Revenge

666 28 4
                                    


Tumaas ang kanang kilay ni Chandria nang huminto ang kotse ni Daniel sa tabi ng isang pampribadong paaralan. Nakabukas ang gate at maraming batang naka-uniporme na naglalabasan kaya alam niyang elementary school ito. Pero anong ginagawa nila dito?

"You stay here. Huwag kang lalabas." Napalingon siya kay Daniel nang magsalita ito. Nakita niyang binuksan ni Daniel ang pinto ng kotse sa gilid nito at mabilis na lumabas. Hindi na siya nito hinintay na sumagot.

Wait, where will he go?

Sinundan niya lamang ng tingin si Daniel habang naglalakad ito patungo sa isang waiting shed sa tabi ng daan. It must be owned by the school since there are lots of kids and young women who looked like maids thereㅡdoing their own businesses. Her mouth watered when her eyes diverted to Daniel's back. He's on his gray polo and his muscles were obviously flexing as he walks. It's just effin' broad and manly and definitely sexy.

Then suddenly, Daniel stopped in front of a little girl in a neat uniform and a backpack on her shoulders. Her curly hair was hanging until her elbows. And the cute girl's bright smile was visible on her face as Daniel ruffled her hair. She seems happy to see Daniel.

That girl... it's Aliyah. Daniel's 9 year old sister. Chandria knew her, though they haven't talked before. That's not impossible. She did a lot of researching about her Daniel. Yeah right! She's obsessed with him.

One side of her lips lifted upㅡforming into an evil smirkㅡas a great idea crossed her mind. It won't be bad as bad if she'll release herself out of this car, right? It's just a little revenge for Daniel for making her speechless this morning.

Agad siyang lumabas sa kotse at mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng magkapatid. Nang makarating siya sa gilid ng waiting shed ay agad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa bisig ni Daniel.

Napahinto ang magkapatid sa pag-uusap dahil sa ginawa ni Chandria. Napaawang ang labi ni Aliyah. Halatang nagulat ito sa biglaang entrada niya. Well, whose jaw won't drop when a gorgeous Chandria Arylle Bernardo came barging into the scene? Chandria can even hear those gasps and loud gossips of those maids who were eyeing her with insecurity.

Kunot-noong lumingon si Daniel sa kanya. "I told you to stay inside the car, Chandria." pabulong na bulyaw ni Daniel. Nagtagis ang mga bagang nito habang matigas na binibigkas ang bawat salita.

Sumupil ang nakakalokong ngiti sa labi ni Chandria. "Love, stop overreacting. Hindi naman makakasama sa pagbubuntis ko ang mabilad sa araw, diba?" Sinigurado niyang palakasin ang boses niya para marinig ng mga babaeng nakatayo malapit sa kanilang tatlo. Hinaplos-haplos niya pa ang kanyang walang kalaman-laman na tiyan para mas maging kapani-paniwala ang acting niya.

She tried so hard to push that sweetness on the tone of her voice. And success! It turned out real great. She can now see those spark of irritation in Daniel's eyes.

"Kuya, sinoㅡ"

Hindi niya hinayaang matapos ni Aliyah ang sasabihin nito. Agad siyang sumabat. Baka kasi ano pang sabihin nito't mabuking siya.

"Oh, hi Aliyah!" masiglang bati niya. Yumuko pa siya ng bahagya dahil hanggang tiyan lamang niya ang tangkad ng bata. Ngiting-ngiti pa siya habang kinakawayan ito.

Yet, to be honest, she felt like releasing out a puke because of her actions. It's a disgust to pretend as someone that you're not... to pretend that you're kind and good when you're truly bad as hell.

"Aliyah! Pumasok ka na sa loob ng kotse ngayon din!" Umawang ang labi ni Chandria nang marinig niya ang pabulyaw na utos nito sa kapatid. Itinuturo ni Daniel ang sasakyang itim na nakaparada sa gilid ng daan hindi kalayuan sa kinatatayuan nila ngayon.

Bigla siya nakaramdam ng awa nang makita ang namumuong luha sa mata ni Aliyah nang magsalubong ang kanilang tingin. Pero agad niyang iwinaksi ang pakiramdam na iyon sa kanyang sistema. She doesn't have to feel, you know, pity. It's absolutely out of her norm. But why do these two people standing close to her affect her emotions that fast? She can't explain it herself.

"Opo," mahinang tugon ni Aliyah. Mabilis itong nawala sa paningin niya sapagkat patakbo nitong tinungo ang sasakyan ni Daniel.

Nang makaalis si Aliyah ay bumaling na naman si Daniel sa kanya. Kahit na medyo nasisinagan ng sikat ng araw ang mukha ni Daniel ay klarong-klaro pa rin sa kanyang paningin ang mukha nito. Magkasalubong na naman ang mga kilay ni Daniel matalim pa sa kutsilyo ang ipinupukol nitong tingin sa kanya, senyales na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.

Kumalas si Chandriasa paghawak sa braso ni Daniel at pinihit ang sarili patagilid upang makaharap ito. "Why do you have to shout at your sister? She didn't even do anything. Napakasungit mo talaga!" Dinuro-duro niya ang dibdib nito habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata.

Napatiim-bagang si Daniel habang ang kamay nito'y lumapat sa sariling balakang. Mas lalo nagkasalubong ang mga kilay nito. "What?! You want me to just let her hear yourㅡ"

"Dan!" Impit na napatili si Chandria nang aksidente siyang natulak nang malakas ng isang batang lalaki na tumatakbo patungo sa gate. Nakatayo kasi sila sa pagitan ng waiting shed at ng gilid ng gate. Siya ang nasa unahan kaya siya ang nahagip nito at hindi si Daniel.

Akala ni Chandria ay matutumba na siya dahil sa lakas ng impact ng pagkakatulak ng batang iyon sa kanya. Mariin na lamang siyang pumikit nang maramdamang babagsak na ang katawan niya. Ngunit biglang may brasong pumulupot sa beywang ni Chandria at inalalayan ang likod niya. Kaya naman napigil ang pagtumba ng katawan ni Chandria at napatayo ulit siya ng tuwid.

Nang magmulat si Chandria ay agad na sumalubong sa kanya ang mga mata ni Daniel na may bahid ng pag-aalala. Ikinulong niya ang mga mata nito sa isang malalim na titigan.

"Mag-ingat ka nga," mahinang sita ni Daniel sa kanya. Nakahawak pa rin ito sa beywang niya at siya naman ay nakahawak sa matigas nitong dibdib na natatabunan ng suot nitong polo. Halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Ramdam na ramdam niya ang init ng bisig nito na humahalo sa init ng sikat ng araw na tumatama sa kanilang gawi ngayon.


Lumabas ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Chandria kaya agad siyang nabitawan ni Daniel. Mabilis itong umiwas ng tingin. Namumula ang tenga ni Daniel kaya napatitig siya doon. It amuses the hell out of her.

Nang mapansin ni Daniel na nakatitig siya sa parteng iyon ay tumikhim ito ng malakas. Pagkatapos ay bigla nalang itong umalis sa kanyang harapan ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Iniwan siya ni Daniel sa gilid ng waiting shed at tinungo nito ang sariling kotse. She can't help but let out a chuckle after seeing Daniel's reaction.

When Daniel was completely invisible inside his tinted car, Chandria diverted her gaze towards those ladies standing few meters away from where she's standing. They're wearing an all blue outfit and a backpack's sling that is hanging on their shoulder. And with a smirk on her lips, she successful rolled her eyes on those poor nannies who were spying her the whole time.







*****
A/N
Hi guys! Sorry ngayon lang ulit nakapag update. Please vote and leave a comment to this chapter. Thanks loves! 😘😊

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now