwapuhan mo. It sounds so desperate. Napakagwapo mo sa aking paningin. It's too cheesy. It's so not Chandria.

"You're the most good-looking man I've ever seen." Bigla na lamang itong lumabas sa kanyang bibig.

Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi nang mapagtanto ang sinabi niya. Ngunit mas lalo siyang namula nang makita ang pagguhit ng ngisi sa mukha ni Daniel. That's a first. Kahit ngisi lang iyon ay parang nagpapahiwatig na rin iyon ng pagbabago sa pagtrato ni Daniel sa kanya. She can't help but pull her lips into a big curve of smile.

"The most good-looking, huh?" Nang-aasar na wika ni Daniel.

"Yes... I mean, no." Her voice held hesitation as she felt Daniel's hot breath on her cheek. "I was just lying about it."

Biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Daniel. Nakita niya ang pagtiim-bagang nito. Tila hindi nito nagustuhan ang pagtanggi niya.

"I don't believe you. I know you're not lying when you said that I'm the most good-looking man." Puno ng kasiguraduhan ang boses ni Daniel.

Humugot siya nang malalim na hininga at nilabanan ang malalim na titig ni Daniel.

"Fine. What I said was true. Ikaw nga ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko." Inirapan niya ito. "Happy now?"

Biglang nagrambulan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan nang maramdaman ang mahinang pagtawa ni Daniel. Tila nabunutan ito ng tinik. Ramdam niya ang hininga nitong humahaplos sa kanyang pisngi. Halos magkayakap na sila ngayon sa kanilang posisyon at sobrang lapit na talaga ng kanilang mga mukha.

"Yes. I am a bit happy and satisfied now," tumatawang wika ni Daniel.

Chandria's heartbeat suddenly went wild. She made Daniel laugh and that's actually a first. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Chandria nang biglang lumapat ang labi ni Daniel sa tungki ng kanyang ilong. Hindi niya iyon inaasahan. Nanginig ang tuhod ni Chandria kaya mabilis siyang napakapit sa laylayan ng polo ng binata.

Akala niya'y hanggang doon lamang ang halik ni Daniel. Napasinghap na lamang si Chandria nang maramdaman ang dahan-dahang paglakbay ng labi nito mula sa kanyang ilong pababa sa kanyang labi.


Muling naghumerentado ang puso niya nang angkinin nito ang labi niya. Hindi gumalaw ang labi nito pero ramdam niya pa rin ang sarap ng halik ni Daniel. Ilang segundo ring nagdampi ang labi nila bago ito humiwalay.

The kiss has ended already but she can still feel Daniel's lips on hers. It may sound unbelievable for a bitch like her but she can't deny the kilig she's feeling right now. Jusko Lord mahabagin! Patnubayan mo nawa ang aking kaluluwa. She doesn't know how to control this shit.





*******
A/N

Daniel be like: Bawi bawi lang yan. 😏😉

Hahahahahhaahha. 😊

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now