I don't want

678 33 3
                                    

Nangunot ang noo ni Chandria nang marinig ang malakas na tunog ng alarm clock. Iritadong kinusot niya ang kanyang mata bago bumangon sa kama. Nakapwesto ito ibabaw ng bedside table niya kaya mabilis niya rin itong na-off.

Upang tuluyang magising ang diwa, nagstrerching muna siya ng ilang minuto sa loob ng kwarto. Of course, she needs to exercise everyday to maintain her body figure.

It was still five o'clock in the morning when she woke up. It was really unusual for her to wake up this early because she usuallt gets up late every morning. But now that she was obliged to do one project with Daniel, she has decided to have a little change. Well, it's mainly for her real agendaㅡto impress Daniel.

Matapos magpahinga mula sa pag-eehersisyo, agad siyang naligo. May nakabalot na tuwalya sa kanyang katawan nang lumabas siya sa shower.

Nang pumasok siya sa walk-in closet ng kwarto niya, agad na sumalubong sa kanya ang dilim dahil sa puno ng itim na damit ang maliit na silid. Napasimangot siya dahil sa nakita. She loves everything about black, yes. But right now, it seems to cause trouble. She should have bought one white dress. You know, for emergency uses. Plano kasi sana niyang magsuot ng puting damit ngayon para hindi na mapuna ni Daniel ang pananamit niya. Pero sa kasamaang palad, wala siyang mahagilap na puting tela sa kanyang closet. She just hoped there's something formal to wear.

Matapos magbihis, bumaba na siya sa sala. Habang nasa hagdan, tanaw na niya ang dalawang bulto ng lalaking nakaupo sa magkatapat na pang-isahang sofa. Si Vince at Daniel. Nangunot ang noo ni Chandria lalo na't hindi niya inaasahan ang dalawa ngayon.

"Anong ginagawa niyo dito sa loob ng bahay ko?" bulalas ni Chandria nang tuluyang makaapak sa sala.

Nag-angat ng tingin si Daniel. At nang makita si Chandria ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito ng de-kwatro. Agad itong tumikhim at namulsa.

Nanatili namang nakaupo si Vince. "Good morning Chandria," bati nito na may kasama pang kamay.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chandria kay Vince at Daniel. "Who let you in?"

"Him. Daniel."

Dumapo ang tingin niya kay Vince na ngayon ay nakatutok ang daliri sa direksyon ni Daniel. Sinulyapan niya saglit si Daniel. Magkasalubong ang mga kilay nito habang tinititigan si Vince. Agad na binalik ni Chandriaang tingin niya kay Vince at tinaasan ito ng kilay. She doesn't believe Vince now. It's plain stupid to know Dnaiel invited him to enter Chandria's house. No way! Daniel will never invite one guy inside someone else's house. That's a fact Chandria knows.

Napakamot na lamang si Vince sa sariling batok at pumeke ng tawa. "Joke lang! I am actually here to visit you. I was inside my car, I saw him outside, sitting on the hood of his. He looked bored so I approached him, had a little conversation and invited him inside since I don't want to be that rude to my bestfriend's... uhmm... Basta. I don't know your score now."

"Tumahimik ka nga diyan." Nilapitan niya si Vince at malakas na binatukan.

Narinig niya itong dumaing nang mahina habang minamasahe nito ang parteng natamaan. That's one good thing about having a bestfriend. You can be rude, mean and crazy in front of him whenever you likeㅡespecially when your bestfriend's just talkative as fuck.

"Oo na." Tumawa ito nang mahina. "Alis na kayo. I'll be staying here for today. And when you come back home, you will still see me. Dito kasi ako matutulog ngayon." Inangat nito ang isang malaking itim na bag.

Inirapan niya ito. "If I know, may tinataguan ka na naman. Bahala ka nga nga. Doon ka nalang sa silid na katabi ng room ko. Kumuha ka nalang ng bagong bedsheet kung gusto mong palitan iyong bedsheet doon."

Hindi na niya hinayaang makasagot pa si Vince. Tinalikuran na niya ito at hinila si Daniel palabas. Iniwan niyang nakabukas ang pinto ng buhay sapagkat nandoon naman si Vince. Kahit na inaaway niya minsan ang kaibigan niya, malaki pa rin naman ang tiwala niya sa lalaking iyon.

Maglalakad na sana siya patungo sa sariling kotse na nakaparada sa harap ng bahay nang bigla siyang hilahin ni Daniel palabas ng gate.

"Teka Dan! Doon ako sasakay sa kotse ko," iritadong wika niya habang tinuturo ang kotse.

Tila walang narinig si Daniel. Hindi siya nilingon ng binata. Wala itong imik habang mahigpit na nakakapit sa pulsahan niya. Nang makarating sa kotse nito, si Daniel na mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Ngunit pasalampak naman siya nitong pinapasok sa passenger's seat. She doesn't know what to feel this moment. She's happy to see him opening a door for her. But it irritates her to think that Daniel just harshly pushed her inside his car. It was totally ungentle!

Nang makapasok ang binata sa driver's seat, agad na nitong pinaharurot ang sasakyan. Ipinagkrus lamang ni Chandria ang kanyang mga braso sa ibabaw ng sariling dibdib at tinutok ang mga mata sa mga building nadadaan nila. This is her way of relaxing herself.

Ilang minuto ring binalot ng nakakabinging katahimikan ang kotse. Ngunit si Daniel ang bumasag ng katahimikang iyon.

"Bakit mo hinayaang maiwan si Vince sa bahay mo?" mahinang tanong nito. "You even agreed to let him stay and sleep in your house."

Awtomatikong napalingon si Chandria sa gawi ni Daniel nang marinig ang uyam sa boses nito. Sinilip niya ang emosyon sa mukha nito. At gaya ng ilang beses na magkaharap sila, nakakunot na naman ang noo nito.

Napairap na lamang si Chandria. "Ano namang problema doon? I trust Vince. Hindi iyon gagawa ng kalokohang ikakapahamak ko. Pilyo iyon pero hindi siya gagawa ng mga bagay na alam niya'y magkakaroon ng masamang epekto sa ibang tao. He's worth a trust. Isa pa, wala naman mali kung patulugin ko siya sa bahay. After all, he's my bestfriend. There's no malice with that. We've known each otherㅡ"

"Enough." Biglang sumabat si Daniel kaya hindi na niya naituloy ang dapat sabihin. "I don't want girls who talk a lot."

Natahimik na lamang si Chandria dahil sa sinabi ni Daniel. Pakiramdam niya'y umakyat ang lahat ng kanyang dugo sa sariling pisngi. She wanted to curse herself for talking too much in front of Daniel. That's absolutely humiliating for Petes sake!

Saglit na sumulyap si Daniel sa kanya at pinasadahan nito ng tingin ang katawan niya. "And I don't want girls who wear black everytime."





*****
A/N

Pakasungit talaga nitong si Daniel ano? Daig pa babaeng may PMS! Hahahahahhaa

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now