Unexpected question

620 25 3
                                    


Pagkatapos niyang irapan ang mga babaeng tsismosa, agad ding siyang bumalik sa kotse ni Daniel. Binuksan niya ang pinto ng kotse na malapit sa passenger seat. Of course, she should be sitting next to Daniel.

But then, when she finally pulled it open, dismay covered up her system as she saw Aliyah on her desired seat with her bag put on the lap. Chandria glanced at Daniel and saw that he's also eyeing at her direction with his bored look. While his sister, Aliyah, was looking at her suspiciously with her brows meeting halfwayㅡlike Chandria was some kind of holdupers or something. Just what the hell! She's too gorgeous to be one.

Yet, the little girl's face seemed to lightened up when she recognized Chandria. She even stretched her lips to form a genuine smile.

"Ate na buntis, ikaw pala!" masiglang bati ni Aliyah. "Sumakay ka na po dito." Umusog pa ang bata ng kunti at tinapik ang bakanteng space sa upuan na halata namang hindi sapat para sa kanya.

She faked a smile. "Pwedeng doon ka sa backseat? Tatabi ako sa kuya mo."

"No." Taas-kilay siyang napalingon kay Daniel nang sumabat itong bigla. "Aliyah, you stay here. Doon mo paupuin iyang ate mo sa likuran," ma-awtoridad nitong wika habang nakatitig sa kanya.

"Whatever." Inirapan niya ito. Nagsisimula na namang uminit ang ulo niya dahil kay Daniel. Hindi pa nakakatulong itong init ng sinag ng araw na dumadapo sa kanyang likod. Nasa labas pa rin kasi siya. Nasa gilid ng kalsada nakatayo habang hawak ang pinto ng kotse ni Daniel.

"Ano bang inaarte mo diyan? Gutom na ako. Get inside." Sumenyas si Daniel na pumunta na si Chandria sa backseat. Saglit itong sumulyap sa mga upuang nasa likuran at ibinalik din naman nitong ibinalik ang tingin sa gawi niya. "Or you can just stay here and pay for a cab to drive you home."

Napasimangot na lamang siya sa sinabi ni Daniel. This guy is the total opposite of the word 'gentleman'. Seriously. And because of him, her irritation just boomed in her system.

Padabog niya sinarado ang pinto ng kotse sa tabi niAliyah. Wala siyang pakialam kung ano ang maging reaksiyon ng bata o ni Daniel man. All she thinks of at the moment is express the annoyance she's feeling.

Agad siyang pumasok sa loob at malakas na hinila ang pinto ng kotse upang isarado ito. Pagkatapos ay umupo siya sa gitna. Hindi naman ito problema kay Chandria sapagkat walang naman siyang ibang katabi. Okupado niya ang tatlong upuan sa backseat. Ipinagkrus niya ang kanyang mga braso sa ibabaw ng dibdib habang pilit na iwinawaksi ang inis na nararamdaman.

Buti nalang at wala siyang narinig na reklamo mula sa magkapatid. Hindi rin naman siya kinausap ni Daniel tungkol sa pagdadabog niya. Well, she doesn't care about it though. She doesn't have that good image to protect in the first place.

Ang umaabala lamang sa kanya ay iyong panaka-nakang pagsulyap ni Aliyah sa kanyang direksyon habang nakakapit ito sa sandalan ng seat nito. May kaunting space kasi sa pagitan ng driver's seat at passenger seat kaya nakikita niya pa rin kung anong nangyayari sa harapan. Nakasilip ng kunti ang mukha ni Aliyah habang mahina itong humahagikhik. Nakikita pa ni Chandria ang maliliit nitong daliri na nakakapit sa sandalan ng seat. Pagkatapos ay lilingon ito sa driver's seat kung saan nakapwesto si Daniel. Paulit-ulit iyong ginagawa ng bata hanggang sa maramdaman niya ang vibration ng kotse, hudyat ng pag-andar nito.

Bahagya siyang napayuko at mabilis na kinabit ang seatbelt. Nang matapos ay agad niyang inayos ang ilang hibla ng kanyang nakalugay na buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Inangat ni Chandria ang kanyang tingin nang maramdaman umaabante na ang sasakyan.

Napaismid si Chandria nang masalubong niya ulit ang itim na mata ni Aliyah. Naiinggit siya sa kulay nito. Why does the Ford family own those intimately dim black eyes? Well, that would be Danieland Aliyah only. She wasn't able to see Daniel's parents in person since they're already gone even before Chandria could possibly meet them.

"Ate pretty, ano po ang true name mo?" masiglang wika ni Aliyah habang nakaupo ng patagilid sa passenger seat. Nakaharap nang kunti ang katawan nito sa kanya. May ngiti sa labi nito ngunit ang mga mata naman nito'y puno ng kuryosidad.

"I'm Chandria Arylle Bernardo, dear." She replied in an instant. "Soon to be Chandria Arylle Bernardo-Ford."

A playful smirk suddenly appeared on Chandria's face when Daniel grunted in disagreement. She can feel that he's really not in favor of what she said. Yet, Daniel did not try to scold her or just take one deadly glance at her. His senses except his ears were too focused on the road.

Nakita niya kung paano nawala ang ngiti sa mukha ng bata. Bigla iyong napalitan ng pangungunot ng noo nito. Parang si Daniel lang. "Bakit po? Aampunin po ba kayo ni Kuya?" Bigla itong lumabi sa harap niya.

"Of course not!" malakas niyang tanggi. "Do I look like some orphan to you?" Inalis ni Chandria ang pagkakrus ng mga braso niya sa ibabaw ng dibdib at mabilis na tinuro ang sarili gamit ang isang daliri.

Mabilis namang umiling si Aliyah. "No po. You are so pretty nga po e. But ayaw ko pong maging kapatid ka. Mas gusto ko po na maging girlfriend ka ni Kuya." Biglang lumitaw ang malapad na ngiti sa mukha ng batang babae kaya napangisi na rin siya. "Diba buntis ka na po?"

"Aliyah!" Agad siyang napalingon sa driver's seat nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Daniel. "Stop talking non-sense!"

Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha ni Daniel sapagkat nakaharang ang likod ng seat nito sa gawi niya. Pero alam niyang nakakunot na naman ang noo nito habang patuloy na nagmamaneho.

Rumehistro sa mukha ni Aliyah ang pagtatampo nang sitahin ito ng kuya niya. "Bakit kuya, ayaw mo po bang maging girlfriend si ate Chandria? She's pretty naman a."

Chandria was taken aback by Aliyah's unexpected question. She was about to defend the little girl against her strict brother but her words went hanging on her throat when Aliyah asked that question. It was a childish interrogation but it somehow gave her the anticipation to know Daniel's answer. There was a ling deafening silence inside the car until Daniel finally opened his mouth.







******
A/N
Ano kaya ang sagot ni Daniel? Hmmmmmm. Abangan! Hahahahaha 😁😉

The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now