Seemed so familiar

619 32 1
                                    


Dalawampung minuto ang lumipas bago nakalabas si Daniel sa pintong pinasukan nito kanina. Halatang hindi kwarto ang pinasukan ni Daniel kanina sapagkat paglabas ng binata doon ay nakatapis na ito ng tuwalya sa beywang. Tumaas ang kanang kilay ni Chandria kasabay ng kanyang marahang pagkagat-labi nang sumalubong sa kanyang paningin ang anim na pack ng abs ni Daniel. Hindi ito gaanong pormado at nalilok ngunit magandang tingnan ang natural nitong paglitaw.

Napamura na lamang si Chandria sa kanyang isipan nang mahinto siya sa pag-oobserba sa katawan ni Daniel nang maramdaman ang malamig na titig nito sa kanyang direksiyon. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa kanyang magkabilang pisngi nang umiwas siya ng tingin.

"Hintayin mo ako dito. Magbibihis lang ako." manghang wika ni Daniel. "Pagkatapos ay susunduin natin si Aliyah."

Hindi na siya nakasagot sa sinabi ni Daniel sapagkat agad din itong tumalikod sa gawi niya. Mabilis itong nawala sa paningin ni Chandria nang tuluyan itong umakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag.

Naiwan si Chandria sa living room. Ulit. Wala siyang ibang nagawa kundi ang maupo na lang sa sofa at hintayin ang pagbaba ni Daniel. Ngunit sa pagkakataong ito'y at napapatili na lang siya habang pumapasok sa kanyang imahinasyon ang magandang porma ng tiyan ni Daniel.

Nasa gaanong posisyon si Chandria nang marinig niya ang malalakas na paghakbang ni Daniel pababa sa hagdan nito. Agad niyang itinikom ang bibig nang tuluyan nang makababa sa sala ang binata.

Marahang ginugulo ni Daniel ang sarili nitong buhok habang naglalakad patungo sa mismong pwesto ni Chandria. Taliwas sa kadalasang outfit ng binata ang suot nito ngayonㅡisang simpleng black T-shirt na pinaresan ng white shorts na hanggang tuhod lang at black na vanz sneakers. Nawala ang seryoso at striktong aura ni Daniel ngayon dahil sa suot nito. Mas lalong naging guwapo sa kanyang paningin si Daniel.

Natigilan lamang si Chandria sa pagpapantasya kay Daniel nang marinig ang malalim nitong pagtikhim sa mismong harapan niya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.

"Tara na." ma-awtoridad na wika ni Daniel.

Pagkatapos nitong magsalita ay agad din itong tumalikod sa kanya. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Chandria at basta na lang itong naglakad palabas ng front door.

Tumaas ang kanang kilay ni Chandria habang pinagmamasdan ang likod ni Daniel. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Daniel. Kahit mukha na itong mabait sa kanyang paningin, nananatili pa rin talaga itong seryoso at masungit. Ang ugali ni Daniel ay hindi naaapektuhan ng suot nito. Napapairap na lamang si Chandria sa hangin nang tuluyan na siyang tumayo at sinundan si Daniel.

Nang tuluyan siyang makalabas sa bahay ng binata, siya na mismo ang nagsarado ng pinto. Pagkatapos ay taas-noo siyang naglakad patungo sa nakaparadang kotse ni Daniel sa maliit nitong garahe. Her heart seemed to skip a beat with excitement as she looked at the car painted with her favorite color. Damn! It's black. Pure black.

Ilang segundo rin siyang napatitig sa likod ng kotse hanggang sa marinig niya ang malakas na busina. Napasimangot na lamang si Chandria at naiinis na pumasok sa kotse ni Daniel. Tahimik siyang naupo sa passenger seat at iniwasang mapalingon sa gawi ni Daniel. Hindi siya nagpapapansin. Nayayamot lang talaga siya kay Daniel kaya ayaw niya itong kausapin ngayon. Katahimikan ang tanging namuno sa loob ng kotse hanggang sa maramdaman na lang ni Chandria ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan.

Biglang tumaas ang kanang kilay ni Chandria nang mapansing huminto ang kotse ni Daniel sa tapat ng isang parke. Agad niyang ibinaling ang tingin kay Daniel nang marinig niya itong magsalita sa kanyang gilid.

"Baba muna tayo. May 30 minutes pa bago ang labasan ng skwelahan ng kapatid ko?"

"Seriously, Dan?" Her voice held thick sarcasm as she spoke. "What are we supposed to do on that place?"

Daniel just showed him a bored look as he unbuckled his seatbelt. "If you don't want to come, then you can stay here." He clicked the car's door open on his side. "I'll go for a walk."

Akmang lalabas na si Daniel sa kotse nang mapag-isipan niyang sumama na lang dito kaysa sa magmukmok sa kotse sa loob ng ilang minuto.

"Wait!" tawag niya kay Daniel dahilan upang matigilan ito at lumingon ulit sa kanya. "I'll come. Ayokong maiwan dito."

"Okay." Tumango lamang si Daniel at tuluyan na itong umapak sa bermuda ng parke.

The next thing Chandria knew, she was already out of the car, walking towards the slide with Daniel on her side. She suddenly felt the adrenaline rush on her veins as she saw how close they are. Their distance was only few inches in between.

Upang mapigilan ang paglabas ng kilig sa kanyang sistema, binaling na lamang niya ang kanyang tingin sa paligid. Mabibilang lang sa kamay ang mga taong nasa parke. Madalas maliliit na bata ang nakikita niya. Napairap siya nang mapagmasdan iyong maliit na batang naglalaro ng seesaw mag-isa.

Ilang minuto rin siyang naglakad kasabay ni Daniel bago ito tuluyang huminto at naupo sa bermuda grass. Tumayo lamang siya sa harap nito at marahang ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Ngunit nang tapikin ni Daniel ang malaking bakante sa tabi nito, agad din siyang naupo roon.

Tahimik ang buong paligid. Wala ng ibang tao roon maliban sa kanilang dalawa. Pilit na tinatago ni Chandria ang kanyang ngiti sa bawat pagdantay ng braso ni Daniel sa braso niya. Wala rin siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan na lang ang mga daisy na tumubo sa gilid ng parke. She was actually enjoying the silence until something broke one realization on her mind.

"It's my first time here..." Chandria suddenly uttered as she felt the warmth of Daniel's skin touching her left arm. "but why does this area seemed so familiar to me?"

Daniel just chuckled in amusement and suddenly laid his back on the grass, "I used to bring you here..."

Chandria's eyebrows automatically met halfway because of what she heard from Daniel. Yet, what made her heart thump was the words he continued to utter.

"...whenever I ask you on dates like this."



The Bitchesa's DownfallOù les histoires vivent. Découvrez maintenant